Chapter 20: Jimenez and Natividad

7.5K 128 11
                                    

 J U N E      1 7       2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

"Mommy, bakit umalis na po tayo doon sa office ni Dad?" Tanong saakin ni Uno pagsakay namin ng kotse ko. Pagkatapos kasi ng naging pag-uusap namin ay inaya ko na umalis si Uno.

"Because Daddy still have works to do." Sagot ko sa kanya saka binuhay ang makina ng sasakyan.

"Yeah right. Daddy is also working hard like you." Tumatangong sabi pa nito.

"I can't still believe that the coolest man I ever know is my Dad." Natatawang sabi pa nito. Maging ako ay nakisali na lang sa kasiyahan niya.

Pagdating namin sa bahay ay kaagad ko na siyang binihisan ng preskong damit at hinayaan ko muna siyang magstay sa kwarto niya habang nagluluto ako ng lunch naming dalawa.

Hindi pa ako nakakapag-umpisa nang maisipan kong tawagan ang mga kaibigan ko. Kailangan ko ng kausap ngayon.

OoooOoooOooo

"So, he's finally ready to settle down?" Tanong ni Monique saka kumuha ng popcorn sa malaking bowl na nasa harapan niya.

"That's what he meant, right?" Tanong ko sa kanya na tinanguan lang niya.

"How about you, Amby girl? Don't you want to settle with him and your son?" Tanong naman saakin ni Nico habang nakataas pa ang isang kilay.

"Ngayon pa na okay na ako mag-isa kasama si Uno?" Tanong ko saka inilagay sa bowl ang paksiw na tilapia.

"Okay ka nga ba talaga mag-isa, Amber? Alam mo girl, dapat pag-isipan mo rin yung offer sayo ni Calvin. Mas makakabuti kay Uno ang may kasamang tatay. Pati na rin sayo." Sabi naman ni Nico saka kumuha ng isang mangkok para maglagay ng sabaw na pwede niyang higupin.

"At bakit naman makakabuti saakin yun?" Tanong ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay.

"Nako feeling innocent si Amby girl. Alam mo na, para nadidiligan ang flower nang hindi malanta." Natatawang sabi pa niya. Nakitawa na rin naman si Monique saka pabirong hinampas sa braso si Nico.

"Nico!" Suway ko sa kanya na lalo lang nagpatawa sa kanilang dalawa.

"Nako girl! Dapat nailalabas yan para hindi mapanis." Dagdag pa nito kaya mas lalo akong namula. Jusmiyo talaga itong mga kaibigan ko!

"Bwiset!" Napasimangot na lang ako. Muli nanaman tuloy nanumbalik sa alaala ko yung gabing may nangyare saamin ni Calvin.

"Ayun naman eh! Nagfa-flashback na si Ate mong girl!" Natatawang sabi pa ni Monique kaya inirapan ko sila pareho.

"Tanggapin mo na yung offer niya, Amber. Para masundan niyo na kaagad si baby Uno." Sabi naman nitong si Monique na ginatungan pa ni Nico.

Tinawagan ko sila para may malabasan ako ng saloobin ko. Hindi para dagdagan ang saloobin ko.

"Napakabuti niyong mga kaibigan. Seryoso!" Inasar lang nila ako lalo nang magwalk out ako. Tatawagan ko na kasi si Uno para makakain na kami ng tanghalian.

OoooOoooOooo

"We're going back to Manhattan?" Tanong saakin ni Uno. Nandito na ako sa kwarto ko ngayon at naghahanda na para matulog.

"Come here, hon." Sinenyasan ko siya na mahiga sa tabi ko.

"Mommy needs to continue her work there, anak. We can't stay here." Mahinahon kong paliwanag sa kanya. Saglit nangibabaw ang katahimikan sa pagitan namin bago ko siya narinig bumuntong hininga.

he's my daddy?! // knWhere stories live. Discover now