¤Chapter Twenty-Four¤

1.9K 41 9
                                    

{Mika's POV}
"Hey girl, may nag hihintay sa'yo oh!" Sabi ni Joanna habang sinisiko niya ako.

Nag-aayos na ako ng mga gamit para makauwi na.

Tinignan ko 'yung pintuan ng room namin para makita kung sino 'yung nag hihintay daw sa'kin.

Nakita ko naman na si Lawrence pala 'yun.

"Taray. Sana lahat may nag hihintay." Dagdag pa niya habang umiiling-iling.

Kinunutan ko lang siya ng noo dahil sa sinabi niya.

"Sige na, sumama kana sa jowa mo." Sabi sabay kindat pa sa'kin.

"Hindi ko siya jowa." Bulong ko sa kaniya.

"Sus! Dun rin papunta 'yun. Sige na, baka mainip 'yan." Sabi niya sabay tulak sa'kin papunta sa may pinto.

Sinamaan ko lang siya ng tingin, bago tuluyang mag lakad papunta kay Lawrence.

"Bakit? May kailangan ka?" 'Yun lang ang naitanong ko kay Lawrence.

Dahil sa totoo lang hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya.

Wala naman kasi siyang sinabi sa'kin kanina na mag ha-hang-out daw kami.

"Let's go!" 'Yun nalang ang sinabi at hinila na ako paalis.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya, hawak niya parin 'yung kamay ko.

"I just want to spend some time with you." Diretsong sabi niya.

To be honest, that caught me off guard.

Bakit parang baliwala lang sa kaniya na sabihin 'yung mga salitang 'yun?

Now I'm more confused sa feelings ko para sa kaniya.

Nakarating kami sa mall. Dinala niya ako sa Cinema.

Hindi ko alam kung anong pumasoknsa utak niya at naisipan niyang manood ng sine.

Bumili na siya ng dalawang ticket at ng makakain namin sa loob ng sinehan.

Sa totoo lang, nahihiya ako kasi palaging siya ang gumagastos.

"Ilang minutes pa bago 'yung palabas na papanoorin na'tin." Sabi niya, habang bitbit 'yung mga pagkain na binili niya.

"Tulungan na kita diyan." Pag aalok ko sa kaniya. Kukunin ko na sana 'yung ibang pagkain pero iniwas niya 'yun sa'kin.

"No. Kaya ko na'to." Nakangiting sabi niya sa'kin.

Wala na akong nagawa kundi ang manahimik nalang sa isang tabi.

Napansin ko na naman ulit 'yung pasa ko. Napabuntong hininga nalang ako kasi ang laki niya.

Baka maging peklat 'yan. Masyadong halata.

Maya-maya ay nag-yaya na si Lawrence pumasok sa loob ng sinehan.

Sumunod lang ako sa kaniya.

Bago kami tuluyang maka-pasok sa sinehan ay tinext ko muna si Kuya. Sinabi ko na gagabihin ako ng uwi.

Hindi ko na soya hinintay mag reply at pumasok na kami sa loob.

Pinatay ko na rin 'yung cellphone ko para hindi maka-istorbonsa ibang manonood.

Nakakahiya naman kapag biglang tumunog 'yung cellphone ko.

Pumwesto kami ni Lawrence sa gitnang parte ng mga upuan.

Para mas ma-enjoy namin 'yung palabas.

Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ba 'yung papanoorin namin.

If I Die Young ✔(#Wattys2018)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin