¤Chapter Thirteen¤

1.8K 53 6
                                    

{Mika's POV}
"Bakit ikaw pa Ang nabuhay?!" Galit na sabi ni Papa habang pinapalo ako sa ulo ko.

Wala akong ibang magawa kun'di Ang tanggapin nalang Ang sakit na nang-galing sa mga mabibigat niyang kamao.

"Dahil sa'yo!! Dahil sa'yo kaya siya na matay!!" Nakatayo Lang ako sa harap ni Papa at hinahayaan siyang saktan ako.

Wala rin naman mang yayari kung iiyak pa ako. Hindi mababawasan ng pag-iyak ko Ang mga sakit na nang gagaling kay Papa.

Hindi ko ma-alala kung kailan ako huling umiyak.

"Mabuti pa, mamatay kana." Sabi ni Papa, nagulat ako ng bigla niya akong sakalin.

"Ugh! P-pa argh--- H-hindi ako m-makahinga." Sabi ko habang tina-tanggal yung kamay niya sa leeg ko.

Hirap na hirap akong huminga, kaya pinipilit Kong tanggalin yung kamay ni Papa sa leeg ko. Pero Hindi ko matanggal.

"Mamatay kana!!" Pagka-sabi niya nun ay mas lalong humigpit yung pag kakasakal niya.

"Argh!"

"Mika!!" Napa mulat ako ng mata ng marinig Kong tinawag ako.

Pagkagising ko ay tinignan ko yung paligid ko.

Nasa clinic ako ng school namin.

'Panaginip Lang pala.' Kinapa ko yung leeg ko para maka-sigurado ako. Nakita ko naman yung benda sa pulso ko.

"Thank God, You're awake." Napa-tingin naman ako sa may-ari ng boses na 'yun.

"Lawrence?" Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin.

"I'm so worried about you, Idiot." Bigla namang bumilis Ang tibok ng puso ko nung sabihin niya 'yun.

Rinig na rinig mo sa boses niya na nag-aalala nga talaga siya.

Ayaw kumalma ng puso ko, anong nang yayari sa'kin?

"Are you okay? Masakit ba yung Sugat mo? Tell me." Bumitaw siya sa pag kakakayap at hinawakan niya ako sa balikat ko para iharap sa kaniya.

Kita ko sa mukha niya Ang pag aalala.
Hindi ako maka-pagsalita. Napahawak nalang ako sa dibdib ko para pakalmahin ito, pero ayaw niya parin kumalma.

May problema ata ako sa puso ko.

"Mika?" Natauhan naman ako nang tawagin niya ako.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin Ang sarili ko.

"Ayos Lang ako." Naka-hinga naman ako ng maluwag nung Hindi ako nautal.

"You scared me. Akala ko mamamatay kana talaga." Huminga siya ng maluwag ng sabihin niya yun.

Nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko.

"Ano bang pumasok sa utak mo at ginawa mo 'yun,ha?" Naiinis niyang sabi sa'kin.

Umiwas ako ng tingin nang titigan niya ako ng deretso sa mata ko.

"Ano bang pakialam mo?" Walang emosyong sabi ko.

Hinawakan niya yung pisngi ko at iniharap yung mukha ko sa kaniya.

"Because, I care for you." Mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

If I Die Young ✔(#Wattys2018)Where stories live. Discover now