Chapter 63: meeting

4.9K 92 32
                                    

N O V E M B E R       0 5        2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

"Amber, you need to go. Alam mo tama si Leo eh. Ipakita mo kung ano na ang mawawala sa kanya. Go go!" Kausap ko si Nico at Monique ngayon. Busy sila masyado sa work kaya facetime lang muna kami ngayon. Nandito na rin pala sa Pilipinas si Nico kaso busy pa rin siya kaya wala ring time na magkita-kita kami.

"And, I'll go there for?" Tanong ko sa kanila tsaka isinandal ang likod ko sa swivel chair ko. Somehow, I want to consider their suggestion.

"Giiiiirl, talbugan mo ang lahat ng girlalu doon." Sagot naman ni Monique habang busy sa pagsusulat niya. Kahit na busy kaming lahat ay mabuti na lang napagbigyan nila ako sa pag-uusap na ito.

"How am I suppose to do that?" Tanong ko sa kanila. Sabay naman nila akong tinignan na para bang tinakasan na ako ng katinuan ko.

"Yung totoo, Amber? Kailan ka pa naging ganyan ka-bopols? Don't act as if you were just born yesterday. Alam na alam mo kung ano ang dapat mong gawin." May tono ng panenermon but at the same time ay natatawang sabi ni Nico.

"Are you going to be busy this weekends?" Tanong ko sa kanila. Saglit namang nanahimik ang dalawa.

"Off ko this Sunday. Ikaw ba Nics?" Baling naman ni Monique kay Nico na ang tagal chineck ang schedule niya bago tumingin saakin.

"First time ko magday-off this Sunday. Why ba?" Tanong niya na kaagad namang nagpangiti saakin.

"Let's go out this Sunday." Nakangising sabi ko. Mukha namang nakuha na nila ang gusyo kong sabihin kaya pareho din naman silang napangisi habang napapatango.

OoooOoooOooo

"May isang meeting ka this Sunday." Sagot saakin ni Leo habang nakatingin sa laptop niya. Pinacheck ko kasi ulit sa kanya dahil ang sabi ko aalis ako this weekend.

"How did that happened? Ang sabi mo saakin, wala na akong gagawin this Sunday." Kunot noong tanong ko sa kanya.

"Sensya na, Engineer, meron pala. Hehe peace tayo." Siningkit pa niya ang kanyang mga mata tsaka nagpeace sign saakin.

"Yamot ka talaga, Leo." Inirapan ko siya tsaka inis na tinalikuran. Paano na ang lakad namin nina Nico at Monique? I can't cancel that now.

OoooOoooOooo

"I'm sorry. Pero makakahabol pa naman ako. Malelate lang ako ng 30 minutes. Pero promise makakarating ako. Kapag hindi pa dumating ang kausap ko, aalis na ako sa lugar na ito." Kausap ko nanaman sina Oni at pinapaliwanag ang pagpalit ko ng oras ng pagkikita namin. Eh kaso nandoon na daw silang dalawa.

"Sino ba yang ka-meet mo ha?" Tanong nila saakin. Bigla akong napaisip at naalala si Leo. Hindi nga pala niya nasabi saakin. Nyeta talaga!

"Ewan ko rin. My secretary didn't mention anyone to me. Baka nakalimutan nanaman niya. Nakalimutan ko rin naman kasing itanong." Sagot ko tsaka napanguso. Ang tagal ng taong yun.

"Osiya na. Gagala na muna kami ni Monique habang hinihintay ka namin. Just call us when you finish. I love you!" Paalam nila saakin tsaka ibinaba na ang tawag.

Saktong pagbaba ko ng tawag ay may taong nakatayo sa harapan ko. Pagtingala ko, kaagad akong nagulat ngunit hindi ko pinahalata sa kanya.

"Amber." Banggit niya sa pangalan ko.

"C-calvin." Sambit ko rin sa pangalan niya tsaka palihim na napalunok. Siya ba ang ka-meeting ko ngayon?

"I'm sorry kung hindi ko na pinasabi sa sekretarya mo na ako ang ka-meeting mo ngayon. I won't take long." Naupo siya sa harapan ko tsaka marahang ngumiti.

he's my daddy?! // knWhere stories live. Discover now