Chapter 39: should i stay?

5K 80 7
                                    

A U G U S T       1 2        2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

Hindi ako lumabas ng kwarto ko kahit kanina pa kumakatok si Uno at Yaya. Pinigilan ko ang sarili ko huwag na umiyak para sa baby na nasa sinapupunan ko. Nakausap ko na si Ira at sinabing puntahan ko siya sa clinic niya bukas.

Excited pa nga siya dahil sa sinabi kong baka buntis ako. Pero sinabi kong huwag muna sabihin kay Calvin. Ako na ang magsasabi kapag sigurado na ako. Hindi naman niya pinalampas ang pagtatanong saakin kung bakit. Bigla na lang akong naiyak nang isagot kong bukas ko na sasabihin.

Tinawagan ko na rin si Monique para magpatulong sa kanya bukas. Busy kasi si Nico dahil marami siyang ginagawa ngayon. Ang alam ko, siya ang kinuhang designer sa nalalapit na pinakamalaking event sa Paris. Kaya balik nanaman siya dun saglit.

"Mommy! Dinner is ready. Are you okay?" Napalingon ako sa pintuan ng kwarto nang marinig ko ang boses ni Uno. Tumayo ako para buksan ang pintuan.

"What happened to your eyes, Mom?" Bungad niya saakin. Lumuhod ako sa harapan niya saka niyakap siya ng mahigpit.

"Mommy is fine." Pinigilan ko ang paghikbi ko habang yakap ko siya.

"Why are you crying?" Nag-aalalang tanong niya saakin.

"I'm not crying." Sagot ko saka pasimpleng pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"I can hear your small sobs, Mom. You can't lie to me." Napapikit ako saka hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko para hindi tuluyang lumabas ang hikbi sa labi ko.

"Who did that to you?" Tanong nanaman niya. Marahan akong umiling. Hindi na niya kailangan malaman pa kung anong problema ko.

"Tell me, Mom. Kami bahala ni Daddy dun." Sagot pa niya lalo lang nagpalala sa pag-iyak ko. Ang Daddy mo ang dahilan kung bakit umiiyak ako, Uno.

"Don't cry, Mommy. Akong bahala sayo. I will protect you." Niyakap niua ako ng mas mahigpit saka hinalikan sa pisngi ko. Siya rin ang nagpunas sa luha na nasa pisngi ko.

"Who's that who dared to make my Mom cry? I will make sure they'll suffer." Sabi pa niya habang pinupunasan ang luha sa pisngi ko. Medyo natawa naman ako dahil sa kalakasan ng loob niya.

"All I want is to make you smile and laugh, Mom. But that reason who made you cry is pissing me off." Sabi pa niya saka inayos ang buhok ko na humaharang na sa mukha ko.

"I love you, hon. You are my happy pill." Hinalikan ko siya sa pisngi saka muling yumakap sa kanya.

"Don't worry, Mommy, I will never leave your side so that you're always happy and safe." Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

"But I am hungry. Let's eat na." Tumayo na ako saka nagpahila na sa kanya pababa. Wala pa si Calvin. Nakatanggap ako ng text sa kanya kanina at medyo gagabihin pa daw siya.

Mabuti na lang at gagabihin siya. Hindi ko siya makakasabay ngayon. Dapat dumating siya mamayang tulog na kaming lahat.

Pagkatapos naming kumain ay iniwan ko na lang muna sa lababo ang mga pinagkainan namin. Bukas ko na lang huhugasan ang mga iyon dahil wala akong gana kumilos ngayon.

Nahilamusan ko na rin si Uno at nakahiga na siya sa kama niya ngayon.

"I'm okay na, Mommy. You may go back to your bedroom now." Mahinang sabi niya. Pumipikit na rin ang mga mata niya dahil sa antok.

"Gusto ko sama tabihan ka matulog ngayon. Pwede ba?" Tanong ko sa kanya.

"Pwede naman, Mommy. Here." Umusog siya kaya nahiga na ako aa tabi niya at niyakap siya.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon