Chapter 6: We met again.

6.6K 116 7
                                    

M A Y      3 1      2 0 1 7
----------------------- 💎 -----------------------

Amber's Point Of View

Almost four months na ang pagbubuntis ko. I graduated last month at nagtatrabaho ako ngayon sa company namin.

Mom and Dad let me work dahil nagpumilit ako. I'm still living with Monique and Nico. Nagtatrabaho na din sila kaso sa kumpanya ng pamilya nila.

Si Nico na ang nagmamanage ng clothing line nila since dun siya magaling. Si Monique naman ang namamahala ng kanilang bangko.

Almost five months na pero hindi ko pa ulit nakita si Calvin. Wala pa akong lakas ng loob na makipagkita sa kanya. Wala din akong lakas na tawagan siya.

I have my monthly check up sa OB ko and so far, so good naman. Healthy daw kami pareho ni baby.

Lumalaki na rin ang baby bump ko. Halatang-halata na buntis talaga ako. Today, may family dinner daw kami nina Mommy kaya on the way na ako sa restaurant na tinext nila.

And, they also let me drive. Hanggang kaya ko daw. They always support me basta mag-ingat lang daw ako parati.

OoooOoooOooo

Nakarating ako sa restaurant na tinext nila saakin at nakita ko naman kaagad ang table nila. Napakunot ang noo ko dahil may iba pa silang kasama.

Bigla akong kinabahan. They seems familiar kahit nakatalikod sila saakin.

"Oh, she's here.." Nakangiting salubong saakin ni Mommy. Ngumiti naman ako kahit kinakabahan ako ng konti.

"Hey, sweetie." Hinalikan ako ni Daddy sa pisngi ko at naupo ako sa tabi niya. Nasa left side niya si Mommy at dito naman ako sa right side. May isang seat pa dito sa may right side ko.

Napalingon ako sa mga kausap nina Daddy. At doon na nahulog ang panga ko. Jaw dropped...as in literally.

Parents ni Calvin?

"Oh no..."

"What's wrong, honey?" Tanong saakin ni Mommy. Nabigkas ko pala yun ng pabulong.

"Uhhmm..nothing, Mom." Ngumiti naman ako ng alangan. Mommy naman eh...alam mo naman ang dahilan kung bakit tapos itatanong mo pa. Nakakatanga naman eh.

"Sorry I'm late.." Biglang nanlaki ang mga mata ko at ramdam ko rin na bumilis ang tibok ng puso ko.

Kilala ko ang boses na yan...

Hindi ko pwedeng makalimutan. Yan ang boses na minsan kong kinahumalingan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

Goooosh! Awkward yata ng mga mangyayare ngayong gabi kung nagkataon!

"Calvin! It's okay son...mahalaga nakapunta ka." Omg omg omg omg!

"Nga pala, your Tito Kenneth and your Tita Maber." Nilapitan na ni Calvin sina Mommy at Daddy kaya alam kong magkikita na talaga kami.

Huhuhuhu! Baby, nandito ang Daddy mo...

"Nice to meet you po, Tito Kenneth and Tita Maber." Nagmano pa siyakina Mommy. Wow! Magalang pala ang Daddy mo, baby.

"Calvin, I would like you to meet our daughter...." Napakagat na ako sa labi ko. Iniiwasan ko kasi na makita ako ni Calvin kaya todo talikod ako sa kanya.

"Amber..." Si Calvin na mismo ang bumanggit ng pangalan ko. Putek! Kinakabahan ako. Paano kung ngayong gabi din malaman niyang anak niya ang pinagbubuntis ko?

"Magkakilala na pala kayo?" Tanong ni Tito Nikko. Oo naman Tito! Siya nga ang Ama ng anak ko. Saya noh? Hehe.

"Yes, Dad. Nakilala ko siya dun sa concert ko months ago." Sagot ni Calvin habang hindi matanggal ang tingin niya saakin.

he's my daddy?! // knWhere stories live. Discover now