Special Chapter (Uno and Dos)

7.4K 89 32
                                    

N O V E M B E R      3 0       2 0 1 7
a little bit of uno and dos
and sneak peak of black
anyway, new pub story on the
external link below.
foot note.
------------------------- 💎 -------------------------

Uno's Point of View

"Dos, wake uuuuppppp!" Kanina ko pa niyuyogyog si Dos dahil malelate na kami sa school. Iisang kotse lang kasi ang gamit namin dahil ayaw muna siyang magsarili ni Mommy.

Kung hindi ba naman loko, gabi-gabi na lang umaalis ng bahay gamit ang unang kotse na ibinili sa kanya ni Dad. Ayun, pinabawi ni Mommy kaya nakikisabay lang saakin ngayon.

Ayaw din naman kasi magcommute dahil mainit daw at nakakabawas ng pogi points. Napakaarte pa ng hinayupak.

"Kuya Uno, madaling araw pa lang. Go back to sleep." Inaantok niyang sabi tsaka tumalikod at niyakap ang unan niya.

"King ina mo, Dos. Kapag ako nalate sa first subject ko, hindi ka na makakasabay saakin kahit kailan. Magdusa ka mag-commute." Pagbabanta ko sa kanya. Yamot naman siyang nagkusot ng mga mata tsaka naupo.

"Isusumbong kita kay Georgina. Inaalipusta mo ako." Parang bata niyang sabi.

"Ulol, hindi ko nga sabi gusto yun." Pairap na sabi ko. Kaagad naman nawala ang simangot niya tsaka napalitan ng mapangasar na ngisi.

"Hindi daw pero nakita kita nung minsan, iniistalk mo siya sa Facebook, Instagram at Twitter." Patuloy pa rin ang hinayupak sa pag-iinis saakin. Yan ang ganti niya sa tuwing gigisingin ko siya sa umaga.

"Gago." Tinalikuran ko na siya tsaka palabas na ng kwarto niya nang bigla nanaman siyang magsalita.

"MOMMYYYYY, SI KUYA UNO MINUMURA NANAMAN AKOOO!" Napatakip na lang ako ng tenga nang sumigaw nanaman siya.

Hindi ko alam bakit naging ganyan kalala ang saltik ng bwiset na yan.

Dos' Point of View

Paglabas ni Kuya Uno sa kwarto ko ay yamot na yamot akong bumangon at kinuha ang towel ko sa cr ng banyo. Bigla kong naramdaman ang pagkauhaw kaya lumabas muna ako para uminom.

"Good morning, Daddy!" Masigla kong niyakap si Daddy na nagkakape. Nilingon ko naman si Mommy na mukhang naghihintay na yakapin ko rin siya.

"Morning, 'mmy. Just so you know, hindi tayo bati kaya wala kang hug." Pagtatampo ko sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay ayaw pa niyang ipabalik kay Dad saakin ang kotse ko. Nagtitiis tuloy ako sa maagang paggising saakin ni Kuya Uno.

"Kung hindi ka gago, hindi ko naman papabawi sa Daddy mo ang kotse mo." Sagot niya saakin kaya mangiyak-ngiyak nanaman akong kumuha ng tubig at uminom.

"Nasaan pala si Kuya?" Tanong ko. Bakit hindi pa kumakain ang isang yun?

"Naliligo pa." Sagot ni Dad. Napafacepalm ako kaagad dahil niloko nanaman ako ng taragis kong Kuya.

Kaagad akong umakyat sa kwarto niya at sakto naman nakabukas ang aircon niya. Hindi nga lang masyadong malakas. Tinodo ko ito tsaka kinuha ang electric fan niya tsaka itinutok sa pintuan ng banyo.

Malamig ang umaga ngayon kaya nga masarap sana matulog kaso dahil likas na epal ang Kuya ko, ginising ako ng maaga eh hindi pa naman pala nakakaligo. Kung may isang kahinaan man si Kuya Uno, yun ay ang lamig. Matinding lamig.

"Ang tagal talaga maligo ng isang to. Parang babae kumilos kahit kailan." Binalot ko ang katawan ko ng towel na dala ko tsaka pinuksan ang electric fan ni Kuya at nilagay sa number three.

Kaagad ko rin namang kinuha ang cellphone ko para makuhanan ng video ang nakakatawa niyang reaksyon dahil sa napakapangit noyang pagmumukha.

Maya-maya lang, hindi ko na naririnig ang patak ng tubig mula sa shower niya kaya naghanda na ako. Pinress ko na ang record button ng phone ko tsaka chill na hinintay si Kuya Uno makalabas.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon