¤Chapter Ten¤

1.9K 61 1
                                    

{Mika's POV}
"Salamat po, balik po kayo ulit." Walang pasok ngayon, Kaya nag ta-trabaho ako ngayon sa Coffee Shop.

Ilang oras na akong nakatayo dito sa harap ng counter, kumukuha ng mga order o 'di Kaya Ay ng mga Bayad.

Nag pahinga muna ako Dahil Wala pa namang na-order.

Sinabi ko rin Kay Joanna na gagabihin  ako ng uwi ngayon Dahil May trabaho ko.

Ilang linggo na rin akong nakatira sa bahay nila, but honestly nahihiya ako Kay Joanna. Sabi niya okay Lang naman na dun muna ako, pero Dahil Hindi Kaya ng konsensiya ko ay nagpumilit ako na ako nalang Ang mag luluto ng pagkain naming dalawa, way nang pasasalamat ko sa kaniya.

And also, these past few weeks Hindi ko maiwasang Hindi isipin si Papa. Nasan na Kaya siya ngayon, May maayos Kaya siyang tinitirhan? May kinakain Kaya siya araw-araw?

"Excuse me." Natigilan naman ako sa boses na narinig ko. Kilala ko 'tong boses na'to. Agad Kong inangat Yung ulo ko para tignan kung Sino Yung nag mamay-ari ng boses na 'yun.

Nanlaki naman Yung Mata ko ng makita ko kung Sino. Yung taong iniisip ko Lang kanina, ngayon nasa harap ko na.

"Papa?" Hindi ko maiwasang sabihin Yung salitang yun sa kaniya. Nagulat rin siya na makita ako.

"Hmm? Do you know her hon?" Napatingin naman ako sa nagsalitang 'yun.

May kasama si Papang babae, sa itsura at pananamit pa Lang niya Alam mo ng mayaman siya.

Tinignan ko naman ulit si Papa, Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Hon?" Hindi maka-paniwalang sabi ko sa sarili ko.

"Hon, I ask you if you know her." Ulit ng babae, umiwas naman ng tingin si Papa sa'kin at humarap sa babaeng kasama niya.

"No. I don't know her, baka nag kamali Lang siya." Mas lalong Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, tinititigan ko Lang silang dalawa.

Magka-hawak silang dalawa ng kamay, so I guess May relasyon silang dalawa.

"Ah, pasensiya na po." Paumanhin ko nalang. Alam ko na kung anong pinapalabas ni Papa. I compose myself before asking for their orders.

Nang matapos na silang um-order ay Hindi ko maalis Yung tingin ko sa kanilang dalawa.

Ang tanga ko para mag-alala pa sa matandang 'yan.
S'yempre ayos Lang siya at May tinitirhan, baka nga sa masiyon pa yan nakatira eh.

Ang saya saya nilang dalawa habang nag-susubuan pa.

Ngayon maganda na Ang buhay niya Dahil Wala nang malas na naka-aligid sa kaniya.

Sana maging Masaya ka. Pero sabi nga nila 'KARMA IS A BITCH', kakarmahin ka sa Lahat ng ginawa mo sa'kin.

Hanggang sa makalabas sila ng coffee shop ay Ang sama ng tingin ko sa kanilang dalawa.

"Mika, tapos na Ang shift mo." Sabi sa'kin ni Ma'am Aliyah. Tumango naman ako sa kaniya at naglakad na papunta sa locker para mag palit na.

Pagkatapos Kong mag palit ay Nakita Kong May text sa cellphone ko, Galing Kay Joanna.

From: Joanna
[6:41 P.M]
Mika!! Baka gabihin rin ako ngayon.. iniwan ko Yung susi sa May mailbox kunin mo nalang dun.. Ingat ^___^

Ni-replyan ko Lang siya ng 'Okay' atsaka lumabas na ng coffee shop.

Maglalakad na sana ako palayo sa Coffee Shop ng May tumawag sa pangalan ko.

If I Die Young ✔(#Wattys2018)Where stories live. Discover now