¤Chapter Four¤

2.1K 64 2
                                    

{Third Person's POV}
Saglit na natahimik Ang Tao sa Cafeteria na tila hinihintay na maka-alis si Mika sa Lugar na 'yun.

"Argh!!" Frustrated na Sigaw ni Abigail. Hindi niya matanggap na May isang taong kayang lumaban sa kaniya.

"I swear, pagbabayaran mo 'tong ginawa mo sa'kin." Inis na Bulong ni Abigail sa sarili niya.

"Uhm, Abigail here's some tissue." Sabi nang kasama niya habang inaabot Ang tissue sa kaniya.

Inis na kinuha niya 'Yung tissue at pinunasan Ang Mukha niya.

Si Abigail Villanueva ay anak ng mga artista. Dahil sa atensyon na nakukuha niya Dahil anak siya ng sikat na artista ay naging mapag-malaki siya. Gusto niya ay siya lagi Ang napapansin, gusto niya ay palagi siyang bida.

Kaya kahit Ang mang-bully ay gagawin niya mapunta Lang sa kaniya Ang atensyon ng mga Tao.

Pero sa unang pagkakataon sa buhay niya ay ngayon niya Lang naranasan na mapansin Dahil sa kahihiyan.

Unang beses palang na May nagpahiya sa kaniya sa harap ng maraming Tao. Kadalasan ay siya Ang nag papahiya sa mga Tao.

May iba pang namangha sa ginawa ni Mika kanina.

"Whoa! Hindi ko Alam na May student pala dito sa ZHIS na kayang pahiyain si Abigail." Usisa ni Joshua, member ng Student Council na nakakita rin ng pang-yayari.

"Oo nga eh. If I'm not mistaken, she's Mika Yung scholar sa school natin." Sabi naman ni Leenard, member rin ng Student Council.

"Well yeah siya nga, I really want to recruit her in the Council. Kailangan natin siya sa Council. Maybe kung siya Ang papalit sa President ay mas magiging maayos Ang mga event ng school." Sabi ni Joshua habang sumusubo ng pagkain niya.

"I think so too. Pero nasa kaniya parin Ang desisyon." Dagdag naman ni Leenard.

Hanggang sa pagdating ni Abigail sa Classroom nila ay Hindi parin maalis sa isip niya Ang nangyari kanina sa cafeteria. Kapag iniisip niya na Napahiya siya ay mas lalo siyang naiinis.

"Argh!! How dare you, Mika. I'm going to make your life a living hell." Inis na inis niyang sambit sa sarili niya. Sa sobrang inis niya ay napunit na niya Ang isang page ng notebook na nasa harap niya.

"What's wrong with you, Abigail?" May pang-asar na tonong sabi ni Kate Flores.

Tinignan ni Abigail si Kate ng masama.
"Bad mood,eh? Too embarrassed earlier?" Pang aasar ni Kate sa dalaga.

Mas lalong sumama Ang tingin ni Abigail Kay Kate.

"Well, honestly you deserve it. Ngayon Alam mo na kung anong feeling ng mapahiya sa maraming Tao." Patuloy nito. Hindi na napigilan ni Abigail Ang inis niya at tumayo na siya sa kina-uupuan niya.

"So what's your point?" Inis na sabi ni Abigail Kay Kate. Ang Lahat ng classmates nila ay Hindi magawang umawat Dahil sa tensyon ng dalawa.

"Point? Wala naman. Haha." Sabi ni Kate.

Mag sasalita pa sana si Abigail Kaya Lang dumating na Ang teacher nila.

Buong araw ay masama na Ang mood ni Abigail, na kahit Ang mga kaibigan niya ay Hindi na siya makausap.

{Mika's POV}
"Nandito na ako." Mahinang sabi ko pagkapasok ko ng bahay. Kahit naman sabihin ko ng malakas 'yun Wala namang babati sa'kin eh.

Sumalubong sa'kin Ang mga bote nang alak sa Sahig.

"As usual, Wala ng bago." Bulong ko sa sarili ko. Pinulot ko isa-isa 'Yung mga bote ng alak.

Bigla namang bumukas 'Yung pinto. Nakita ko si Papa Papasok at May dalang plastik na Ang laman ay Puro alak.

"Pa? Umiinom ka na naman." Sabi ko sabay buntong hininga.
"Wala kang pakialam kung umiinom ako~" lasing na sabi niya.

"Oh, eto pera bumili ka ng pagkain mo ng Wala kang masabi." Sabi ni Papa habang inaabot sa'kin 'Yung 500 pesos.

Bigla naman Pumasok sa utak ko.
"Saan galing 'tong pera mo?" Tanong ko. Hindi ko na hinintay na sumagot si Papa at Tumakbo na ako papunta sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad Kong binuksan 'Yung drawer kung Saan nakalagay Yung kahon na May pera.

Nanlaki naman 'yung Mata ko nang makita Kong nakabukas at Wala nang laman Yung kahon. As in, simot na simot.

Napapikit nalang ako at bumuntong hininga.

Lumabas ako ng kwarto at naglakad papunta Kay Papa.

"Pa, Nasan na 'yung pera dito sa kahon?" Mahinahong Tanong ko. Tumingin naman sa'kin si Papa.

"Kinuha ko. Ibabalik ko rin 'yun wag kang mag-alala." Sabi niya sabay tagay ng alak.

"Ibabalik?! Paano mo ibabalik 'yun?!" Hindi ko na napigilan 'Yung sarili ko at nasigawan ko na si Papa.

Kailangan ko 'Yung pera na 'yun para May pang gastos dito sa bahay. Tapos kukunin niya Lang at ipam-bibili ng alak?!

"Pa, pinag hirapan ko Yung perang 'yun. Kailangan 'yun para sa mga gastusin dito sa bahay. At kailangan ko rin 'yun para sa school." Sabi ko.

"Diba sabi ko ibabalik ko naman 'yun!!" Galit na Sigaw ni Papa sa'kin.
"Paano?! Wala ka ngang trabaho eh!! Araw-araw ka na Lang nag iinum!! Araw-araw ka nalang nag---- Ugh!" Hindi ko na natapos 'Yung sasabihin ko Dahil sinuntok na ako ni Papa sa tiyan.

"Nag mamalaki kana sa'kin ngayon? Porket May trabaho ka, porket ikaw Ang gumagastos at kumikilos dito sa bahay!! Para sabihin ko sa'yo Barya Lang 'yang kinikita mo. Kaya wag na wag mo Kong Pag mamalakihan!!" Sabi ni Papa sabay sampal sa'kin. Sa sobrang lakas ng sampal niya ay feeling ko umalog na pati utak ko.

"Pare-pareho kayo. Mga Wala kayong kwenta." At sinuntok na naman niya ako sa tiyan.

"Kung Barya Lang pala Ang kinikita ko, Bakit Hindi mo subukang mag trabaho ng Hindi kana maka-rinig ng kahit ano sa'kin. Gawin mo kung anong gusto mong gawin sa sahod mo. Hindi kita papakialam." Matapang sa na sabi ko sa kaniya.

Bigla naman niyang hinampas sa ulo ko Yung bote ng alak. Kasabay ng pagtulo ng laman ng bote ay Ang pagtulo rin ng dugo ko.

"Ang yabang mo ah! Sino ka para sabihan ako kung anong Dapat 'Kong gawin, HA!!" Tinulak niya ako at tumama sa matulis na dulo ng lamesa 'Yung likod ko.

"Mamatay kana ng Wala na akong palamunin pa!!" Sigaw ni Papa sa'kin.

Hindi ko Alam kung anong masakit, Yung mga sugat ko ba o Yung sinabi ni Papa na mamatay na ako.

Sa tuwing maririnig ko 'Yung mga salita 'yun ay kumikirot Ang puso ko.

Hindi ko Alam, halos araw araw naman sabihin ni Papa sa'kin 'yun pero hanggang ngayon na sasaktan parin ako kapag naririnig ko 'yun.

Nakahiga na ako sa kama ko. Ngayon ko Lang naramdaman Yung sakit ng mga sugat ko.

Umupo ako at Nakita ko Yung cutter sa study table. Tumayo ako at nag lakad palapit sa study table.

Nang makalapit ako ay kinuha ko 'Yung cutter.

'Mamatay Kana!!'

'Mamatay Kana!!'

'Mamatay Kana!!'

'Yang dalawang salitang 'yan Ang paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko.

Tinutok ko Yung blade ng cutter sa wrist ko.

Diniinan ko Ang pagdampi ng blade sa wrist ko. Maya Maya pa ay May tumutulo ng dugo. Wala akong maramdamang sakit sa pulso ko. Siguro Dahil narin sa sakit ng mga sugat ko Kaya nasanay na ako.

Ang daming pumapasok sa isip ko.
Inilayo ko na 'Yung blade sa wrist ko at hinawakan para Tumigil Ang pagdugo.

Bakit ganun Hindi ko Kaya? Hindi ko kayang tuluyang hiwain Ang braso ko para matapos na 'tong Pag hihirap ko.

Bakit Hindi ko magawa?

If I Die Young ✔(#Wattys2018)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin