¤Chapter Seventeen¤

1.7K 42 0
                                    

{Mika's POV}
After class, hindi ko in-expect na totoohin niya yung sinabi niya.

"Psst." Napa-tingin ako kay Joanna, dahil sa pag sitsit niya.

"Bakit?" Kunot noong tanong ko sa kaniya. Napatigil ako sa pag liligpit ng mga gamit ko dahil sa kaniya.

Sa halip na sabihin niya sa'kin kung bakit, ay nginusuan niya lang yung direksyon papunta sa pintuan ng room namin.

Naghe-hesitate pa akong tignan yung direksyon ng pintuan.

Hanggang sa nakita kong nakatayo si Lawrence doon, habang kinakawayan ako.

Napatingin naman ulit ako kay Joanna.
Pero para siyang aso kung makangiti sa'kin.

"Puntahan mo na." Pabulong niyang sabi sa'kin.

"What?" Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kaya pinipigilan ko si Joanna'ng umalis para samahan ako.

"Sige na, Puntahan mo na." Sabi niya ng makatayo siya. Hinahatak niya rin ako patayo.

Pero, dahil wala na akong magawa ay nag pahatak na rin ako.

"Sus, Pabebe ka pa ehh." Pang-aasar niya, sabay kiliti sa'kin.

Sinamaan ko lang siya ng tingin dahil sa ginawa niya.

Wala pang ilang segundo, ay nakarating na kaagad kami sa harap ni Lawrence.

"Hi, Lawrence!!" Bati ni Joanna kay Lawrence.

"Hi. Are you done already?" Tanong naman ni Lawrence.

"Yeah, Yeah! Here, you can have Mika now." Sabi niya sabay tulak sa'kin papunta kay Lawrence.

"I'm going now, Have fun you two." Masayang sabi niya, sabay nag mamadaling umalis.

Hindi ko na siya nagawang pinigilan pa, dahil nawala na kaagad siya.

Ngayong kami nalang dalawa, ay bigla naman akong kinabahan.

Is this how you feel when you love someone?

If this is, I don't like this feeling.

It's kind of suffocating, I don't even know Why.

"Uhm.. Let's Go?" Natauhan naman ako ng mag-salita si Lawrence.

"Oh, Y-yeah. Let's Go." Pagkasabi ko no'n ay naglakad na kami palabas ng Building.

Walang nag sasalita sa'ming dalawa ni-isang salita.

Kaya nag sisimula nang maging awkward yung atmosphere na nakapaligid sa'ming dalawa.

Habang naglalakad kamin ay pasimple kong sinusulyapan si Lawrence.

Diretso lang siyang nakatingin sa daan.

Kung tutuusin, Gwapo naman si Lawrence.

For sure, matalino rin siya. Vice President nga siya sa Student Council eh.

Uhmm, Mabait rin naman siya.

Matangkad rin siya.

Kaya hindi na ako magtataka kung bakit maraming baliw na baliw sa kaniya.

Natauhan naman ako ng bigla siyang tumingin sa gawi ko. Dahil sa sobrang pag kataranta ko ay napa-iwas ako ng tingin sa kaniya.

Ayan tuloy, masyado akong halata.

Lumipas ang ilang minuto at hindi ko na talaga kinaya 'yung awkwardness sa'ming dalawa, kaya I encourage myself to speak.

"Uhm. So saan tayo pupunta? Kanina pa tayo nag lalakad." I tried my best to act casual, I hope it work.

"Oh Yeah. I'm going to take you on a date." Nakangiting sabi niya sa'kin.

'Eto na naman siya. Yung Puso ko.'

"Huh? Date?" I tried so hard not to stutter. I'm so glad that I didn't.

"Yeah, A date. Hindi naman siguro masama kung yayayain kitang i-date, diba?" Pagkasabi niya nun ay hinawakan niya yung kamay ko.

Nanlaki sobra yung mata ko dahil sa ginawa niya. At nag wawala na ng tuluyan 'yung puso ko.

"C'mon, Let's go!" Naka-ngiting sabi niya sabay hatak sa'kin.

Wala na akong magawa, dahil kahit anong gawin ko ay ayaw i-process ng utak ko 'yung nangyari.



Nakarating kaming dalawa ni Lawrence sa Mall.

Medyo malayo 'to sa school kaya kinailangan naming mag-commute.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa mall ay dumiretso agad kami sa Arcade.

To be honest, this is my first time in an arcade.

Dahil nga sa maagang nawala ang mama ko, at yung papa ko naman ay walang ibang ginawa kun'di ang mag-inom, ay hindi ako nakaka-punta sa mga arcade.

Kaya mukha akong taong bundok, dahil manghang-mangha ako sa mga nakikita ko.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko kay Lawrence.

"Maglalaro. Tara bili muna tayo ng tokens." Sabi niya sabay hila na naman sa'kin, papunta sa kung saan.

Habang bumibili si Lawrence ay inilibot ko 'yung paningin ko sa paligid.

Maraming tao, maingay at lahat ng nandito ay masaya.

Feeling ko tuloy hindi ako pwede dito.

Napahigpit naman 'yung hawak ko sa kamay ni Lawrence habang tinitignan ko 'yung masasayang mukha ng mga taong nag lalaro dito sa arcade.

"Let's go." Natauhan lang ako ng marinig ko si Lawrence.

Hindi na ako nag salita at sumunod nalang ako sa kaniya.

"Saan mo gustong maglaro?" Napatingin ako sa kaniya ng tanungin niya ako.

"Uhm. Ikaw nalang pumili. Wala kasi akong alam sa mga ganito eh." Nahihiyang sabi ko sa kaniya. Sa sobrang hiya ko ay hindi ko magawang tumingin sa kaniya. Kaya nag kukunwari akong tumingin ng pwedeng laruin.

"Don't tell me, first time mo sa Arcade?" Mas lalo akong nahiya ng sabihin niya 'yun.

"Uhm, Oo. Wala kasi akong time para pumunta dito eh." Sabi ko nalang.

Narinig ko naman siyang tumawa, medyo nainis ako dahil dun.

Nang hindi parin siya tumigil sa pagtawa ay inis akong humarap sa kaniya.

"Anong nakakatawa?" Naiirita kong sabi. Umiling lang siya, pero hindi parin siya tumitigil sa pagtawa.

"Okey, tumawa ka nalang ng tumawa diyan magdamag. Aalis na ako." Sabi ko at tumalikod na sa kaniya.

Lalakad na sana ako ng pigilan niya ako.

"Okey. Sorry, It's just a joke." Sabi niya sa'kin, pero inirapan ko lang siya.

"Mukha ba akong natatawa?" Pagkasabi ko nun ay ngumiti siya sa'kin at ginulo-gulo yung buhok ko.

"Okey. I'm sorry. Now let's go." Sabi niya at hinawakan na naman niya ako sa mismong kamay ko.

Hindi ko alam kung paano mag react sa ginawa niya.

Napahawak nalang ako sa dibdib ko, dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Seriously, What's wrong with this guy?

If I Die Young ✔(#Wattys2018)Where stories live. Discover now