¤Chapter Twenty-Five¤

2K 53 9
                                    

{Mika's POV}
"Mika You need to wake up now. Baka ma-late ka." Pag-gising sa'kin ni Kuya.

Sinubukan kong bumangon pero ang bigat ng katawan ko kaya hindi ko magawa.

Ang sakit rin ng ulo ko.

"Are you sick?" Nag-aalalang sabi ni Kuya.

"N-no. I'm okay." Medyo paos na sabi ko.

I just don't know kung paano ako nagka lagnat, okay naman ako kahapon.

Pinatong naman ni Kuya yung palad niya sa noo ko para i-check kung maainit ba ako.

"You have a fever. Wag ka na munang pumasok. Mag pahinga ka nalang dito sa bahay." Mahinahong sabi ni Kuya.

Kinumutan muna ako ni Kuya bago lumabas ng Kwarto ko.

Sobrang sakit talaga ng ulo ko. Kapag gagalaw ako mas lalo lang siyang sumasakit.

Kaya nag stay nalang ako sa iisang pwesto, para hindi na siya lalong sumakit.

Pinikit ko na lang yung mata ko para makatulog ulit.

Baka pagka-gising ko ay mawala na 'yung sakit ng ulo ko.





"Mika, wake up." Nagising ako sa paulit ulit na pag tawag sa'kin ni Kuya.

Dahan dahan ko naman minulat 'yung mga mata ko.

"You need to eat para makainom kana ng gamot." Sabi ni Kuya sa'kin, tumayo na ako para kumain ng lugaw.

"Na-inform ko na rin 'yung school mo na hindi ka muna makaka-pasok. So you need to rest." Dagdag pa ni Kuya.

Dahan-dahan naman akong sumusubo sa pagkain ko.

"How are you feeling?" Tanong ni Kuya, mag sasalita sana ako kaya lang walang lumalabas na boses sa bibig ko.

Kaya sinenyas ko nalang na Okay lang ako.

Kahit na lamig na lamig ako.

"What's wrong with your voice?" Nag-aalalang taning niya. Kinuha ko naman 'yung cellphone ko at inilagay da message para i-type 'yung sasabihin ko.

"Hindi ako maka-pagsalita." Binasa naman niya 'yun.

"Baka sore throat 'yan." Dagdag pa niya. Umiling lang ako.

"Wala 'to. Okay lang ako. Wag ka nang mag alala."  Dagdag ko pa. Bumuntong hininga naman siya dahil dun.

"If you say so. Now finish your food." Tumango naman ako at nagpatuloy sa pagkain ko.

Nang matapos na akong kumain ay ipinainom na sa'kin ni Kuya 'yung gamot ko.

Pagkainom ko ng gamot ay humiga na ako ulit.

"Magpahinga kana." Sabi niya habang nakangiti sa'kin.

Na-feel ko 'yung sincerity sa ngiti niyang 'yun.

Ang saya ko dahil naranasan ko ring alagaan ng may pag mamahal.

Maya-maya ay pumikit na ako para makatulog na.

Wala pang ilang minuto ay nagising na naman ako. Ang sakit ng tiyan ko.

Dahil nga sa hindi ako makapag salita ay hindi ko magawang tawagin si Kuya.

Ilang minutong nananakit ang tiyan ko.

Nang tumigil na siya sa pananakit ay nakahinga ako ng maluwag.

Buti naman at tumigil na siya.

Kukunin ko yung cellphone ko para tignan kung anong oras na.

Medyo bumangga sa katabing table yung kamay ko.

If I Die Young ✔(#Wattys2018)Where stories live. Discover now