Chapter 53: masakit na katotohanan

4.9K 88 8
                                    

O C T O B E R      0 7       2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

"Magandang umaga, Engr. Natividad. Kamusta ang naging bakasyon engrande mo?" Bungad saakin ni Leo. Wagas nanaman ang pagngiti niya.

"Maayos naman. Ano na ang ganap dito sa opisina?" Tanong ko sa kanya tsaka pumasok sa opisina ko.

"Wala namang masyadong ganap, Engr. Medyo chill nga ako ng isang linggo. Pero ngayon, syempre nandito ka na, no chill nanaman ako." Sagot niya tsaka may inilapag na folder sa harapan ko.

"Pa-autograph lang ulit ako. Tsaka lahat ng schedule mo for the whole month, na-email ko na sayo. Reremind na lang kita every now and then." Pagkatapos ko basahin ang pinapapirma niya ay inabot ko na sa kanya tsaka siya tinanguan.

"I'll see you later, Engr. In case you need me, one pindot lang sa intercom, and I'll be here." Sumaludo pa siya bago tumalikod at tuluyang umalis.

Bumuntong hininga nanaman ako nang maalala ko ang hindi namin pagpapansinan ni Calvin kanina. Hindi ko rin nasabi sa kanyang may check up pala ako ngayon sa OB-Gyne ko.

OoooOoooOooo

"So, gusto mo na bang malaman ang gender ng baby mo? Ako alam ko naaa." Kanina pa excited na excited sabihin saakin ni Ira kung ano ang gender ng baby ko.

"A boy?" Tanong ko sa kanya. Napakunot naman ang noo niya na medyo nakapagpakaba saakin.

"How'd you know?" Napangisi ako. A baby boy again.

"Yun kasi ang gusto ni Calvin at Uno." Sagot ko. Napapatango naman siya habang inaayos ang mga gamit niya.

"Shooter talaga si Kuya." Napayuko ako. Mukha namang napansin niya.

"Ano nanamang ginawa sayo ng balahula kong kapatid?" Nakapamewang na siya sa harapan ko at halata na ang inis niya.

"Misunderstanding lang. Parati na lang akong napapadpad dito sa tuwing nagkakaroon kami ng problema ng Kuya mo." Bumuntong hininga ako. Medyo nahihiya na rin naman ako kay Ira dahil naabala ko pa siya sa trabaho niya. Wala kasi sina Monowie at Nico.

"Ano ka ba, Amber. You're my sister. I wouldn't mind if you're going to visit me everyday and cry or nag. You can tell me everything without hesitation, Amby. Don't worry." Malungkot ko siyang nginitian tsaka niyakap.

"Thank you." Kaagad din naman siyang kumalas at nginitian ako.

"I admire your courage, Amby." Marahan akong tumawa tsaka yumuko. "Everything is worth it in the end. Siguro sa ngayon, focus ka na lang kay Uno at Dos. They need you." Tinanguan ko siya tsaka humugot nanaman ng buntong hininga bago tumayo.

"I have to go. Naghihintay na rin ang susunod mong pasyante. Thank you ulit." Nakibeso ako sa kanya bago tuluyang lumabas ng clinic niya.

Pauwi na rin ako ngayon. Hindi na ako babalik ng office dahil wala na rin naman akong gagawin doon. Dalawa lang ang appointment ko ngayong araw at pagkatapos nun pumunta na ako dito sa clinic ni Ira.

Ilang saglit lang ay nakarating na rin naman ako sa bahay. Kaagad na sumalubong saakin si Uno.

"Hey Mom! Who's your day?" Humalik siya sa pisngi ko.

"Great. Galing nga pala ako sa clinic ni Tita Ira. And, she already told me about our baby's gender." Nakangiting sabi ko sa kanya. Lumiwanag naman ang kanyang mga mata at sumilay ang ngiti sa labi niya.

"What is it, Mom?" Excited niyang tanong saakin. Saglit kong pinasadahan ng tingin si Yaya Susie na masayang pinagmamasdan si Uno.

"A baby boy." Sagot ko tsaka marahang pinisil ang ilong niya.

he's my daddy?! // knWhere stories live. Discover now