¤Chapter Twenty-Two¤

1.8K 49 2
                                    

{Mika's POV}
"Meron ka bang tinitirhan ngayon?" Tanong ni Kuya, nakasakay kami ngayon sa kotse niya at siya ang nag da-drive.

Nasa passenger seat naman ako.

"Meron naman. Nakikitira ako sa classmate ko." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kaniya.

"Bakit hindi ka nalang tumira sa bahay ko." Napatingin na ako ng sabihin niya 'yun.

"Huh?" 'Yun nalang ang nasabi ko.

"Since Kuya mo naman ako, hindi naman siguro masama kung sa bahay ko na ikaw titira diba?" Nakangiting sabi niya pero nakatingin parin siya sa daan.

"Uhm. Okay, If you insist." Sabi ko nalang.

Pagkatapos ng usapang 'yun ay wala ng nag salita sa'min.

Sinabi ko rin sa kaniya na pumunta muna sa bahay nila Joanna para makuha ko 'yung mga gamit ko sa kanila. Pumayag naman siya.







"Sigurado ka na aalis kana dito?" Malungkot n a sabi ni Joanna sa'kin.

Nilalagay ko sa maleta 'yung mga gamit ko.

"Oo. Tsaka masyado na kitang naaabala eh. Tsaka nag kikita pa naman tayo sa school ahh. Hindi naman ako pupunta sa ibang lugar no." Sabi ko sa kaniya.

Nag pout naman siya, which I found so cute.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya.

"Thank you sa lahat, Joanna. Kahit na pinag tatabuyan kita noong una ay tinulungan mo parin ako." Sabi ko at hinawaka ang dalawa niyang kamay.

"Why are you saying that like that? It sounds like you're going to leave." Sabi niya.

Napangiti naman ako sa kaniya.

"I already told na hindi ako aalis. Lililat lang ng bahay." Sabi ko, nagulat naman ako ng yakapin niya ako.

"Kapag may problema ka ulit, nandito lang ako. Pati narin sila Zylin. Lalo na si Lawrence." Niyakap ko nalang rin siya.

"I gues having friends isn't bad at all." Sabi ko naman sakaniya.

"Yeah." Yun nalang ang nasabi niya.

Nang matapos ang drama namin ay pinagpatuloy ko na yung pag-iimpake ko.

"Siya ba talaga ang Kuya mo?" Tanong ni Joanna, tumango lang ako bilang sagot.

"Seryoso? In fairness, ang gwapo niya ah." Sabi niya.

"Wag masyado siyang matanda para sayo." Sabi ko ng hindi natingin sa kaniya.

Naupo naman siya sa kama na inuupuan ko rin.

"Sus. Hindi ako ganun ka desperado no." Sabi niya natawa nalang ako.

"Sige. Kita nalang tayo bukas ah." Paalam ni Joanna sa'kin.

"Sige. Thank you ulit." Sabi ko nalang.

Sumakay na ako sa kotse ni Kuya.

Madilim na kaya medyo pagod na ako.

Isinandal ko 'yung ulo ko sa upuan at sinubukan kong matulog.

{Kyle's POV}
Tahimik lang akong nag da-drive ng mapansin kong tulog na si Mika.

Napabuntong hininga naman ako sabay nalangiti.

Hindi ako makapaniwala na kasama ko na ang kapatid ko ngayon.

Ang tagal ko siyang hinanap.

Bago namatay si Auntie ay 'yun ang bilin niya sa'kin.

Nahanapin ko si Mika.

Naalala ko noong namatay si Mama ay ayaw ibigay ni Papa si Mika kay Auntie.

Hindi ko inaasahan na si Papa ang nag papahirap kay Mika.

Sinisisi niya si Mika dahil sa pagkawala ni Mama.

Kaya siguro parang ayaw ni Mika na pumunta sa puntod ni Mama.

Dahil naniniwala siya sa sinabi ni Papa na siya ang dahilan.

Inihinto ko muna 'yung koyse sa tabi.

Nang mahinto ko na ay kinuha ko 'yung coat sa back seat at ipinatong ko kay Mika.

May napansin naman ako sa kamay niya.

Nakita ko na puro peklat ang nasa pulso niya.

Kinuha ko yung kaliwang kamay niya. 'Yung iba ay pasara pa lang ang sugat at 'yung iba ay mga peklat na.

Tinignan ko rin 'yung kanang kamay niya, puro pasa rin 'yung pulso niya.


Now I'm really sure na suicidal nga siya.

Napabuntong hininga nalang ako dahil dun.





{Mika's POV}
"Mika, nandito na tayo. Gising na." Nagising ako sa paulit ulit na pag-uga sa'kin.

Nakita ko naman si Kuya na nasa labas na. Nakabukas na 'yung pinto kaya lumabas na ako.

Bumungad sa'kin ang isang magarang bahay.

"Let's go." Sabi niya at naglakad na papasok, kaya sinundan ko nalang siya.

Ang yaman nga talaga ni Kuya.

Three Storey 'yung bahay niya. May bakuran pa.

Pagkapasok namin sa bahay ay dumiretso kaagad si Kuya sa magiginh kwarto ko.

Sinusundan ko lang siya, hanggang sa makarating na kami sa Kwarto ko daw.

"We're here." Sabi niya sabay bukas ng pinto.

Pinasok niya na rin sa loob 'yung mga gamit ko.

In fairness ang laki ng kwarto ko ahh. Kasing laki na ng bahay namin dati.

"You must be tired, you should rest. Bumas mo na ayusin 'yung mga gamit mo." Nakangiting sabi ni Kuya.

Tumango nalang ako bilang sagot.

"Okay. Mag papahinga na rin ako." Sabi niya.

Nagulat namana ko ng bigla niya akong yakapin.

"Good night, my little sister. It's nice to finally see you." Sabi niya sabay halik sa ulo ko.

Maya maya at humiwalay na siya sa pag kakayakap.

"Good night." Sabi ko, lumabas na siya at sinarado 'yung pinto.

Sana pag-gising ko bukas ay totoo 'tong nga nangyaring 'to.

If I Die Young ✔(#Wattys2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon