Chapter 13: decided

6.1K 107 11
                                    

J U N E       0 7       2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

"Mommy, have you heard about the new aircraft designed by Jetblack?" Napalingon ako kay Uno na busy naglalaro ng mga eroplano niya habang nanonood ng news sa tv.

"Not yet. Tell me about it.." Sagot ko naman. Wednesday ngayon at halfday lang ako sa work kaya nandito na ako sa bahay.

"I heard he designed the largest plane in the whole world. I want to watch its first official appearance, Mommy." Nilapitan niya ako saka nagmamakaawa akong tinignan.

"Saan ba yan, Uno?" Tanong ko sa kanya. Kung dito lang naman sa States, baka posible ko pa siyang mapagbigyan.

"In the Philippines, Mommy. Jetblack is a Filipino." Sagot naman niya habang nagliliwanag ang kanyang mga mata.

Ilang saglit akong napaisip dahil sa Pilipinas pala iyon. Sa dinami-raming bansa, bakit sa Pilipinas pa?

"When is that?" Tanong ko sa kanya.

"Next month, Mommy." Sagot naman niya. "It's okay, Mommy. You can still think about it." Nginitian niya ako saka bumalik sa paglalaro ng mga eroplano niya.

Philippines? Next month?

Muli akong napatingin kay Uno na masayang naglalaro. Bigla naman siyang napatingin saakin kaya nginitian ko siyang muli.

Minsan lang humiling saakin si Uno na tulad nito. At mula nang malaman niya ang tungkol sa Jetblack na yun, pangarap na talaga niya itong makilala. Talagang iniidolo niya ito.

Hindi ko lang naman siya mapagbigyan dahil nga Pilipino ito. At ayaw ko pa umuwi ng Pilipinas. Lalo na ngayon na may trabaho akong tinatapos dito sa Manhattan.

Nawala naman ako sa iniisip nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

Si Daddy, tumatawag.

"Dad?"

"Hey hon." Bati naman niya.

"What's up?" Tumalikod ako para tignan ang niluluto kong dinner namin.

"Have you heard about the new largest aircraft?" Napakunot ang noo ko nang marinig ang tinanong niya.

"Uno just mentioned it to me awhile ago. Ano ba ang meron doon, Dad? Pati ikaw alam mo yun." Nagtatakang tanong ko naman sa kanya.

"It is because that plane is also mine, sweetheart. Malaki ang share ko sa aircraft na iyon." Kahit hindi ko nakikita si Dad ay para bang nakangisi siya saakin ngayon.

"Did Uno know about this?" Tanong ko. Panigurado matutuwa si Uno kapag nalaman niyang isa sa may-ari ng punakamalaking aircraft ay ang Lolo'ddy niya.

"No. I am planning to surprise him on the first official apperance of Kaliv." Sagot naman ni Daddy na lalong nagpakunot sa noo ko.

"I named the plane after Uno's second name." Pangunguna na niya saakin.

"Dad.."

"Yes, hon. That means, kailangan niyong umuwi dito sa Pilipinas." Sabi nanaman niya. Marahan akong napapikit. Pinagtutulungan na nila akong lahat.

"Kennedy, alam ko natatakot ka pa. Pero hindi pwedeng habangbuhay kang takot. Hindi pwedeng habangbuhay mo na lang itatago si Uno kay Calvin. This will happen eventually, I am doing you a favor here." Ramdam ko sa boses niya ang konting pagkaawa.

"I will think about it, Dad." Bumuntong hininga ako.

"Sure. Tell me if you're already decided." Sagot naman niya. Tumango ako saka na nagpaalam.

he's my daddy?! // knWhere stories live. Discover now