TLGMMBG ♕1

110K 1.2K 134
                                    

CHASE

"Sometimes you just have to ignore the rules and just have fun in life"

Yan ang motto ko at walang makakabali niyan!

Ako yata ang hari!

Nagbibihis ako ngayon dahil papasok ako sa TPIHS ayon sa kagustuhan ng aking magulang. Sa kanila ako nakatira ngayon simula ng ipasunog ng Monster kong Mama ang bahay ko dahil wala na daw akong inatupag kundi maglakwatsa at magpa-house party sa bahay. Wala akong magagawa ngayon kundi ang sumunod dahil baka isunod naman niya yung isa ko pang bahay at condo unit.

Eh Putcha! Lalaki ako! Ano bang gusto ng Mama ko? Yung nananahimik lang ako at sumunod sa mga trip nila? Sus! Such a girly thing! Kuya ko lang ang ganun! Hindi ako!

Pumayag na nga ako na sakanila tumira dahil ibinalik na nila ang red ferrari sports car ko na kinumpiska nila ng maaksidente ako dahil sa sobrang kalasingan. Hindi naman ako napuruhan nun dahil sa airbag ng kotse ko, pero ang OA ni Mama kaya wala akong nagawa kundi i-give up ang wheels ko pansamantala. Buti na nga lang at pumayag na siyang ibalik kapalit ng pagpasok ko sa school. Tss. Nakakapoot. Naiisip ko pa lang ang eskwelahan nawawalan na ako ng gana.

Nagmadali na akong gumayak at pumasok saka pinaharurot ang namiss kong ride.

7am ang klase pero 9am na ako nakapasok dahil napasarap ang tulog ko. Pupungas pungas pa akong pumasok ng TPIHS. Agad kong ipinarada ang sasakyan ko at dumiretso papasok ng building.

Nang makarating ako sa tapat ng classroom sinipa ko ng malakas ang pinto para bumukas.

"Goodmorning people!!"

Sigaw ko sa kanila ng bumukas ang pinto at gulat na gulat silang lahat sa ginawa ko.

"Ang saya ng reaksyon niyong lahat! Para kayong namaligno! Hahahaha"

Tawa ko ng malakas sabay naglakad ako papasok ng room at ginamitan ko ang mga classmate ko ng baril na kamay habang tinuturo silang lahat na nagulat sa grand entrance ko.

"Bang! Poof!!!" Hagikgik ko sa bawat turo ko sa kanila.

"Ahm..Mr. Padilla? We are having our class. Can you please take your sit?" Sabi ni Mam Cortez.

Nilingon ko lang siya at kinindatan.

"Ang ganda mo ngayon Mam ha? Sorry i'm late"

Napasaludo ako sa kanya at dumiretso sa upuan katabi si Pareng Derick habang sumisipol pa. 

See? Walang makakagalaw sakin sa school na 'to kung ayaw nilang mawala sila dito!

"Pare! Nabalitaan ko yung nangyari sa bahay mo"

Bulong sakin ni Derick.

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon