¤Chapter Twenty-Six¤

2.1K 53 7
                                    

{Kyle's POV}
"What?!" Agad akong napatayo sa inuupuan ko. Nasa kalagitnaan kami ng meeting ng may tumawag sa'kin.

Sinugod daw si Mika sa Hospital.

Nang matapos ko ng kausapain 'yung school doctor ay nag paalam ako sa mga ka-meeting ko, para puntahan si Mika. Kahit na hindi pa tapos 'yung meeting namin.

Nag mamadali akong umalis para makapunta ako agad sa ospital.

Please Mika, be okay.


*At The Hospital*
"May sinugod ba ditong estudyante?" Tanong ko sa nurse na nasa front desk.

"Ikaw ba ang Kuya ni Mika Santos?" May narinig akong nag salita sa likod kaya agad akong lumingon para makita kung sino 'yun.

Nakita ko 'yung medyo matandang lalaki. Tumango naman ako sa sagot niya.

"Ako 'yung tumawag sa'yo." Nang sabihin niya 'yun ay agad akong lumapit sa kaniya.

"Nasan si Mika? Anong nangyari sa kaniya?" Medyo na tataranta kong sabi.

"Sumunod ka nalang sa'kin." Sabi niya at naglakad na. Wala na akong ibang nagawa kundi ang sumunod nalang sa kaniya.

Nang makarating kami ay saktong may lumabas na doktor sa isang kwarto. Hindi ko sure kung nandun si Mika.

"Sino po ang guardian ng pasyente?" Tanong nung doktor. Tinuro naman ako nung lalaking kasama ko.

"We conduct some tests on the patient. And I'm afraid na medyo malala na ang sakit ng pasyente." Sabi nung doktor sa'kin. Naguguluhan naman ako sa sinasabi niya.

"What? Sakit? What do you mean?" Tanong ko sa kaniya.

"May leukemia ang pasyente. Napansin rin namin na ang dami niyang cuts sa wrist niya 'yun ang dahilan kaya may infection na ang pasyente. Mag sasagawa pa kami ng ibang tests. Sa ngayon ina-advice ko na kailangan na muna natin siyang i-diagnosed." Sabi ng doktor.

Tama ba 'yung narinig ko? May sakit si Mika?

"Gaano katagal naman po 'yung test na gagawin niyo?" Tanong ko. Nakatingin lang ako sa lapag at sinusubukang intindihin lahat ng mga sinabi ng doktor sa'kin.

"I can't say that for now. But we will conduct the tests right away. And since may infection na ang pasyente ay kailangan rin namin ng pahintulot niyo para magamot na agad namin siya." Napatango nalang ako sa sinabi ng doktor.

"Pumapayag na ako, basta pagalingin niyo lang ang kapatid ko." Desperadong sabi ko sa doktor.

Bakit kailangan pang mangyari 'to?
Ang bilis ng pangyayari. Bakit kailangan siya pa?

Umalis na ang doktor at napaupo nalang ako sa bench.

"Malaki ba ang chance na maka survive siya?" Tanong ko sa lalaking kasama ko.

"It depends sa pasyente. But I'm sure naman na makaka-survive siya." Sabi niya.

Napatingin naman ako sa kaniya.
"Thanks. Hindi ko pa pala alam ang pangalan mo." Sabi ko sa kaniya. Umupo din siya sa bench.

"Leo. And hindi pa ako ganun katanda. 29 pa lang ako." Nanlaki naman 'yung mata ko sa sinabi niya.

"Seryoso?" Sabi ko. Mukha kasi siyang matanda dahil sa bigote niya eh.

"Tch. Bakit lahat nalang akala matanda na ako." Sabi niya.

"Anyway, I'm surprise na hindi mo alam na may symptoms na 'yung kapatid mo." Sabi niya sa'kin.

Napabuntong hininga naman ako dahil sa sinabi niya.

"Nung kailan ko la,g siya nakasama. Kaya hindi ko alam. Ilang years rin kaming nag kahiwalay." Sabi ko sa kaniya nakita ko naman na tumango siya.

Napasandal nalang ako. Hindi ko alam kung ano nang mangyayari sa kapatid ko.


Lumipas ang oras,araw, at linggo ng nasa loob lang nang ospital si Mika.

Ang sabi ng doktor ay meron daw siyang Acute lymphoblastic leukemia mabilis daw mag progress ang sakit na'to kaya kailangang gamutin agad.

Halos hindi na ako umalis ng ospital dahil kailangan ko siyang bantayan. Pati 'yung mga kaibigan niya ay dinadalaw siya dito.

Medyo namayat na rin siya. Sa totoo lang hindi ko kayang makita na ganun ang kapatid ko.

Ilang years ko siyang hinintay na makasama. Hindi ko kaya kapag nawala na naman siya.

"Kuya, ang lalim ng iniisip mo ah." Narinig kong sabi ni Mika.

"Hmm?" Nasabi ko nalang.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya sa'kin.

Nakuha pa niyang tanungin kung okay lang ako. Dapat ako ang nag tatanong nun sa kaniya.

Tumango lang ako bilang sagot sa kaniya.

"Kuya, ang tagal kong inisip 'to eh." Panimula niya. Tumingin naman ako sa kaniya. Medyo kinakabahan sa mga susunod na word na sasabihin niya.

"Ano naman 'yun?" Tanong ko sa kaniya. Hinawakan ko 'yung kamay niya.

"Ang tagal kong inisip kung ano ba talagang nararamdaman ko para kay Lawrence." Natawa naman ako sa sinabi niya.

Hindi ko ini-expect na 'yun pala 'yung sasabihin niya.

"But now I know." Sabi niya. Nakatingin lang ako sa kaniya.

"And?" Tanong ko.

"I'm sure of it now. Gusto ko rin siya. Gusto ko sabihin sa kaniya 'yung nararamdaman ko bago ako kunin ni Lord." Nawala naman 'yung ngiti ko nang sabihin niya 'yun.

"And gusto ko rin sabihin na masaya ako na makasama ka Kuya. Kahit na sandali lang tayo nag kasama." Sabi niya.

"Stop Mika. Gagaling ka kaya wag kang mag sasalita ng ganiyan." Napabuntong hininga na lang siya at tumango.

"Salamat dahil hinanap mo ko." Nakangiting sabi niya sa'kin.

"Excuse me po sir. Oras na po para sa therapy ni Ms. Mika." Sabi nung nurse kaya tumayo na ako at lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko ay hindi ko na napigilan 'yung luha ko.

Hinihiling ko na sana ay maka survive siya at mabuhay ng matagal kasama ko.

Gusto kong gampanan ang pagiging Kuya ko sa kaniya noong mga panahong hindi ko nagawa.

{A/N: HEYYYOOO GUYS !!!! GUSTO KO LANG SABIHIN NA OMAYGHAD !!!!! HINDI KO INI-EXPECT NA MAY MAG BABASA PALA NITO 😂😂 AND GUSTO KO LANG RIN SABIHIN NA MALAPIT NA MATAPOS ITONG BOOK NA TO. KAYA MARAMING THANK YOU SA MGA NAG TIYAGANG NAG BASA, NAG COMMENT AT NAG VOTE NG LIBRONG ITO !!! I LOVE YOU GUYS SO MUCH 😘😘 KAHIT NA HALOS IKAW LANG NAMAN ANG NAG KO-COMMENT NilyzYam 😂😂

ILANG CHAPTERS NALANG ANG TIYA-TIYAGAIN NIYO SA PAGBABASA NITONG WALANG KWENTANG LIBRONG 'TO 😂😂😂 CHARROT LANG.

YUN LANG MINSAN LANG AKO MAG AUTHOR'S NOTE KAYA PAGBIGYAN NIYO NA 😂😂😂}

If I Die Young ✔(#Wattys2018)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt