¤Chapter Two¤

2.9K 63 10
                                    

{Mika's POV}
Nagising ako sa Paulit-ulit na tunog ng Pagpok-pok.

Dahan-dahan Kong idinilat Ang mga Mata ko.

At para bang biglang nawala Ang Antok ko ng makita ko kung Sino Ang lumilikha ng ingay na 'yun.

Nanlaki Ang mga Mata ko sa No'ng makita ko kung ano 'Yung pinupok-pok ni papa.

Yung Kahon kung Saan ko inilagay Yung mga perang pinag-hirapan ko.

"Pa! Anong ginagawa mo?!" Dali-Dali Kong kinuha Yung kahon, pero naiwas agad 'yun ni Papa sa'kin.

"Manahimik kang babae ka!! May pera dito diba?! Ang kapal ng mukha mong mag tago nang pera sa sarili mong ama!!" Inis na sabi ni Papa habang patuloy na pinupok-pok ng martilyo Yung lock Doon sa kahon.

"Pa, Walang pera diyan!" Pag-tanggi ko. Umaasa ako na maniniwala si Papa.

Umaasa ako na bibitawan niya Yung kahon at aalis na sa kwarto ko.

Pero, Hindi natitinag si Papa. Pilit niya paring binubuksan Yung kahon.

"Pa! Wala ngang pera diyan!!" Hinawakan ko Yung kahon, Sakto namang pagpalo ni papa ng martilyo sa kahon, pero imbis na Yung kahon Yung mapalo ay Yung kamay ko.

"Ah!! Pa! Akin na Yung kahon!!" Wala akong pakialam kung napalo man Yung kamay ko Ang mahalaga ay makuha ko Yung kahon Kay Papa.

"Ibigay mo sa'kin Yung pera kung Hindi malilintikan ka sa'kin." Nang-gagalaiting sabi ni Papa sa'kin.

"Wala nga sabing pera diyan." Sagot ko. Lumuwag naman Yung hawak ni papa sa kahon, Kaya Dali-Dali ko 'Yung hinila papunta sa'kin.

"Wala? Ako pa gagawin mong tanga?! Alam Kong nag ta-trabaho ka, Kaya ilabas mo na Yung pera nang makabili na ako ng alak!!" Iritang sabi ni Papa.

"Makabili ng alak? Yun Yung priority mo? Ang mabili ng alak? Bakit Hindi ka Kaya mag trabaho ng May pambili ka ng alak mo!! Hindi Yung kukunin mo Yung pinaghirapan Kong pera!!" Nagulat nalang ako ng bigla akong suntukin ni Papa.

Napahawak ako sa kanang pisngi ko.
Sobrang sakit pero Hindi ko iniinda.

"Wag mo kung sisigawan!! Anak Lang kita ama mo ko, Wala kang karapatang mag malaki sa'kin. Ang kapal ng mukha mong mag mayabang porket nakakakita ka ng kakarampot na pera!!! Tandaan mo pabigat ka Lang sa buhay ko!! Dahil sa'yo Puro kamalasan na Ang dumadapo sa'kin!!" Sigaw ni Papa sabay sipa sa Tiyan ko. Napahiga na ako sa Sahig Dahil sa sakit ng sipa niya.

"Ugh." Mahinang Daing ko. Mahigpit ko paring hinahawakan 'Yung kahon habang Paulit-ulit akong sinisipa ni Papa.

"Bakit Hindi ka nalang sumama sa Mama mo, nang Wala nang malas sa buhay ko, HA!!!" Sabi ni Papa sabay malakas na tapak sa tiyan ko.

Napalakas na 'Yung Daing ko Dahil Hindi ko na Kaya Ang sakit.

"Wala kang kwenta." Pahabol niya atsaka tuluyang umalis mg kwarto ko.

Napa-ubo ako at Nakita Kong May dugo.

Pinipigilan Kong huwag umiyak.

"Mabuti naman at Hindi niya nakuha 'to." Sabi ko habang yakap-yakap parin 'Yung kahon.

Patuloy parin ako sa pag-ubo.

Mag papasa na naman 'to. Tumayo ako at humarap sa salamin.

Tinaas ko 'Yung damit ko at Nakita 'Kong Puro pasa nga Ang tiyan ko pati mukha ko.

Napabuntong-hininga nalang ako.

[1 Week Later]
At dumating na nga Ang araw ng pasukan.

If I Die Young ✔(#Wattys2018)Where stories live. Discover now