Chapter 18: confrontation numero dos

6.6K 123 14
                                    

J U N E       1 2       2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

"Kayo na muna ang bahala dyan kay Uno ha? Busy kasi si Mom and Dad." Bilin ko kina Monique at Nico.

"You don't have anything to worry about, Amby girl. Kami ang bahala sa baby boy mo." Sabi naman saakin ni Nico. Lakinh pasasalamat ko talaga at hindi sila busy ngayon.

"Oo nga! O siya na baka hinihintay ka na ng lalake mo!" Tinawanan pa nila akong dalawa kaya napailing na lang ako.

"Goodluck!" Sabay nilang sabi bago ako makasakay ng kotse ko.

Ngayon na kami magkikita ni Calvin sa Ayjei's Kapehan. Nagtext siya saakin at sinabing nandoon na daw siya.

Actually, masyado siyang maagang dumating doon.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating ako sa cafe at kaagad ko naman siyang natanaw dahil sa lahat ng nandito ay siya lang ang nakasuot ng hoodie habang kaunting nakayuko.

Naupo ako sa harapan niya. Mukha naman siyang nagulat dahil sa biglaang pag-angat ng ulo niya.

"Amber."

"Calvin."

Nagkasabay pa kami sa pagbanggit ng pangalan ng isa't isa.

"Ano nga pala ang pag-uusapan natin?" Tanong niya saakin. Sakto namang may dumating na waiter at may sinerve na dalawang tasa ng kape.

"Ako na ang pumili ng kape mo, I hope you don't mind." Dagdag pa niya.

"I don't mind." Sagot ko naman saka sumimsim sa kape.

Cinnamon roll. It tastes like cinnamon roll and a little bit of creamy coffee. I like it.

"Masarap diba? This is my usual coffee." Nakangiting sabi niya saka binitawan ang tasa ng kape niya. Tinanguan ko lang siya bilang pagsangayon.

"About sa pagtawag ko sayo, I really need to talk to you about something." Pag-uumpisa ko nanaman. Kagabi ko pa iniisip kung paano ko ba sisimulan sabihin sa kanya ito.

"You're so serious, Amber. Kinakabahan ako." Natatawang sabi niya. Mukhang maging siya ay hindi masyadong ready sa maririnig niya. Ako din maman ay hindi ready sa kung anuman ang sasabihin ko sa kanya.

"This vacation is supposed to be short. Ang balak ko ay ten days lang kami ni Uno dito then babalik na kami ng New York." Binasa ko ang ibabang parte ng labi ko.

"New York? All this time nasa NY ka lang?" Nakakunot noong tanong niya saakin na parang hindi pa siya makapaniwala.

"Actually, no. Sa London talaga kami nagstay ni Uno. Nagkaroon lang ako ng project sa Manhattan." Sagot ko naman. Kahit papaano ay kailangan niyang malaman ang maliliit na detalye tungkol saamin ni Uno.

"Gustong-gusto ka lang talaga makilala ni Uno kaya pinagbigyan ko na siya." Ipinaikot-ikot ko ang hintuturo ko sa tuktok ng tasa ko.

"He was so happy when he saw me. Hindi pa yata siya nakapaniwalang nasa harapan niya ako. Kamukhang-kamukha ng reaksyon mo noong concert ko at nakita mo ako sa backstage." Natatawang sabi pa nito at tila ba nagbabalik tanaw talaga siya sa nakaraan.

Napainom ako bigla sa kape ko. Nanuyo yata ang lalamunan ko. Just thinking of that moment, parang napakaimmature ko pa noon. I was his number one fangirl.

"Well, you can say that." Sagot ko na lang saka bumuntong hininga nanaman.

Bigla ay nangibabaw ang katahimikan sa pagitan namin.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon