¤Chapter Five¤

2K 61 0
                                    

{Mika's POV}
"Good Morning, Mika!! Waaahh!! Anong nangyari sa Mukha mo?!!" Ang ingay naman nito ni Joanna.

Mas lalong sumasakit Yung sugat ko.

"Ang ingay mo Joanna. Mas lalong kumikirot Yung mga sugat ko." Naiiratang sabi ko.

"Mika! Sabihin mo si Abigail ba May gawa niyan?!" Sabi niya sabay hawak sa mag-kabilang pisngi ko. Mas lalo namang sumakit 'yung sugat ko sa ginawa niya.

"Ouch! Ano ba masakit nga sabi!" Sabi ko sabay tanggal ng kamay niya sa pisngi ko.

Bumuntong hininga naman siya.
"Sabihin mo si Abigail ba May gawa niyan?" Mahinahong Tanong niya sa'kin.

"Hindi siya Ang May gawa nito, okay?" Sabi ko. Tinaasan naman niya ako ng Kilay.

"Sigurado ka?" Tanong niya ulit, Tumango Lang ako bilang Sagot.

"Okay sabi mo eh." Pagsuko niya.

Mamayang uwian, pupunta ako sa Coffee Shop tatanungin ko kung Pwede akong mag trabaho ngayon.

Para May pamalit Doon sa pera na kinuha ni Papa kahapon.

At kung Hindi naman ako Pwede ngayon ay dun nalang ako sa convenience store.

Dahil nga sa pasukan ay tuwing weekends nalang ako pwedeng mag trabaho.

"Mika! Mika!" Nabalik ako sa reality ng alugin ako ni Joanna.

"Huh? Bakit?" Tanong ko sa kaniya.
"Omayghad Mika! Akala ko kung ano nang nangyayari sa'yo." Sabi niya sabay hinga ng maluwag.

"Alam mo ikaw, Ang OA mo." Sabi ko habang napapa-iling nalang.

"OA agad? Hindi ba pwedeng nag-aalala Lang?" Natigilan naman ako sa sinabi niya.

Nag-aalala siya? Sa'kin?
"Bakit?" Nasabi ko Yung Tanong na nasa isip ko Lang kanina.

"Huh? Anong Bakit? Dapat ba May dahilan kung Bakit ka nag-aalala sa isang Tao?" Inosenteng Tanong niya.

"Pero Bakit nga?" Naguguluhan 'kong Tanong sa kaniya.

Napakunot naman siya ng noo sabay sabing, "Syempre mag-aalala ako kasi KAIBIGAN kita!" Sabi niya sabay ngiti ng malaki sa'kin.

Nanlaki naman 'yung Mata ko. Sa buong buhay ko ngayon ko Lang narinig Ang salitang 'KAIBIGAN' at 'NAG-AALALA AKO SAYO' Hindi ko Alam kung anong mararamdaman ko.

Unang beses na May isang taong nagsabi sa'kin na nag-aalala siya sa'kin at mas lalo na Ang Kaibigan kita.

"Mika? Seriously what's wrong with you? Kanina kapa nag s-spaced out." Bigla naman akong natauhan.

"Wag... Wag..." Sambit ko, naguluhan naman siya sa sinabi ko.

"Wag? Wag Ang ano?" Curious na Tanong niya.

"Wag kang masyadong ma-attach sa'kin. At tsaka wag mo na rin akong I-consider bilang kaibigan mo." Seryosong sabi ko sa kaniya.

Mas mabuti ng ngayon palang ay umiwas na ako sa kaniya.

Baka mahawa pa siya sa kamalasan ko.

Mag-sasalita pa sana si Joanna Kaya Lang ay dumating na 'yung homeroom teacher namin.

"Mika! Sabay na tayo papunta sa cafeteria!" Masayang sabi ni Joanna.

Binigyan ko naman siya ng 'What-The-Hell-Look', pero imbis na layuan niya ako ay hinawakan niya Yung kamay ko atsaka naglakad palabas ng room.

"What the. Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Hmm? Uhm. Naglalakad?" Pa-inosenteng Sagot niya, inirapan ko naman siya.

"Hindi kaba nakikinig sa sinabi ko kanina?" Tanong ko sabay hinto sa paglalakad.

"Hmm? Ang alin, Yung wag ako masyadong ma-attach sayo?" Sabi niya.

"Narinig mo naman pala, eh Bakit dumidikit ka parin sa'kin?" Seryosong Tanong ko.

Sandali siyang Napa-isip sabay ngumiti ng malaki.

"Simple Lang. Dahil gusto kitang maging kaibigan." Diretsahang sabi niya.

Natahimik naman ako ng sabibin niya 'yun.

"Kaya wag mo na ulit sasabihin sakin na layuan ka. Tara na nagugutom na ako." Sabi niya sabay hila ulit sa'kin papunta sa cafeteria.

Habang kumakain Kami ni Joanna ay kung ano ano Ang mga sinasabi niya.

Sa totoo Lang Wala akong maintindihan sa sinasabi niya, Kaya Hindi nalang ako naimik.

"Found you." Nabigla ako ng May humila sa buhok ko. Napatayo ako sa kinauupuan ko at nakaharap ko si Abigail.

Nakahawak parin siya sa buhok ko.
"Ano na naman bang kailangan mo?" Walang ganang Tanong ko.

Napansin Kong na sa aming dalawa na Ang atensyon ng mga Tao dito sa cafeteria.

"Anong kailangan ko? Gusto Kong Pag bayaran mo Ang ginawa mo sa'kin kahapon." Nang-gagalaiting sabi ni Abigail.

Inirapan ko naman siya.

"What? Hindi ka parin nakaka-move on sa nangyari kahapon? Wait, ano nga bang ginawa ko sayo kahapon?" Pang-aasar ko. Kita mo sa mukha ni Abigail Ang pagkainis sa sinabi ko sa kaniya.

"Hindi mo maalala? P'wes papa-alala ko sa'yo." Sabi niya at kinuha Ang hawak ng kasama niyang baso.

Nakita ko namang kape Ang laman nun.

Binuhos niya sa mukha ko 'Yung laman ng baso at Ang init ng mukha ko. Mas lalong kumirot Ang mga sugat ko sa mukha.

Sinamaan ko siya ng tingin. Nginisian naman niya ako.

"Abigail! Tama na! Wala namang ginagawa sa'yo si Mika ah!" Awat ni Joanna, pero pinigilan ko naman siya.

"Oh~ now I remember. Pero sa Pag-kakaalala ko ay Hindi ako Ang nag umpisa, Hindi ba?" Sabi ko sabay ngisi rin sa kaniya.

"Dahil sa'yo Napahiya ako sa maraming Tao. Alam mo ba kung gaano ako Napahiya kahapon?" Mas lalong lumaki Ang ngisi ko sa sinabi niya.

"What? Hindi mo Kaya Yung kahihiyan na ikaw Mismo Ang nagbigay sa sarili mo? Hah! So immature." Sabi ko at hinawi ko Ang mga buhok na nakaharang sa Mata ko.

"What?! I'm not immature!" Inis na sabi niya sa'kin.

"Well, you are. Just in case na Hindi mo Alam, sinabi ko na. No need to thank me. Nag mamagandang loob Lang ako na mabawasan Ang mga toxic sa lipunan." Sabi ko sabay smirk sa kaniya.

"You! I'm going to make your life a living hell." Matapang na sabi niya. Sumeryoso naman Ang tingin ko sa kaniya.

"Your going to make my life a living hell?" Sabi ko sabay at Tumawa ng pilit.

"Too bad. Na late kana. Matagal ng impiyerno Ang buhay ko. Kaya no thanks. I appreciate your feelings, though." Binigyan ko siya ng matalim na tingin.

"Kung Wala ka ng kailangan sa'kin, Mauuna na ako. And move on na girl, Hindi uso sa'kin 'yang pang bu-bully mo. Masyado na akong immune baka mag sawa ka Lang sa'kin." Pagka-sabi ko nun ay naglakad na ako paalis sa cafeteria.

Sa sobrang pagka-immune ko ay Hindi ko na nararamdaman yung sakit galing dun sa mainit na kape'ng binuhos sa'kin ni Abigail.

Dumiretso ako sa C.R para hilamusan 'Yung mukha ko.

'A living hell? Araw-araw ng impyerno Ang buhay ko. Hindi na kailangan.'

Pagkatapos Kong maghilamos ay lumabas na ako ng C.R naglakad na ako papunta sa classroom, Dahil ilang minutes nalang ay mag-start na ulit Ang klase.

"Miss Mika Santos." Napatigil ako sa paglalakad ng marinig Kong tinawag 'yung pangalan ko.

Paglingon ko ay Nakita ko Ang isang babae gaya ni Joanna ay maganda rin siya.

"What do you want?" Diretsong Tanong ko.

"Okay, Hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa." Panimula niya at naglakad siya palapit sa'kin.

"I want you to join the Council." Sabi niya sa'kin.

What? Seryoso ba 'tong babaeng 'to? And wait Sino ba siya?

If I Die Young ✔(#Wattys2018)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant