¤Chapter Six¤

1.9K 66 4
                                    

{Mika's POV}
"Huh?" Sagot ko dun sa babae.
Bumuntong hininga naman siya sa sinabi ko.

"I said I want you to join the Council." Inulit niya ulit Yung sinabi niya kanina.

"No, Thanks." Sabi ko at tumalikod na sa kaniya at nag simula ng mag lakad.

"Wait!" Sabi niya sabay harang sa dina-daanan ko.

"Can you please, think about it?" Tinitigan ko naman siya, at kunwaring nag-iisip.

"Hhmm. Okay, pinag-isipan ko na." Sabi ko at kuminang naman 'yung mukha niya.

"Ayoko parin. Bye." Sabi ko at nag-lakad na ulit.
"Wait! Pag-isipan mo pa ulit. Ikaw nalang Ang Pag-asa ng council, Please." Pagma-makaawa niya. Hinarap ko naman siya.

"At pano mo naman na sabi na ako Ang Pag-asa ng council niyo?" Diretsong Tanong ko sa kaniya.

Napa-isip naman siya sa Tanong ko.
"Hmm. Kasi... matalino ka?" Patanong niyang Sagot.

"See, Hindi mo rin sure. Kung nire-recruit mo ko Dahil Lang sa scholar ako, itigil mo na. Kahit anong pilit mo Hindi mo ko mapapa-sali." Seryosong sabi ko sa kaniya.

Sa totoo Lang ginagawa nilang big deal Ang pagiging scholar ko sa school na'to.

I'm pretty sure Hindi Lang naman ako Ang kayang maka-pasa sa scholarship ng school na'to.

O baka ngayon Lang sila naka-kita ng buhay na commoner, and take note nag-aaral pa sa ZHIS.

"Ikaw Lang kasi Ang naisip ko na pwedeng pumalit sa President. Ga-graduate na kasi siya this year, Kaya kailangan niya na ring mag retire sa Council." Paliwanag niya. Wait, Bakit siya nag-papaliwanag? Hindi ko naman sinabi na I-explain niya sa'kin ah. Wait! Hindi nga ba?

"As a Vice President kailangan Kong mag Hanap ng papalit sa President. Yung capable sa gawain ng Council." Sabi niya at hinawakan niya Yung kanang kamay ko.

"Please, I'm begging you. Wala na akong ibang kilala na capable maliban sa'yo." Pagmama-kaawa niya.

Bumuntong-hininga muna ako bago mag-salita.

"Anong pangalan mo?" Nagulat naman siya sa Tanong ko.

"Huh? Ah. Alexandra Garcia." Naka-ngiting sabi niya.

"Okay, Alexandra you said na ako Lang Ang nakikita mong May kakayahan sa trabaho ng Council, right?" Panimula ko. Tumango naman siya sa Tanong ko.

"Well, You Said that your a vice president. So sa tingin ko mas capable ka kesa sa'kin. You already know how the Council works and you already experience working In the Council. Compare mo sa'kin na Wala kahit isang experience. So, Bakit Hindi nalang ikaw Ang pumalit sa president?" Sabi ko sa kaniya. Nakatingin naman siya ng May Pag-hanga sa'kin.

Huh? May sinabi ba akong Dapat kahangaan?

"Sa tingin mo, Kaya Kong maging president?" Tanong niya sa'kin, Tumango naman ako bilang Sagot.

"Vice President nga nakayanan mo, President pa kaya." Sabi ko, ngumiti naman siya nang malaki sa'kin.

"Thank You. Ikaw Ang unang taong nag sabi na Kaya Kong gawin Ang isang Bagay. All my life, palagi nilang sinasabi na Hindi ko Kaya, at madi-disappoint Lang sila sa'kin. Kaya Ang saya ko ng marinig Kong sabihin mong Kakayanin ko." Sabay ngiti ulit siya sa'kin.

"Hindi mo Dapat pinapansin Ang mga sinasabi ng Ibang Tao sayo. Dapat ka Lang maniwala sa sarili mo, Dahil kapag sa ibang Tao ka naniwala mas lalo ka Lang mawawalan ng ganang gawin Ang isang bagay, Kaya matuto kang magtiwala sa sarili mo at patunayan mo sa kanila na Kaya mo, Okay?" Sabi ko sa kaniya. Nakangiting Tumango siya sa'kin.

If I Die Young ✔(#Wattys2018)Where stories live. Discover now