¤Chapter Twenty One¤

1.8K 47 3
                                    

{Mika's POV}
"Hello Mika." Naka-ngiting Bati sa'kin nang lalaking nasa harap ko ngayon.

"Uhm. Hi." Awkward kong sabi.

"Bakit parang gulat na gulat ka?" Natatawang sabi niya.

Paano ba naman ako hindi magugulat?
Eh dalawang beses na kaming nagkita tapos biglang isang araw malalaman mo na C.E.O pala siya ng isang kumpanya.

"Please sit down." Utos niya na agad ko namang sinunod.

"Okay, I'm going to be honest with you." Panimula niya. Agad naman akong umayos ng upo at tahimik na nakikinig sa mga sasabihin niya.

"Hindi kita pinatawag para sa interview." Agad naman akong napatingin sa kaniya ng marinig kong sabihin niya 'yun.

"Huh?" Nag tatakang tanong ko.

"Pinatawag kita dahil may iba akong gustong sabihin sa'yo." Sabi niya sabay binuksan 'yung drawer at may kinuha siya doon.

Inilapag niya 'yung envelope sa harap ko. Tinignan ko ulit siya at nagtataka.

"Open it." Sabi niya.

Noong una ay nag he-hesitate pa akong kunin at buksan 'yung envelope, pero dahil sa curiosity ay ginawa ko na rin 'yung sinabi niya.

Hindi ko pa tuluyang nalalabas 'yung nasa loob ay agad ko nang nakita kung ano ang mga 'yun.

Mas lalo akong naguluhan ng makita ko 'yun.

Kaya nilabas ko na siya ng tuluyan.

"Birth Certificate?" Takang tanong ko, tinignan ko naman kung kanino 'yung birth certificate at nakita ko 'yung pangalan ko.

Agad naman akong napatingin sa kaniya ng makita ko yung pangalan ko.

"Bakit meron ka nito?" Tanong ko sa kaniya.

Hindi ko na siya hinintay sumagot pa. Tinignan ko 'yung laman ng envelope kung meron pa.

At dun ay may isa pang Birth Certificate, kaya agad-agad ko 'yung kinuha.

Tinignan ko kung kanino 'yung birth certificate at nakita ko na ang pangalan ay Kyle M. Santos.

Binasa ko pa 'yung birth certificate.

Birthday: May. 13, 1993

'Yun yung birthday ng kuya ko.

Hindi na 'yun nakakapagtaka dahil hindi lang naman ang kuya ko ang may birthday ng May 13.

Pero ang pinaka nakaka gulat ay 'yung mabasa ko 'yung parents name sa birth certificate niya.

Mother's Name: Melanie C. Mendoza
Father's Name: Erick D. Santos

Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko.

"Sino ka ba?" Agad kong tanong sa kaniya.

Tumayo siya sa inuupuan niya at lumapit sa'kin.

Bago pa man siya makalapit sa akin ay napatayo at nakalayo na ako sa kaniya.

"Mika, ako ang kuya mo." Bigla nalang tumulo 'yung luha ko ng marinig ko 'yung mga salitang 'yun.

"Totoo ba 'yang sinasabi mo?" Paninigurado ko.

Tumango naman siya bago sumagot.
"Ang tagal kitang hindi nakita. Ang tagal din kitang hinanap." Sabi niya at patuloy na lumalapit.

Nang makalapit na siya ay niyakap niya agad ako.

"I'm so sorry, hindi ko nagampanan ang pagiging Kuya ko sa'yo, for how many years." Umiiyak parin ako habang yakap niya ako.

If I Die Young ✔(#Wattys2018)Where stories live. Discover now