Chapter 42: crave

5.3K 89 17
                                    

A U G U S T       2 6        2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

Nagdaan ang ilang linggo na hindi ko pa rin gaanong kinakausap si Calvin. Sa tuwing kasama namin si Uno, doon ko lang siya nginingitian at kinakausap. Pero yung lambingan namin noon, unti-unti na ring nawawala.

Ako ba ang dapat sisihin dahil sa unti-unti naming paglayo sa isa't isa? Iniisip ko na baka ako ang problema. Ako kasi ang umiiwas sa kanya.

Paminsan, nagpapaalam siya saakin na bibisitahin daw niya si Genny at ang anak nila. May gusto daw kasing ipabiling pagkain. Hinahayaan ko na lang. Mas kailangan siya ni Genny ngayon.

Ako naman, nararamdaman ko na ang morning sickness ng pagbubuntis. Nahihirapan din ako lalo na kapag sinusumpong ako ng topak ko. May mga oras na gusto kong makasama si Calvin pero pinipigilan ko dahil busy siya sa trabaho niya. Minsan naman ayaw na ayaw ko siyang nakikita o kahit naaamoy man lang.

Ewan. Ang weird ng nararamdaman ko. Hindi naman ako ganito noong kay Uno. Hindi ako gaanong emosyonal na ganito noon.

"Very good kayo ni baby dahil pareho kayong healthy." Tinanggal ni Ira ang device na iniikot-ikot niya sa tiyan ko kanina. Pinahid ko na rin ang gel na nilagay niya saka nagbihis.

"Pero paalala lang ha, no stress and no crying na tayo. Dahil lahat ng emosyon mo, nararamdaman din ni baby." Nginitian ko siya saka tinanguan.

"Kamusta na ba kayo ni Kuya?" Tanong niya. Nanatili akong nakaupo sa hospital bed habang siya ay nakatayo sa gilid habang inaayos ang mga gamit niya.

"So far so good." Sagot ko tsaka pinaglaruan ang mga daliri ko.

"Sana nga. Kahit pakonti-konti ay nagkakaayos kayo." Tinanguan ko siya saka muling yumuko.

"Pakatatag ka lang. Kaya niyo yan." Tinapik niya ako sa balikat ko kaya muli ko siyang nginitian.

Tumayo na rin ako at bumalik na kami sa may desk niya. Naupo ako sa harapan at pinakinggan ang iba pa niyang bilin at ang mga vitamins na kailangan kong inumin para manatili kaming healthy ni baby.

Ilang saglit lang ay nagpaalam na rin ako sa kanya at umuwi na. Wala akong kasama ngayon dahil busy ang mga kaibigan ko. May mga ibang priority din naman sila kaya hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi ko sila. Si Uno naman ay sinundo ni Mommy kanina. Isasama daw nila ni Daddy sa lunch date nila mamaya.

Hinayaan ko naman dahil namiss din nila ang apo nila at gusto ko rin namang mapag-isa sa bahay. Sumama din kasi si Yaya kina Uno.

Ang alam ko ay hectic ang schedule ni Calvin ngayon kaya busy talaga siya sa opisina niya. Hindi rin ako pumasok sa trabaho dahil wala pa akong gana humarap sa mga tao.

Ayaw din naman kasi nina Mommy na magtrabaho pa ako. Lalo na't buntis daw ako. Gusto nilang magpahinga na muna ako sa bahay. Kaso, ano namang gagawin ko dun? Nasanay na rin naman ang katawan ko na nagtatrabaho. Mababagot lang ako sa bahay.

Papasok na rin naman ako sa trabaho next week. Ang dami ko na ngang nacancel sa meetings and appointments dahil sa absents ko. Yung iba nagparesched na lang, yung iba naman umayaw na.

Pagdating ko sa bahay ay kaagad akong naghalungkat ng makakain ko. Bigla akong nagutom at parang gusto kong kumain ng tuna spaghetti.

"Bakit walang ingredients dito?" Nabadtrip ako nang wala akong nakita kahit isang supot man lang ng pasta.

Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong umilaw.

mister captain Calling...

Bumuntong hininga muna ako bago ko sinagot ang tawag niya.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon