♕ PROLOGUE ♕

289K 2.1K 316
                                    

AUGUST 13, 2012

*NO SOFT COPIES*

*NO PLAGIARISM*

Copyright © 2012 by KellyLee0101

All rights reserved.  Republic Act No. 8293 of the Philippines. No part of this publication may be reproduced or transmitted in any form or by means, electronic or mechanical, including photocopy, recording, or any information storage and retrieval system now known or to be invented without permission in writing from the publisher.

This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.

 {A/N: I do not own any of the photos, gifs, videos i post here. Credits goes to all the owners. Thanks!}

**** 

PROLOGUE:

CHASE

"Wala ka bang ibang balak na gawing matino sa buhay mo?! Puro na lang barkada at pakikipag-away ang inaatupag mo! Hindi ka na naman daw pumasok sabi ng principal niyo! Ano ba talagang gusto mong mangyari ha Chase?!!"

Yan! Yan lagi ang banat sakin ng Mama ko. Kaya ayokong umuuwi sa bahay nila na 'to!

Ang nakakainis pa kahit saan ako magpunta sinusundan ako ng litanya ng nanay ko.

"Oh? Saan ka na naman pupunta?!"

Singhal sakin ng Mama ko nang maghubad ako ng duguan kong school uniform.

"Sa CR Ma, Sasama ka?"

Sagot ko sa kanya habang nakataas ang mga kamay ko sa ulo ko.

Napabuntong hininga lang siya sa sinabi ko kaya napangiti na lang ako. Etong gusto ko eh! Yung kapag pinapangaralan ako sasabayan ko lang ng paliligo lulubayan na niya ako ng mga salita niyang paulit-ulit ko na lang naririnig.

Anong magagawa ko kung palagi akong napapasabak sa laban?

Anong magagawa ko kung lagi na lang may naghahamon sakin ng away?

Sino sila para urungan ko?

Para saan pa't naging leader ako ng The Casket Kids Gang kung wala akong silbi sa pakikipaglaban.

[A]

Siya si Chase Ian Padilla, isang arogante, gwapo, simpatiko, tamad, mayabang, mainitin ang ulo, may utak pero hindi madalas gamitin at kilala bilang isang legendary gangster leader. Hindi dahil sa mahilig lang siyang makipag basag ulo kundi dahil din sa taglay niyang galing sa pakikipaglaban. Wala pa ni isa sa mga nakalaban niya ang nakatalo o nakagalos man lang sa kanya dahil sa sobrang galing niya. Kaya ang pinaka-rival niyang grupo na Son of a GUN Gang ay walang ibang ginawa kundi ang kalabanin siya at kunin ang titulo niya. May ilang mafia leaders na rin ang kumukuha sa kanya para maging ka-grupo nila pero lahat sila tinanggihan at napatumba nya.

Si Chase ay nanggaling sa isang napakayaman at maimpluwensyang angkan. Ang pamilya niya ang may-ari ng school na kanyang pinag-aaralan kaya walang sino man ang nakakagalaw sa kanya. Siya ang hari ng Tomagawa-Padilla International HighSchool. Isa rin ang pamilya niya sa mga sikat na kumpanya na nagkukumpuni ng mga Eroplano at Barko, may sarili din silang mining at Oil company.

Dahil sa yaman ng magulang niya, wala siyang pinoproblema sa buhay. Ni hindi niya kailangan na pagtrabahuhan ang lahat ng kailangan niya sa araw-araw.

At dahil rin sa yaman at sa sobrang gwapo ni Chase, maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Hindi na niya kailangan pang manligaw dahil ang mga babae mismo ang nag-aapproach sa kanya. Pero ni minsan sa buhay ni Chase, wala pa siyang sineryosong babae. Dahil ang tingin niya, lahat sila pera at katawan lang ang habol sa kanya.

****

SAM 

Bakit kaya kapag love ang pinag-uusapan laging may nagsasabing ihanda mo na ang sarili mong masaktan.

 Ano ba yan love na 'yan?

 Suntukan?

Oo na, oo na! Wala na akong alam tungkol sa pag-ibig. Ako na ang never pa na-inlove!

Ano nga bang aasahan mo sa isang NBSB?! Oo! No Boyfriend Since Birth ang peg ko!

Eh anong magagawa ko kung sa hindi pa ako handa?

Anong magagawa ko kung ang tingin ko sa lahat ng lalaki ay manggagamit at manloloko lang?

Anong magagawa ko kung pare-pareho lang ang naririnig ko sa kanila kapag iniiwan nila yung mga kaibigan kong lagi saakin nagda-drama?

Yang mga lalaki na yan na sa umpisa at panliligaw lang magaling, may pa-flowers flowers pa sa una at "Hindi kita iiwan at ipagpapalit" pang nalalaman pero kapag sinagot mo na at nagtagal kayo ng after ng ilang months nawawala na yung lambing at sweetness na unang pinaramdam.

Sus! LOVE?

Nakakain ba yun?

Bubusugin ba ako ng pagmamahal na yun?

Makakapagtapos ba ako ng pag-aaral kapag inuna ko yun?

Para sakin, ang pagmamahal ay para lang sa mga taong maraming free time!

Sa mga taong walang masyadong iniisip sa buhay, sa mga taong puro puso ang pinapairal.

Kaya ako, pinapangako ko sa sarili ko na never akong maiinlove habang nag-aaral pa ako!

Panira lang ng goal sa buhay yun! Distraction sa lahat ng bagay!

Kaya if ever man na handa na akong magmahal, sisiguraduhin ko na never akong maiinlove sa lalaking gaya nila!

Sa lalaking puro salita, sa lalaking puro bunganga, sa lalaking puro sumbat, sa lalaking  sa una lang magaling.

[A]

Siya si Samantha Bernardo. Isang babaeng never pang nainlove sa buong buhay niya. Ayaw niya kasing magaya sa Mama niya na laging iniiwan ng mga lalaki. Ayaw niyang matulad sa mga kaibigan niya na palaging umiiyak dahil sa mga boyfriend nila. Kapag nakakaramdam siya na may taong nagkakagusto sa kanya, pilit niya itong tinutulak palayo.

Si Samantha ay isang matalinong bata, straight A student, happy-go-lucky pero goal centered na tao, alam niya kung ano ang gusto niya sa buhay at mas lalong alam niya kung ano ang ayaw niya, lalo na pagdating sa mga lalaki. President siya ng Student Council nila sa school, cheerleader at consistent honor student since first year. Sikat siya sa school dahil sa angkin niyang talino, at ganda.

Si Sam ay madalas na ipanlaban sa mga Battle of the Brain dahil siya ang pambato ng school nila pagdating sa patalinuhan. Brainy club Vice president din siya. Given na isang Geek at Bookworm si Sam pero hindi siya nerdy type na tao. Hindi mo aakalain na sa sobrang bubbly at joyful ng aura niya na isa pala siyang Geeky Girl.

May kaya rin sa buhay si Sam. Nagmamay-ari ang pamilya nila ng isang shopping center at mayroon ang Mom niyang shoe business. Hindi naman kailangan ni Sam ang mamroblema sa pera dahil nag-iisa lang naman siyang anak at nakukuha niya ang gusto niya through her hardwork.

***

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon