Chapter 17: talk about dad

6.9K 110 15
                                    

J U N E       1 1       2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

Pagkakita ko kina Daddy na hawak si Uno ay kaagad ko hinawakan ang kamay ng anak ko saka mabilis na naglakad palabas ng lugar na iyon.

"Kennedy!" Dinig kong tawag saakin ni Daddy. Ayaw ko siyang lingunin. Dinala niya si Uno kay Calvin na hindi ko man nalalaman. Kung hindi pa sinabi saakin ni Monique na iisa lang si Jetblack at si Calvin, baka hanggang ngayon ay magkasama pa rin si Uno at ang Calvin na yun.

"Mommy, Lolo'ddy is calling you. Why are we walking so fast?" Napatigil naman ako nang tumigil aa paglalakad si Uno. Nandito na kami sa tapat ng sasakyan ko.

"Monique, ikaw na muna ang bahala kay Uno. I need to talk to my Dad." Inabot ko kay Oni ang kamay ni Uno.

"Uno, come with Tita Oni muna ha? Mommy and Lolo'ddy just need to talk." Bilin ko naman sa anak ko. Tinanguan lang naman niya ako.

Nilapitan ko si Daddy na nakakunot ang noo ngayon.

"Kennedy.." Sambit niya sa pangalan ko.

"Dad, bakit naman hindi mo man lang sinabi saakin na kay Calvin mo pala siya balak ipakilala?" Napabuntong hininga ako para maiwasang mapataas ang boses ko.

"Hindi ko binalak yun, Kennedy. Your son wanted to meet him. Can't you see na tadhana na mismo ang naglalapit sa kanila? Uno was eager to meet Jetblack, who's unfortunate for you, is his Dad." That hit me a bit. Tama naman si Daddy. Uno adores him so much.

"Hindi siya kailangan ni Uno, Dad." Pabuntong hiningang sagot ko saka kaunting napayuko.

"Nakakasigurado ka ba dyan? Everyone needs a father, Kennedy. You never felt that because your Mom and I did everything to work things out for you. Please, do the same thing for Uno." Naramdaman ko ang pagyakap niya saakin. At ang huling naramdaman ko ay ang paghalik niya sa noo ko.

"Mag-iingat kayo pauwi." Pagkatapos nun ay tinalikuran na niya ako.

Pinanood ko ang likuran niya na papalayo saakin.

Dad is always right. He is the best. Sinuportahan niya ako mula umpisa. Kahit na nalaman niyang nabuntis ako kay Uno noon, he still did his best to be the best Dad to me. Hanggang ngayon na malaki na si Uno, hindi niya kami pinapabayaan.

What should I do?

OoooOoooOooo

"Alam mo Amby, tama naman si Tito." Kumuha ng chitchirya si Nico mula sa bowl na nasa harapan niya.

Nandito kaming tatlo ngayon sa living room namin. Nakabalik na kami ng Manila at kahapon lang nakauwi si Nico dito mula sa Paris.

Dalawang araw na rin ang nakakalipas mula nang pumunta kami ng Pampanga.

"Oo nga. I agree din sa sinabi ni Tito Ken. Hindi man nasasabi sayo ni Uno ang tungkol sa Daddy niya, pero naiisip niya yun, Amber." Sabi naman ni Monique na kakatapos lang lunukin ang ininom niyang juice.

"Matalino nga yang si Uno at ramdam niyang ayaw mo pag-usapan ang tungkol sa Daddy niya. Pero, isipin mo rin ang kapakanan ng junak mo. Lalake yan, ateng, kailangan niya ang gabay ng ama niya." Sabi naman ni Nico saka pa ako marahang tinulak sa braso gamit ang hintuturo niya.

"Am I not enough for him?" Tanong ko saka yumuko. "Napalaki ko siya ng limang taon without his Dad. Kaya ko siyang buhayin kahit wala ang ama niya." Pinaglaruan ko ang mga daliri ko.

"Nandoon na tayo sa pagpapalaki mo sa kanya ng mag-isa, Amber. Pero iba pa rin kasi kung napalaki ang bata na magkasama ang mga magulang niya. May mga bagay na pwede niyang matutunan mula sa ama niya na hindi mo matuturo sa kanya." Hinawakan ni Monique ang isang kamay ko.

he's my daddy?! // knWhere stories live. Discover now