Chapter 49: tampuhan

4.4K 74 2
                                    

S E P T E M B E R     1 6      2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

Pag-uwi ko sa bahay ay wala pa si Calvin. Dinatnan ko si Yaya Susie na nililigpit ang mga laruan ni Uno na nagkalat sa living room.

"Good evening, Ma'am. Nandoon na po si Uno sa kwarto niya at hinihintay kayo." Nginitian ko lang siya tsaka pumanik sa taas.

Pagpasok ko sa loob ay natigilan ako dahil sa narinig kong sinabi ng anak ko.

"You know what Chaliv, Mom and Dad are fighting. I can see it in their actions. Ayaw lang nilang ipaalam saakin. But I know they're not okay. I know they have problems." Kausap niya ang eroplano niyang si Chaliv. Nanatili akong nakatayo sa likuran niya.

"Ayaw ko sila magkaaway, Chaliv. Sometimes, naisip ko na baka ako ang dahilan kung bakit hindi sila okay." Napakagat ako sa ibabang labi ko tsaka napakunot ang noo.

Iniisip niya yun?

"Because they work so much para may maibayad sa hospital dahil sa sakit ko. They don't even have time for their selves. I know, this is all my fault, Chaliv." Napayuko siya at dinig ko na ang paghikbi niya. Madali ko siyang nilapitan at hinawakan sa balikat.

"Baby, what you are thinking aren't true. None of them was true." Pagpapatahan ko sa kanya tsaka siya niyakap.

"Hindi kayo okay ni Daddy, Mommy. Hindi na kayo tabi natutulog pati hindi na kayo nagha-hug tuwing umaga paggising niyo. You are not okay, Mommy." Lalong lumakas ang pag-iyak niya.

"Baby, that wasn't true. Your Daddy and I, hmm, busy lang kami sa work. But that doesn't mean na hindi kami okay." Pagpapatahan ko pa rin sa kanya.

"Promise?" Tanong niya. Nginitian ko siya at pinunasan ang luha sa pisngi niya.

"Promise." Sagot ko tsaka hinalikan sa pisngi at noo niya.

"Walang akong work bukas, do you want to go somewhere?" Tanong ko sa kanya.

"But it's Saturday tomorrow. Diba Sunday po kayo walang work?" Tanong niya saakin.

"Wala din akong work bukas, baby. Naisip ko kasi na namimiss na ako ng baby Uno ko kaya lalabas tayo bukas." Nakangiting sabi ko.

"How about Daddy? Sasama po ba siya saatin?" Tanong niya saakin. Saglit naman akong napatigil.

"I will ask him. But for now, go to bed na para maaga ka magising bukas. Okay ba yun?" Niyakap naman niya ako ng mahigpit tsaka hinalikan sa pisngi.

"Okay na okay, Mommy!" Inayos ko na ang kumot niya at sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.

Ilang saglit lang naman ay nakatulog na siya. Dahan-dahan akong umalis sa kama niya at lumabas ng kwarto niya. Sakto naman ay kakaakyat lang ni Calvin sa hagdan.

Dumiretso ako papasok ng kwarto namin. Nakasunod lang naman siya saakin.

Habang tinatanggal ko ang mga hikaw at kwintas na suot ko ay naramdaman ko ang pagyakap niya saakin mula sa likuran.

"I'm sorry." Bulong niya tsaka mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap saakin. Ngayon ko lang siya ulit nakita.

"I missed you so much." Pagpapatuloy niya. Napapikit naman ako tsaka bumuntong hininga.

"Magbibihis ako." Pilit ko tinatanggal ang pagkakayakap niya saakin.

"No. Hayaan mo muna akong yakapin ka." Matigas niyang sagot tsaka ako pinaharap sa kanya at niyakap nanaman.

Hinayaan ko siya. Inaamin ko naman, namiss ko rin siya. Gusto ko lang muna magpakipot para naman lambingin at suyuin pa niya ako.

"Calvin, naiirita na ako sa suot ko. Hindi ba pwedeng magbihis muna ako?" Totoong naiinitan na ako sa suot ko.

"Pagkatapos mo magbihis, yayakapin kita ulit?" Napairap ako dahil sa pagiging childish nanaman niya.

"Bahala ka." Pagkasabi ko nun ay bumitaw na siya habang nakangiti.

"Sige na. Magbihis ka na." Inirapan ko siya tsaka na pumasok ng bathroom para makaligo at makapagbihis ng komportableng damit.

Paglabas ko ng bathroom ay sinalubong ako ng yakap ni Calvin. Nakapagbihis na rin siya at nakasuot lang ng simpleng white shirt at boxer shorts.

"Hindi ka naman atat no?" Ngumisi ako. Ganito niya ako kamiss. Kasalanan naman niya. Kung saan-saan pumupunta. Tsk.

"Sorry kung nawawalan ako ng oras sainyo." Napairap ako. Hindi ko ibinabalik ang yakap niya saakin. Kailangan niyang malaman na hindi okay ang ginawa niya.

"Mabuti naman at alam mo ang kasalanan mo." Sagot ko sa kanya. Binalot naman kami ng katahimikan. Tanging pagtibok lang ng puso namin ang naririnig ko.

"Pangako, babawi ako." Kumalas siya sa pagkakayakap saakin.

"Ayaw ko na sa mga pangakong yan, Calvin. Dahil sa mga pangako na yan, nasasaktan ako." Yumuko ako tsaka pinaglaruan ang mga daliri ko. Nakakapagod din umasa sa mga pangako niya.

"Amber.." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi tsaka inangat ang paningin ko sa kanya.

"Ayaw ko na umasa sa mga pangako mo, Calvin." Bumuntong hininga ako at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa pisngi ko. Unti-unti ko iyong tinanggal.

"Hindi okay saakin ang ganitong set up natin, Calvin. Pati si Uno nararamdaman na iyon." Nakita kong napakunot ang noo niya.

"Kanina, narinig ko siya na kausap si Chaliv. Sinabi niyang alam niyang hindi tayo okay at nararamdaman niya iyon. Ayaw kong pati siya nasasaktan, Calvin." Ipinatong niya sa magkabilang balikat ko ang mga kamay niya tsaka marahang pinisil ang mga ito.

"Kaya nga babawi ako, diba? L-let's go on a vacation. Tayong tatlo nina Uno. Yeah?" Napatitig ako sa kanya. Sa itsura pa lang niya, gustong-gusto talaga niyang pumayag ako.

"Please, Amber, hayaan mo akong makabawi sainyo ng mga anak natin." Bumaba ang kamay niya sa tyan ko. Biglang lumambot ang puso ko at gusto kong maiyak.

Napakasensitive ko talaga ngayon. Konting kibot lang naiiyak na ako. Nakakainis!

"No phone calls from work?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya tsaka tinaas ang kanang kamay niya.

"Promise, no phone calls from work." Sagot niya.

"Bakasyon yun ha?" Paniniguro ko. Natawa naman siya tsaka ako pinisil sa yakap.

"Opo, Captain. Bakasyon po yun." Sagot niya tsaka humalik sa pisngi ko.

"Okay. Aayusin ko na ang schedule ko." Sagot ko naman.

"No phone calls from work?" Tanong niya saakin. Binabalik niya saakin ang paniniguro ngayon.

"No phone calls pwera na lang kung emergency." Sagot ko.

"Okay. So, bati na tayo ha?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ambilis talaga ng mga galawan mo no?" Inirapan ko siya. Natawa lang naman siya ulit.

Kung may nakakakita at nakakarinig lang saamin ngayon, pagkakamalan na kaming mga nababaliw. Kanina lang ay nagdadrama kami tapos ngayon tawanan naman kami.

"I love you.." Nginitian ko siya at niyakap. Kahit na anong problema ang dumaan, hindi ko hahayaang itumba kami nito.

------------------------- 💎 -------------------------
treasure everything you have.

he's my daddy?! // knWhere stories live. Discover now