¤Chapter Nineteen¤

1.7K 45 1
                                    

{Mika's POV}
Dahil sa nangyari kagabi ay, hindi ko alam kung paano ko haharapin si Lawrence.

Ikaw ba naman halikan sa labi tapos sabihan ka ng mahal ka niya. Hindi ko talaga alam kung dapat kong i-react dun sa confession niya.

Actually, habang pauwi kami kagabi ay ang awkward naming dalawa.

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin sa kaniya.

Naguguluhan parin talaga ako. Iniisip ko kung ano ba talagang nararamdaman ko para kaniya.

Mahal ko nga rin ba siya?

O nadadala lang ako dahil sa mga sinabi niya kagabi sa'kin?

This so called love is so complicated.

Nandito na ako sa room namin, wala pa 'yung homeroom teacher namin.

Medyo maaga pa kaya kakaunti palang ang mga nandito sa room.

"Mika!!" Nagulat naman ako sa boses ng tumawag sa'kin.

"Bakit?" Tanong ko kay Joanna.

Umupo niya sa harap ko, at ang excited ng mukha niya.

"So? Kamusta 'yung 'DATE' niyo ni Lawrence?" Sabi niya with hand gesture pa.

Hindi ko siya kaagad sinagot, dahil iniisip ko kung sasabihin ko sa kaniya 'yung tungkol sa confession niya.

"Uhm. Ayos lang?" Patanong kong sagot sa kaniya.

"What's with that? Is that an answer or a question?" Tanong niya.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang bumuntong hininga.

"Okay. Sasabihin ko sa'yo. Pero hindi no puwedeng sabihin kahit kanino. Okay?" Nag he-hesitate pa siya nung una, pero pumayag rin siya.

"Okay, sige. Ano bang nangyari?" Tanong niya sa'kin.

"Nag confess kasi siya sa'kin kagabi eh."

"Ano?! Nag conf---"

"Ssshhh. Ang ingay mo naman." Sabi ko habang tinatakpan ko 'yung labi niya.

"Okay, sorry. Pero totoo ba 'yung sinabi mo?" Tanong niya pero tumango lang ako bilang sagot sa kaniya.

"Oo. At hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya." Sabi ko sa kaniya.

"Sinabi niya ba sa'yo na kailangan mong sagutin 'yung feelings niya?" Napaisip naman akonsa tanong niya.

"Hindi. Wala naman siyang sinabi. Pinagtapat niya lang 'yung feelings niya sa'kin." Sabi ko nalang.

"Oh, ayun naman pala ehh. Hindi naman pala siya nag de-demand na sagutin mo 'yung feelings eh niya." Sabi niya. Napakunot naman 'yung noo ko sa sinabi niyang 'yun.

"Isn't that unfair?" Tanong ko sa kaniya, tinitigan naman niya akonsa mismong mga mata ko.

"Okay. Let me ask you this Mika. Do you also love Lawrence?" Natahimik naman ako sa tanong niyang 'yun.

Napaisip talaga ako dahil dun.

Ayan din 'yung kagabi ko pang tinatanong sa sarili ko.

"Hindi ko alam. Naguguluhan din ako ehh." Yun nalang ang naisagot ko sa kaniya.

Narinig ko naman siyang bumuntong hininga.

"You can't that it's unfair because you didn't respond to his confession. What's unfair is sinagot mo nga siya pero hindi mo naman siya mahal. Minsan kaya lang natin sinasagot ang isang tao dahil ayaw natin silang masaktan. Pero mas worse 'yung kapag sinabihan ka niya ng I love you with a sincere voice ay ang sagot mo lang ay Me too." Seryosong sabi niya.

Hindi ko alam kung saan nahuhugot ni Joanna 'yang mga sinasabi niya.

Ang lalalim kasi ehh. Parang siya mismo ay naranasan na niya.

"Kung hindi mo talaga siya gusto ay dapat una palang sinabi mo na sa kaniya para hindi na siya umasa pa. And if you're not sure about your feelings, why don't you give it a try?" Mas lalo akong napaisip sa suggestion niya.

"Sabi mo diba naguguluhan kapa sa nararamdaman mo kay Lawrence?" Tanong niya at tumango lang ako bilang sagot sa kaniya.

"So, tell me ano bang nararamdaman mo kapag kasama mo siya?" Tanong niya sa'kin.

"Hmm. I don't know, it's just my heart is beating so fast, to the point na hindi na ako makahinga. Tsaka kapag tumitingin siya mismo sa mata ko ay hindi ako mapakali. And gustong gusto ko kapag niyayakap niya ako." Sabi ko sa kaniya.

Nag-hmm naman siya.

"And what do you think about Lawrence?" Tanong niya ulit sa'kin.

"What I think about him. His handsome. Smart tsaka mabait. At siya 'yung kauna-unahang taong nag sabi ng mga salitang gustong-gusto kong marinig ever since." Sabi ko habang inaalala 'yung mga sinabi niya sa'kin kagabi.

Naalala ko pa lahat ng mga sinabi niya sa'kin.

Siya ang unang taong nag sabi sa'kin na mahal niya ako. At deserve kong maging masaya.

At siya ang taong yumakap sa'kin nung nasasaktan ako.

Bigla namang nag flash sa utak ko yung nag kiss kami.

At bumilis 'yung tibok ng puso ko dahil doon.

Napahawak naman ako sa dibdib ko.

"Hmmmm. So I guess the feeling is mutual for the both of you." Nakangiting sabi ni Joanna.

"Huh? What do you mean?" Takang tanong ko sa kaniya.

"What I mean is, Mahal mo rin siya. May feelings ka rin para sa kaniya." This time tuwang tuwa na siya habang sinasabi niya 'yun.

"Omayghad! I'm so happy for you, Mika. Sabihin mo na sa kaniya kaagad kung anong nararamdaman mo bago mawala 'yung feelings niya sa'yo. Okay." Sasagot pa sana ako kaya lang nag sidatingan na 'yung ibang classmate namin at pati narin 'yung teacher namin.

Nagsimula nang mag-attendance 'yung teacher namin pero iniisip ko parin 'yung mga sinabi ni Joanna.

Love, huh? Mahal ko siya?

Kailan pa? Bakit hindi ko alam na mahal ko siya?

Bakit ngayon ko lang na-realise?

Kapag naging kami ba, magiging masaya kami?

I feel like, all the misfortune na dala ko ay mapapasa sa kaniya.

I don't know anymore. Ayoko na munang isipin ang tungkol dito.

Sumasakit lamg ang ulo ko kapag iniisip ko 'yun.

Naramdaman ko namang nag vibrate 'yung cellphone ko.

Kaya kinuha ko 'yung cellphone ko sa bulsa ng palda ko, para tignan kung ano 'yun.

Nakita ko namang may nag text sa'kin.

Unknown number kaya medyo nag heaitate akong buksan 'yung message.

Baka mamaya scam pala 'yan. Mahirap na.

Wala nga akong pera eh, ako pa ang ii-scam nila.

Ang cheap na nila nun kapag ganun.

Binasa ko ma 'yung message para malaman kung scam nga.

Unknown:
Hello! I saw your resume and I'm interested in you.
Can I schedule some interviews with you?
Reply back if you read this message.
Thank you.

Wait, ano daw? Interesado silang interviewhin ako?

Seryoso?

If I Die Young ✔(#Wattys2018)Where stories live. Discover now