Chapter 11: Manhattan with Uno.

7.2K 118 17
                                    

J U N E      0 5       2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

"Hello, Mommy?" Bati ko sa kabilang linya. Kausap ko sa cellphone si Mommy ngayon.

"Where ka na?" Tanong niya saakin.

"Kakaarrive ko lang sa JFK." Sagot ko. Yup, nandito ako ngayon sa New York. Dito kasi ang office ko ngayon.

"Good. Tinawagan ko na ang secretarya mo. She'll be there tomorrow." Napatango ako.

"Okay, 'mmy. Bye na." Paalam ko.

"Bye, nak. Ingat kayo!" Ibinaba na niya ang tawag. Napatingin naman ako sa paligid ko. New York City.

After ko sa London, dito naman ako ngayon sa New York. Busy na ako masyado dahil palaki na ng palaki ang kumpanya ko.

Saakin na nakapangalan lahat ng kumpanya ng pamilya ko. Though kasama ko pa naman namamahala sina Mommy at Daddy, pinangalan na nila saakin.

Bongga diba?

And, kung kinakamusta niyo ako. Heto, life goes on. Mahigit apat na taon na rin ang nakakalipas mula ng huling beses akong umuwi ng Pilipinas. Almost five years na.

Kasama ko magtravel ang baby boy ko. He's turning four years old this year. Ang bilis lang lumipas ng panahon.

"Mommy, look at that airplane!" Nagliliwanag ang mga mata ng anak ko sa nakikita niya.

"It is huge!" Namamanghang sabi niya. Naipanganak ko siya sa London. Noong gabi na nangyare ang malungkot na pangyayare sa buhay ko, kinabukasan lang ay nagpunta na ako ng London. Sakto naman na kailangan ako ng kumpanya doon.

Nagstay ako doon for four years. Ngayon, dito naman kami sa New York.

"Mommy, someday I want to be a pilot then we will go anywhere you want to go. You don't need to ride any of Lolo'ddy's private plane because you will ride my own design plane. I promise you I will be good at school." Yumuko ako para makapantay ko ang anak ko. Napakadaldal talaga niya. Kaya natutuwa lahat ng tao sa kanya.

"Anything you want, Uno. Mommy will always support you." Nakangiting sabi ko sa kanya.

Chaze Kaliv Jimenez Natividad. Uno ang tawag ng maraming tao sa kanya.

Kung nagulat kayo dahil sa apelyido niya, oo I let him use Calvin's surname. Hindi ko na ipinagdamot sa anak ko yun.

Naglakas loob talaga ako na gawin yun. Yun din kasi ang pinaglalaban ni Daddy. Galit na galit siya nang sinabi kong apelyido namin ang ipapagamit ko kay Uno. Kaya ayun, wala na akong nagawa nang siya na mismo ang nagsabi na Natividad ang gagamitin na apelyido ni Uno.

Nasira din ang pagkakaibigan ni Daddy at Tito Nikko. Mabuti na lang at hindi nawala ang samahan nina Mommy saka ni Tita Cassandra. Yung mga ama lang talaga namin ang mataas ang pride.

Hindi ko alam paano nangyare lahat ng yun. Basta ang alam ko lang, masaya ako ngayon sa trabaho at lalong-lalo na sa buhay ko kasama ang anak ko.

Every pain, rejection, and nightmares happened in the past is worth it because I have my son right now.

I am contented with him.

he's my daddy?! // knWhere stories live. Discover now