Chapter 8: Sick Calvin.

6.5K 114 1
                                    

J U N E      0 2     2 0 1 7
----------------------- 💎 -------------------------

Nagising na lang ako na ang sakit na ng ulo ko. Hindi ko kayang makatayo. Malamang ay hang-over nanaman. Naparami nanaman ang inom ko kagabi.

Sinubukan kong bumangon pero wala pa rin. Hindi ko kaya. Inabot ko na lang ang cellphone ko na nasa ilalim lang ng unan ko.

Tatawagan ko na lang kung sino ang pwedeng tumulong saakin.

Hindi ko maibuka ng maayos ang mga mata ko kaya kung sino ang huling tinawagan ko ay yun ang nadial ko.

Amber's Point Of View

Nandito ako ngayon sa ospital. May check up kasi ako. Wala akong kasama dahil sobrang daming ginagawa ng mga kaibigan ko.

"Good morning, Amby!" Hyper na bati nanaman saakin ni Ira. Humalik siya sa pisngi ko chaka pa ako niyakap.

We're close friends. Napakahyper at may pagkamadaldal siya kaya hindi ako nabobore sa tuwing nagpapacheck up ako.

"You look so happy. Actually, everyday naman yata." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Duh, life's too short to be sad." Napatango ako sa sinabi niya. Tama naman yun. Life's too short to be sad.

"So, kumusta ang buhay?" Tanong niya saakin.

"Ayos naman..." At bigla kong naalala si Calvin. Ano na kaya ang nangyare sa kanya?

"Anong mukha yan? Ayos lang pero nakasimangot?" Tinaasan pa ako ng kilay. I just chuckled.

"Ikwento mo na. Nahiya ka pa eh." Kilala na rin kasi niya kung sino ang Ama ng pinagbubuntis ko. Nagulat siya nung una. Sino ba naman hindi? Calvin Natividad eh. Pero naintindihan din niya. And she promised to shut her mouth.

"Nagkita kami ni Calvin nung isang araw." Inabangan ko ang magiging reaksyon niya. Kaso wala.

"I knew it. Ikaw yung babaeng yakap niya noh? So, what happened?" Habang nakukwentuhan kami ay sinimulan na niya ang kailangan niyang gawin saakin.

We did our ultrasound. Sabi niya pwede ko na malaman ang gender ng baby ko. Pero ang sabi ko next time na lang.

"Ang hirap naman ng kalagayan mo, girl!" Napapatango ako bilang pagsangayon.

"Naiipit ako between sasabihin ko or hindi. Alam mo yun, kapag kasi sinabi ko, pwedeng makaapekto ito sa career niya. At baka kung ano pa ang sabihin ng mga fans nila ni Paula. Ayaw kong lumaki ang anak ko sa magulong buhay ng Ama niya. Kapag naman hindi ko sinabi, baka magtanim na ng sama ng loob saakin tong anak ko dahil itinago ko siya sa Ama niya." Napabuntong hininga ako. Tapos na ang check up ko at nag-uusap na lang kami ni Ira.

"Ako man hindi ko alam kung ano ang dapat mong gawin. Siguro, kailangan na lang nating magtiwala ngayon. Tadhana na ang bahala." Napayuko ako. Yun na nga ang kinakatakot ko. Dahil sa ayaw at sa gusto ko, gagawa at gagawa ang tadhana ng paraan para mangyare ang araw na yun.

"For now, wag na munang masyadong papastress." Nginitian ko si Ira.

"Mauuna na ako, Ira. May trabaho pa kasi ako. Kita na lang tayo next next week. Byee..." Humalik ako sa pisngi niya at umalis na din.

Pasakay na ako ng kotse ko nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Calvin's Point of View

Tinapon ko sa likuran ko ang cellphone ko dahil wala man lang sumasagot.

Tsk.

Sinubukan ko tumayo pero hindi ko kaya. Nahilo lang ako at bumagsak ulit sa kama. Ugh!

Sinubukan ko ulit kaso bagsak nanaman sa kama. "Fvck! Ang sakit ng katawan ko!" Binaon ko ang ulo ko sa ilalim ng mga unan ko.

he's my daddy?! // knWhere stories live. Discover now