Chapter 41: alin ang masakit?

5.5K 81 17
                                    

A U G U S T       1 9       2 0 1 7

------------------------- 💎 -------------------------

Calvin's Point of View

Sa buong tanang ng buhay ko, ngayon lang ako kinabahan ng ganito. At sa tinagal-tagal ko ng nakatira dito sa bahay na 'to, ngayon ko lang nasabi na bakit ang lawak yata at hindi ako makarating sa kinaroroonan ni Amber. Para bang may humihila saakin palayo sa kanya.

Nakakatakot ang pakiramdam.

Bigla ako natigilan nang may maisip ako.

What if she's thinking of leaving me again?

Natigilan ako. Nasa tapat na ako ng pintuan ng kwarto ni Uno. Pintuan at dingding na lang ang pumapagitna saamin ni Amber.

May parte saakin na gusto ng pumasok at malaman mismo mula sa kanya ang magandang balita. Gusto ko siyang yakapin at halikan dahil sa tuwa ko. Gusto kong sabihin sa kanya na hinding-hindi ko sila pababayaan at mahal na mahal ko sila.

Kaso biglang binalot ng takot ang puso ko. Natakot ako bigla na baka pagpasok ko sa kwartong yan ay makita ko siyang umiiyak. Baka makita ko lang siya na wasak na wasak, at ako ang dahilan. Natatakot ako na baka kapag pumasok ako sa loob ng kwartong iyan ay mas lalo ko lang siyang masaktan sa presensya ko. Natakot ako dahil baka tuluyan na niya akong sukuan.

Ano ba ang dapat kong gawin? Papasok ba ako o mananatili na lang dito sa labas?

Bumuntong hininga ako saka dahan-dahang pinihit ang door knob ng pintuan.

Papasok ako. Kahit ano pa ang makita ko, kailangan ko ayusin ang pamilya namin. Kung sakali mang umiiyak siya, yayakapin ko siya hanggang sa tumahan na siya. Hahalikan ko siya hanggang sa maintindihan niyang mahal na mahal ko siya.

Bumungad kaagad saakin ang likuran niya. Nakatayo siya habang tinititigan ang picture frame naming tatlo nina Uno. Napakasaya namin sa litratong iyon. Nakangiti kaming tatlo.

Buhat ko si Uno habang yakap ko sa bewang si Amber.

Kahit sinong makakita ay masasabi nilang napakasaya ng pamilya namin. Kahit sino ang makakita nun ay napapangiti din dahil sa ngiti naming tatlo.

"Sa buong buhay ko, ang daming beses ko ginusto sumuko." Nagsalita siya habang nakatalikod pa rin saakin. Ramdam ko ang panginginig ng boses niya at pagpigil niya sa iyak niya.

"Kaso parati kong naiisip si Uno. Hindi ako pwedeng sumuko dahil kailangan ko alalahanin si Uno." Sabi nanaman niya. This time, sinarado ko na ang pintuan at tuluyang pumasok sa loob. Tumayo lang ako sa likuran niya habang pinapakinggan kung anuman ang gusto niyang sabihin.

"Nung nalaman ko na n-nakabuntis ka ng i-iba, gustong-gusto na kitang iwanan at murahin. Gusto kitang isumpa.." Kumawala ang hikbi sa bibig niya.

Kaagad ko siyang niyakap mula sa likuran. Hindi ko na rin napigilan ang pagpatak ng luha ko.

"Pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang gawin sayo yun, dahil mahal na mahal kita at ang pamilya natin." Tuluyan na siyang naiyak. Nag-iiyakan kaming dalawa habang yakap ko siya.

"Gusto ko ng sumuko.." Muntikan na siyang natumba. Mabuti na lang at napahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Please, don't.." Pagmamakaawa ko. Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya tsaka siniksik ang mukha ko sa leeg niya.

"Kahit gustong-gusto ko, Calvin, hindi ko pa rin gagawin. Mahal ko kayo ni Uno. Lalo na ngayon, madadagdagan ang dahilan ko para huwag kang sukuan." Sagot niya. Pinaharap ko siya saakin tsaka inalalayan paupo ng kama.

Pinahid ko ang luha sa pisngi niya. Walang tigil ang pag-agos ng mga ito kaya parang pinipiga ang puso ko. Mas masakit dahil ako ang dahilan ng pag-iyak niya.

Hindi na ba matatanggal saakin ang pagiging gago ko?

Parati ko na lang siyang pinapaiyak ng ganito.

"Mahal na mahal ko kayo, Amber. Huwag mo sanang isipin na pababayaan ko kayo ng mga anak natin because that will never happen. You need to trust me." Muli kong pinahid ang panibagong luha na tumulo mula sa mga mata niya.

"Do you trust me?" Tanong ko tsaka maingat na inangat ang ulo niya para matignan ko siya sa mga mata niyang namumula na.

"I trusted you so much, Calvin. Buo ang tiwala ko sayo. Kaso, bigla mong giniba yung kalahati. Kaya nag-aalangan ako kung gusto pa ba kitang pagkatiwalaan o hindi na." Napakurap ako at natahimik. Wala na yatang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na alam kung ano ang mas masakit. Yung bang malapit na nila akong iwanan, o baka dahil umiiyak siya ngayon, dahil ba sa nakikita ko kung gaano siya kawasak ngayon dahil saakin, o dahil hindi na niya ako pinagkakatiwalaan?

Alin ba ang masakit? Alin ba ang mas masakit?

"I will earn your whole trust again, I promise." Tinitigan niya ako sa mga mata tsaka umiling. Biglang bumagsak ang mga balikat ko.

"Don't make promises that you can't keep. And please, don't make me hold on to them if you don't have plans on doing them." Bigla akong nanghina dahil sa sinabi niya. Hindi na rin niya pinapaniwalaan ang mga sinasabi ko.

Alin ba ang mas masakit? Baka lahat.

Amber's Point of View

It is so hard to turn my back on him when all I want to do is be a prisoner in his arms.

Ang hirap dahil gustong-gusto kong sabihin sa kanyang mahal na mahal ko siya at panghahawakan ko ang pangako niya saakin. Pero gusto ko rin namang isipin ang sarili ko. Masyado na akong nasasaktan. Naaawa na ako sa sarili ko. Gusto ko muna unahin ang sarili ko ngayon.

Kailangan ko lang muna mapag-isa at isipin ang sarili ko. Kailangan ko ng oras para sa sarili ko. Kailangan ko alalahanin ang mga susunod na bukas.

Tatanggapin ko ang anak ni Calvin kay Genny. Pero hindi ko maipapangako kung mahaharap ko ito ng maayos. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang makita si Calvin na kasama yung bata.

Pero pinapangako ko, makakaya ko ring tanggapin na hindi na lang saamin si Calvin. May iba na din siyang priority. Kailangan din siya ng anak niya. Ayaw kong ipagdamot sa bata ang pagkakaroon ng ama.

Kahit na sobrang sakit, titiisin ko na lang dahil sa pagmamahal.

Pagmamahal na lang ang gagawin kong sandata laban sa lahat ng sakit at problema na pinagdadaanan ko ngayon.

------------------------- 💎 -------------------------
my heart is breaking.
yan na ba ang ending nila?
again, GIF above, not mine.
nag-eenjoy ako sa kanila
kaya pabayaan niyo ko.
------------------------- 💎 -------------------------
treasure everything you have.

he's my daddy?! // knWhere stories live. Discover now