¤Chapter Twenty-Three¤

1.8K 42 7
                                    

{Mika's POV}
"Mika, Wake up. Baka ma-late ka na sa school mo." Nagising ako sa mahinahong boses ng Kuya ko.

Agad kong minulat ang mga mata ko para siguraduhing totoo ang mga nangyari kagabi.

Nakita ko naman si Kuya na masayang nakangiti sa'kin.

Napa buntong hininga naman ako ng masigurado kong totoo nga 'yung nga nangyari kahapon.

"Good Morning." Bati niya sa'kin.

"Good Morning din." Bati ko rin sa kaniya.

Tumayo na ako sa kama para maka pag-ayos na.

"Maligo kana muna, and pagkatapos mo ay bumaba kana para maka-kain na tayo." Sabi ni Kuya at tumango naman ako bilang sagot.

Nang makalabas na si Kuya sa Kwarto ko ay pumunta na ako sa banyo para maligo.

Hindi ako maka-paniwala na hindi panaginip ang mga nangyari kahapon.

Buti naman at totoo lahat ng iyon. Masaya ako na kasama ko na ang Kuya ko.

Habang papasok ako ng banyo ay medyo na out balance ako kaya tumama ng malakas 'yung braso ko sa lababo ng banyo.

"Ouch." Daing ko. Ang clumsy lang ah.

Maya-maya ay hinubad ko na ang mga damit ko at nagsimula ng maligo.

After kong mag ayos ay bumaba na ako para kumain.

Pag pasok ko sa kusina ay bumungad sa'kin si Kuya, nilalapag niya 'yung mga pagkain sa lamesa.

"Bakit ang daming pagkain? Almusal ba talaga 'yan?" Tanong ko sabay upo.

Ngumiti naman siya sa'kin ng malaki.
"Excited lang akong lutuan ka kaya naparami ang naluto ko." Masayang sabi niya.

"Grabe ah. Sandwich lang okay na ako. Nagluto ka pa ng marami. Paano kung hindi naubos 'yan? Edi sayang lang." Sabi ko habang umiiling ang ulo ko.

"Haha, sorry na." Sabi nalang niya at nag simula na kaming kumain.

"So, kamusta na kayo ng crush mo?" Bigla naman akong nasamid sa sinabi niyang 'yun.

Agad akong uminom ng tubig para hindi ako mabulanan ng tuluyan.

"H-huh? Anong crush?" Maang-maangan kong sabi sa kaniya.

"Sus, kunwari kapa. Alam kong may nagugustuhan kana. Ako pa ba." Sabi niya sabay pa-pogi pose pa.

"Kahit na matagal tayong nahiwalay, Kuya mo parin ako." Dagdag pa niya habang tinataas baba ang kilay niya.

"Crush? Hindi ako sure kung crush ko siya." May pag aalinlangang sabi ko sa kaniya.

"Huh? Hindi ka sure?" Takang tanong naman niya.

Tumango lang ako bilang sagot.

"Hindi pa kasi ako nag kaka-boyfriend ehh. Kaya hindi ko alam kung anong feeling ng ma-in love. Ehh ano pa kaya 'yung feeling ng mag ka-crush." Nahihiyang sabi ko kay Kuya.

Narinig ko naman siyang nag buntong hininga sa sinabi ko.

"My poor little sister. She doesn't even know the feeling of being in love." Napapailing siya habang sinasabi niya 'yun.

"Anong magagawa ko. Eh wala akong time sa mga ganiyan ehh." Sabi ko nalang sa kaniya.

Tinignan ko naman 'yung cellphone ko para i-check kung anong oras na.

"Wahh. Male-late na ako. Sige Kuya aalis na ako." Paalam ko sa kaniya.

"Okeyy, mag iingat ka ah." Paalala niya sa'kin. Tumango lang ako at nag madali ng lumabas ng bahay.




"Good morning!!! So kamusta ang unang gabi kasama ang Kuya mo?" Pambungad sa'kin ni Joanna.

Umupo na ako sa upuan ko dahil ilang minutes nalang ay darating na ang teacher namin.

"Uhm. Okay lang naman." Medyo na hihiyang sabi ko pa sa kaniya.

"Ayieee. Tuwa na siya kasi may Kuya na siya. Hahaha. Pero infairness ang gwapo ng Kuya mo ahh." Sabi niya ulit sa'kin.

Tinitigan ko naman siya ng sabihin niyang ang gwapo daw ng Kuya ko.

"Mas matanda 'yun sa'yo. Hindi kayo talo. Kapag naging mag jowa kayo mukha lang kayong mag tatay." Sabi ko sa kaniya.

"Grabe ah. Hindi naman siya ganun katanda ah." This time ay sinamaan ko na siya ng tingin.

"Oo na, titigil na ako. Grabe ang protective mo naman sa Kuya mo." Mag sasalita pa sana ako kaya lang dumating na yung teacher namin ehh.






"Hayy. Ang hirap mag-aral ng walang insipirasyon. Nakaka-walang gana." Sabi ni Joanna habang nag lalakad kami papunta sa canteen.

"What the hell are you talking about?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya 

"Tss. Hindi mo kasi maiintindihan kasi may Lawrence kana." Sagot niya sa'kin.

"What?" Tanong ko ulit sa kaniya.
"Oo nga pala. Ano nang ganap sa love story niyo ni Lawrence?" Excited na sabi niya sa'kin.

"Anong love story ka diyan? Hindi naman kami ah." Diretsong sabi ko sa kaniya.

"What? Hindi parin kayo? I was pretty sure na parehas kayong may gusto sa isa't-isa." Nanlaki naman 'yung mata ko ng marinig ko 'yung sinabi niya.

"Huh? May gusto ako sa kaniya?" Gulat na gulat kong tanong sa kaniya. Tumango lang siya bilang sagot sa'kin.

"Hindi ko rin alam kung ano ba talagang nararamdaman ko para sa kaniya. Paano ko ba malalaman kapag gusto mo ang isang tao?" Tanong ko sa kaniya.

Ngumiti naman siya ng malaki sa'kin.

"Hmm. Kapag palagi mo siyang naiisip, at kapag hindi mo alam kung anong gagawin mo kapag nasa tabi mo siya, at boses palang niya tumitibok na nang mabilis 'yung puso mo. It's so romantic isn't it?" Sabi niya sa'kin.

"Ganun ba 'yun?" Iyun nalang ang nasabi ko.

"Hmm." Sabi niya habang tumatango-tango.

"Hindi mo naman kailangang madaliin ang sarili mo ehh. Kung hindi ka pa talaga sure sa nararamdaman mo edi hintayin mo hanggang sa maging sigurado kana talaga." Sabi niya ng makapasok na kami sa canteen.

Agad namang nakita ng mga mata ko si Lawrence na matamis na nakangiti sa'kin.

Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil ang bilis na naman ng tibok niya.

Palagi nalang kapag nakikita ko siya.
Ganito ba 'yung sinasabi ni Joanna?

Nang makalapit na kami sa table ay agad namang hinawakan ni Lawrence 'yung braso ko.

Mas lalong bumilis 'yung tibok ng puso ko.

'Yung tipong akala mo tumakbo ka ng ilang kilometro.

"Anong nangyari sa braso mo?" Tanong niya na nagpabalik sa'kin sa reyalidad.

"Huh?" Sabi ko sabay tingin sa braso ko.

Nakita ko naman na may pasa 'yung braso ko.

Ang laki niya.

"I said what happened to your arm?" Ulit niya sa tanong niya.

Inalala ko naman kung anong nangyari sa braso ko.

"Ahh. Baka dahil sa pagbangga ko sa lababo namin sa c.r kaninang umaga. Hindi ko napansin na nagka-pasa pala ako." Dahilan ko.

Binitawan na niya 'yung braso ko at umupo na ako para makakain na.

Ganun ba kalakas 'yung pagbangga ko sa lababo?

Ang laki ng pasa ah.

If I Die Young ✔(#Wattys2018)Where stories live. Discover now