Chapter 9: Mommy and Daddy on a couch

6.8K 116 5
                                    

 J U N E     0 3     2 0 1 7
----------------------- 💎 ------------------------

Pumasok na ako ng tuluyan sa kwarto niya saka sinarado iyon. Gumalaw naman siya ng konti saka ako nilingon.

Binitawan ko muna ang bag ko sa may couch saka naupo sa edge ng kama niya.

"Anong drama mo?" Tanong ko. Parang close talaga kami noh?

"May sakit nga ako." Sagot niya sa nanghihinang boses.

"Kawawa ka naman pala.." Sarkastikong sabi ko. Kita ko ang pag-irap niya. Aba!

"Dapat nagpunta ka na sa ospital. Bakit ba ako tinawagan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Dahil ikaw ang last na tinawagan ko sa call logs ko. Bat ba ang dami mong tanong?" Tanong niya saakin.

"Aba! I should be at home right now, sleeping soundly. Kaso eto ako ngayon, kasama ka." Sinamaan ko siya ng tingin. Naiinis ako sa pagmumukha niya. Mukha siyang unicorn poop!

"Alagaan mo na lang ako, please?" Nanlaki naman ang mga mata ko saka ko siya hinampas.

"Letche ka pala eh! Edi sana tumawag ka na lang ng personal nurse mo for this day." Naaasar kong sabi sa kanya. Inaantok talaga ako ngayon kaso ewan ko ba kung bakit pumayag-payag pa ako na puntahan ang mokong na to.

"Please, Amber?" Pagmamakaawa niya. Kainiiiiiiissssss!

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya.

"Baba nanaman ako? Hay, bat kasi nasa second floor pa ang kwarto mo?"  Tumayo na ako para ipagluto siya ng makakain niya kaso hinawakan niya ang kamay ko.

"Lilipat na lang ako sa baba para hindi ka na mahirapan." Dahan-dahan siya tumayo habang nakapikit. Ako nahihirapan sa kanya.

Inalalayan ko siya ng konti habang pababa kami. Inaalalayan ko siya habang inaalalayan din niya ako.

Nang makarating kami sa first floor ng bahay niya ay nagpunta siya sa salas saka inayos yung folding bed niya na nagiging couch din. Gets?

Nagpunta naman ako sa kusina saka pinagluto siya ng soup.

Nang matapos ako ay kumuha na rin ako ng gamot niya.

Dinala ko sa kanya yung pagkain niya saka pinatong muna dun sa center table.

"Calvin, bumangon ka muna dyan para makakakain ka." Marahan ko siyang tinapik sa braso niya kaya napamulat niya.

Dahan-dahan siyang bumangon saka nagsandal.

"Feed me." Nanghihinang sabi niya pero may authority ang pagkakasabi niya nun.

"Nyemas ka!" Bulong ko na narinig naman niya. Nakakainis na siya! Ngayon ko lang talaga gagawin to para sa kanya. NGAYON LANG!

"Shh don't say bad words. Maririnig ni baby yan." Napairap ako dahil sa sinabi niya.

But hearing him say 'baby', it sent a lot of electric volts in my veins.

If only you know, Calvin.

Hinihipan ko muna ang pagkain bago ko isubo sa kanya. Pagkatapos niya kumain ay pinainom ko na siya ng gamot niya.

"Wag ka muna humiga. Magpahinga ka muna." Bilin ko bago dahan-dahan tumayo para ilagay sa may sink ang pinagkainan niya.

Nadinig kong binuksan niya ang tv at nakinig ng music sa youtube.

80's, 90's and classics ang mga pinapakinggan niyang music. Ganyan din ang gusto kong pinapakinggan. Nagustuhan ko lang yan dahil sa iniidolo ko si Calvin noon.

Lahat yata ng gusto niya, gusto ko na rin. It's funny how things changed this quick. Noon, baliw na baliw ako sa kanya. Ngayon, siya ang ama ng baby ko.

Noon, pinapangarap ko lang siyang makita sa personal. Ngayon, nandito ako sa condo niya habang inaalagaan siya.

Nakakabaliw isipin.

"Are you okay?" Dinig kong tanong niya. Tumango ako saka tumabi sa kanya.

I want to hug him. I want to cuddle with him. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Probably because of the hormones.

"Nilalamig ako." Nilingon ko siya at nakabalot na siya ng comforter niya.

"Patayin ko na lang muna yung aircon." Tatayo na sana ako para patayin ang aircon nang pigilan niya ako.

"Dito ka na lang sa tabi ko." Naramdaman kong kumabog ng malakas ang dibdib ko.

"U-uhmm.."

"Please?" Napalunok ako sandali pero tumabi din naman ako. Nararamdaman ko ang init ng katawan niya na papalapit na ng papalapit sa katawan ko.

His warmth feels so good. Niyakap ko siya at sabay na kaming nahiga habang nakikinig kami ng RnB musics.

Gusto kong maluha nang tuluyan na niya akong yakapin. Geez, it feels soooo good.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa bisig niya. We'll sleep tight in your Daddy's arms, baby.

OoooOoooOooo

Nagising na lang ako na nasa bisig pa rin ni Calvin. Tinignan ko ang oras sa wristwatch ko at 5 o'clock na pala ng gabi. Nanlaki ang mga mata ko.

Geez! Ang tagal naming natutulog!

Napabangon ako bigla. Causing Calvin to wake up.

"Sorry, I woke you up." I gave him an apologetic smile.

"It's fine. Ang tagal pala nating nakatulog. I never slept this long before." Nakangiting sabi niya. Dinampi ko ang likuran ng palad ko sa noo at leeg niya at hindi na siya gaanong mainit tulad ng kanina.

"Mabuti pa maghilamos ka na para mapalitan mo na yang damit mo. Baka matuyuan ka ng pawis." Hinaplos ko ang likuran niya at pawis na pawis na siya.

Nginitian niya ako bago sumagot. "Yes, Mommy.." Hinalikan niya ako ng mabilisan sa pisngi na nakapagpatigil saakin.

Why did he do that? He called me Mommy tapos hinalikan pa niya ako sa pisngi.

This is not good.

This feeling is not good.

Maya-maya lang ay pababa na siya. Nandito pa rin ako kung saan niya ako iniwan kanina at nanonood ng kahit anong video sa youtube.

"Nagugutom ka ba?" Tanong niya saakin. Kaagad akong tumango. Actually may gusto akong kainin.

"Anong gusto mo?" Tanong niya.

"Gusto kong apple, watermelon, strawberries and fresh milk. Red apples ha?" Naglaway ako bigla dahil sa naiisip ko. Naiimagine ko kung gaano sila kapula at kasarap.

"Okay.. I'll be back." Nagsuot siya ng hoodie saka kinuha ang susi ng kotse niya.

Teka, may sakit pa siya tapos lalabas na siya kaagad?

"Wait, kaya mo na ba? Baka mabinat ka." Nag-aalalang sabi ko.

"Nope. Kaya ko to. Para sainyo ni baby. Wait for me here." Lumabas na siya ng tuluyan kaya hindi na niya nakita kung gaano kapula ang mukha ko ngayon.

Para saamin ni baby.

Ang sarap sa pakiramdam. Ganito pala yung pakiramdam sa tuwing nagke-crave ka tapos ibibili ka ng asawa mo sa kahit na anong gusto mo. Kahit nahihirapan siya, basta para sainyo ng anak niyo.

Nakakataba ng puso.

Kung ganito naman pala si Calvin, mapapadali lang saakin na sabihin sa kanyang anak niya ang dinadala ko.

And I hope when that day comes, he'll be the best father.

And sana walang mangyareng komplikasyon kapag dumating ang araw na malalaman niya na iyon.

------------------------- 💎 ------------------------
treasure everything you have.

he's my daddy?! // knDonde viven las historias. Descúbrelo ahora