Chapter 36: Natividad Familia

5.9K 90 7
                                    

A U G U S T       0 5       2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

"Uno, the packages are here!" Pagtawag ko kay Uno na nasa kwarto niya. Kakalipat lang namin dito sa bahay na pinarenovate ni Calvin. Sakto naman ay dumating na ang mga packages namin galing London.

Nandoon kasi halos ng gamit namin. Lalo na ang mga aircraft collections ni Uno. May mga iilang gamit din ako doon na nakasali sa packages ngayon.

"I'll be there, Mom!" Sigaw naman niya pabalik habang pababa ng hagdanan.

"How can I carry this upstairs?" Magkakamot ulo niyang tanong saakin habang nakatingin sa dalawang malalaking box na nasa harapan niya at mga gamit lang niya ang laman.

"We'll wait for Dad to arrive." Sagot ko sa kanya saka muling chineck ang mga gamit dahil baka may kulang o nasira.

Luckily, mukhang wala naman. Everything is well.

"Where is he, Mom?" Tanong saakin ni Uno habang tinatanggal ang packaging tape ng isang cargo box niya.

"Still in his office. Pero pauwi na rin daw siya." Sagot ko at ako na ang nagbukas nung kahon niya.

"They're all here, Mom." Nakatingin siya sa mga koleksyon niyang eroplano habang binabanggit lahat ng pangalan ng mga ito. Hinayaan ko na muna siya doon at magpunta sa kusina para tignan ang pinapalambot kong karne.

Uuwi pa kasi si Calvin dito para mananghalian kasama kami ni Uno dito sa bagong bahay daw namin. Kaninang umaga lang kami naghakot ng mga gamit. At mamaya ko na aayusin yan pagnakabalik na si Calvin sa opisina niya.

"I'm home!" Dinig kong anunsyo ni Calvin. Nandito na siya hindi pa nga luto ang ulam namin.

"Dad!"

"Hey, bud!"

Hinayaan ko muna silang dalawa doon at sinimulan na ang pagluluto ko. Habang busy ako sa paghiwa ng mga kakailanganin ko ay may biglang humalik sa pisngi ko.

"Hey, wife." Bulong pa niya saakin kaya nanindig nanaman ang mga balahibo ko sa batok.

"Masyadong busy ang boss kapitan ko.. Hindi man lang ako mahalikan." Bakas sa boses niya ang lungkot. Napalingon naman ako sa kanya saka mabilis na dinampihan ng halik sa labi habang nakasimangot siya.

"Binibilisan ko na ang niluluto ko para makakain na tayo." Sagot ko saka inilagay sa niluluto ko ang mga sahog na hiniwa ko.

"It's okay. Tutulungan ko na lang muna si Uno doon sa mga boxes niya." Tinanguan ko lang siya at hindi na muling narinig ang sagot niya.

Pagkatapos ko magluto ay inilapag ko na lahat sa lamesa.

"Lunch is ready, Blackcode!" Pagtawag ko sa kanila. Tuwang-tuwa sila kapag tinatawagan ko sila ng ganyan. Feel na feel daw nila yung connections between the three of us. Parang mga sira diba?

"We're coming, Captain!" Sabay pa nilang sagot kaya napapailing na lang ako.

"Naiakyat na lahat ng boxes sa mga kwarto?" Tanong ko kay Calvin. Wala na kasi sa living room namin.

"Yes, boss kapitan. Yung nga boxes mo nandoon na sa room natin then yung kay Uno, nandoon na sa kanya." Sagot niya saka muling humalik sa pisngi ko. Nagpalit na pala siya ng suot niya at nakaboxer na lang siya ngayon.

"Papasok ka pa sa office after this, diba?" Tanong ko habang nilalagyan ng pagkain si Uno sa plato niya.

"Pag-iisipan ko muna. Kapag tinamad ako, hindi na ako papasok." Sagot niya. Napapailing na lang ako. Kapag hindi na siya pumasok ay papatulong na lang ako sa kanya maglinis ng buong bahay.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon