¤Chapter Twenty¤

1.7K 49 4
                                    

{Third Person's POV}
"Mr. Erick Santos, he's currently in a relationship with Ms. Jasmine Amethyst, at si Ms. Amethyst ang kasalukuyang nag papatakbo sa kumpanya ng tatay niya." Paliwanag ng secretary ni Kyle habang binabasa ang hawak niyang mga papeles.

Tahimik lang na nakikinig si Kyle sa mga sinasabi ng kaniyang secretary.

Dahil gusto niyang malaman kung ano nang lagay ng kaniyang ama.

"According to this information, May dalawang anak si Mr. Santos. Isang babae at isang lalaki. Namatay ang asawa niya pagkatapos ipanganak 'yung bunso nilang anak. After that, kinuha ng kapatid ng asawa niya 'yung panganay nilang anak at naiwan sa kaniya 'yung bunso." Dagdag pa nito.

Pinigilan siya ni Kyle mag salita.

"Okay. I'm going to read it from there. Give it to me." Utos niya sa kaniyang secretary na agad naman nitomg sinunod.

"May iba pa po ba kayong ipapagawa Sir?" Magalang na tanong nito sa kaniyang boss.

"Yeah. I want you to contact this person. Sabihin mo ay i-interviewhin ko siya, okay?" Sabi ni Kyle sabay abot ng resume sa kaniyang secretary.

Agad namang kinuha iyon ng kaniyang secretary at nag paalam na.

Binasa ni Kyle ang binigay na papeles sa kaniya ng secretary niya.

Makalipas ang ilang taon ay sa wakas nahanap narin niya ang kaniyang ama at kapatid.

Ngunit hindi maganda ang kalagayan ng kapatid niya.

Kaya gusto niyang malaman kung anong mga nangyari sa loob ng mahabang panahon na wala siya.

Hindi niya akalain na mamagawang saktan ng ama niya ang kaniyang kapatid na sarili niya mismong anak.

Hindi niya maisip kung gaano kahirap ang sinapit ng kapatid niya dahil doon.

Ngayong nahanap na niya ang kapagid niya, ay gagawin niya ang lahat ma-protektahan niya lang ito.

Inilapag na ni Kyle ang mga papeles na kaniyang binabasa at kinuha ang isang litrato.

Litrato niya noong kasama pa niya ang kaniyang ama at ina kasama ang kaniyang kapatid na nasa sinapupunan pa lamang kaniyang ina.

Sa simpleng larawan ay makikita mong masaya sila.

Maya-maya pa ay tumunog ang telepono ni Kyle na kaagad namang niyang sinagot.

"Yes?" Sabi niya sa kabilang linya.
"Uhm, Sir. Your guest is already here." Magalang na sabi ng babae sa kabilang linya.

Agad namang umayos ng upo si Kyle.
"Okey. Tell him to go to my office. Thank you." Agad niyang sabi bago putulin ang linya.

Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto ng kaniyang opisina at bumungad sa kaniya ang taong matagal na niyang hindi nakikita.

"Good day, Mr. Santos." Nakangiting bati ni Kyle sa matandang nasa harapan niya ngayon.

"Kyle?" May halong pananabik ng sabihin ng matanda ang pangalan niya.

"Yes. I'm glad you recognized me, Father." Sabi ni Kyle at tumayo sa kinauupuan niya.

"Oo naman. Ang laki na ng pinag-bago mo ah. Kamusta kana? Ikaw na ba ang may-ari ng kumpanyang 'to?" Masayang bati ng ama ni Kyle sa kaniya.

Hindi maiwasang isipin ni Kyle kung bakit kaya niyang umarteng parang wala siyang kasalanan?

Ganun na ba talaga kasama ang Ama niya?

"Umaasenso na ang anak ko ah." Yayakapin sana ni Erick ang anak ng pigilan siya nito.

If I Die Young ✔(#Wattys2018)Where stories live. Discover now