Chapter 30: new beginning

5.9K 102 2
                                    

J U L Y       1 4        2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

Pagdating namin sa bahay ay kaagad kaming sinalubong ng mga party poppers at may malaking banner pa na nakasabit sa likod ng lamesa.

"Welcome home, misis captain and baby captain!" Sigaw pa nila. Nandito sina Mommy, Daddy, ang mga magulang ni Calvin, may dalawang lalake din na sa tingin ko ay kaibigan ni Calvin. Nandito din si Ira kasama si Austin.

Kaagad kaming lumapit sa kanila ni Uno at yumakap.

"I missed you so much, baby Uno!" Pinanggigilan nanaman nina Mommy si Uno at pinisil sa yakap.

"Welcome home, Amber!" Nilapitan ko naman si Ira saka siya niyakap. Humalik naman sa pisngi ko si Austin.

"Thank you.." Sagot ko saka lumingon kay Calvin na nakayakap nanaman sa bewang ko.

"Gusto nila na ipakilala ko sila sayo.." Tinuro niya ang dalawang lalake na kumaway saakin.

"Yule and Trey, mga kaibigan ko." Pakilala niya saamin. Lumapit naman ako saka nakibeso.

"Hi Amber!" Bago ko pa masabi ang pangalan ko ay binanggit na nila kaya nginitian ko na lang sila.

"Kilala niyo na pala ako." Muli ko silang nginitian.

"Ahh oo naman. Ikaw ang parating bukambibig ni Calvin. Kaya paanong hindi ka namin kilala." Sagot nung Trey kaya nasiko siya ni Calvin.

"Masyado na kayong maraming sinasabi. Tara na, Amber." Tinawanan lang nung dalawa si Calvin.

"Ang sama mo sa mga kaibigan mo." Kinurot ko sa dibdib si Calvin.

"Aray! Eh kasi ang dadaldal eh." Aagot niya habang hinahaplos ang kinurot ko sa kanya.

"Amber, may sasabihin ako.." Napalingon ako kay Ira na hinila ang kamay ko.

OoooOoooOooo

"Mag-kapatid kami ni Calvin." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Ira saakin.

"What the heck?" Pabulong na sabi ko. Napayuko naman siya bago tumango.

"I'm sorry hindi ko kaagad sinabi sayo. Wala din naman kasi talagang may alam tungkol nun. Pamilya lang talaga ang nakakaalam. Ayaw ko rin naman magkaroon ng puwang sa pagitan natin noon kung sinabi ko man sayo. Kaya nga nung nalaman kong si Calvin na kuya ko pala ang ama ng dinadala mo ay nagulat at natuwa ako. Lalo na nung magpacheck up ka na kasama mo siya. Akala ko sinabi na niya sayo kaso ang sabi niya ayaw naman niya akong pangunahan. Sorry na talaga, Amber. Sana mapatawad mo pa akooo!" Mahabang sabi niya at para bang may naghahabol sa kanya. Pagkatapos niyang magsalita ay napahugot siya ng malalim na hininga dahil naubusan ng hangin sa haba ng sinabi.

"N-nagulat lang ako sa nalaman ko. Pero hindi ako galit anu ba!" Hinawakan nanaman niya ng mahigpit ang mga kamay ko.

"Sorry na talaga, Amber." Paghingi nanaman niya ng tawad. Ang kulit niya no?

"Oo na nga. Naiintindihan ko naman. Nagpapasalamat din ako dahil kahit alam mo na ang lahat ng tungkol kay Uno noon ay hindi mo sinabi kay Calvin." Binulong ko lang ang huling sentence na sinabi ko sa kanya.

"Oo naman no! Kahit naman Kuya ko yan ay nasa side mo pa rin ako. Alam ko naman kasi na gago yan eh." Nakasimangot pa niyang sabi.

"Wag ka na nga sumimangot. Nagiging kasing pangit mo si Calvin." Natatawang sabi ko kaya kaagad siyang napairap.

"Okay na tayo ha?" Tanong nanaman niya saakin.

"Oo na nga!" Sagot ko. Yumakap naman siya saakin habang tuwang-tuwa.

he's my daddy?! // knWhere stories live. Discover now