Chapter 31: maldives

6.1K 90 9
                                    

J U L Y       1 5     2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Calvin's Point of View

Nakatanaw lang ako kay Amber na kausap si Ira. Ngayon na kasi ang alis namin ni Amber at hanggang ngayon ay hindi kami makaalis dahil hindi na matapos-tapos ang bilin niya kay Ira.

"Nako bro, mukhang bukas pa matatapos yang bilinan nila." Natatawang sabi ni McCoy saakin. Ang asawa ni Ira {in real life duh}

"Ito kasi ang unang beses na malalayo si Amber kay Uno." Sagot ko naman saka nagpamulsa.

"Ira, yung meds niya nandoon na sa isang maliit na bag niya ha? Kapag may problema o kahit ano pa yan, tawagan mo ako kaagad ha?" Dinig ko nanamang bilin niya habang buhat pa rin si Uno.

"Don't worry 'bout a thing, Amber. Akong bahala dyan kay Uno. Mula fetus yan ay alam ko na bawat galaw niya." Parehong natawa si Amber at Ira.

"Amber, let's go na. Malelate na tayo sa flight natin." Pagtawag ko sa kanya. Tinapik ko muna sa balikat si McCoy bago nilapitan sina Amber.

"Hon, aalis muna kami ni Daddy ha? Are you sure you'll be fine here?" Baling naman niya sa anak namin.

"Yes, Mom. I'll be fine here. Tita Ira is here, Tito McCoy is here, and Austin is here. Don't worry, Mom." Sagot naman ni Uno saka yumakap kay Amber.

"Please be sure you'll be super fine." Sabi nanaman ni Amber. Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil paulit-ulut na lang ang bilin ni Amber sa kanila.

"I will, Mom. Bakit ba ang kulit niyo ni Daddy?" Tanong niya. Napakunot naman ang noo ko dahil nasali nanaman ang pangalan ko. Palihim ko na nga lang kinausap si McCoy kanina para hindi nila marinig tapos sasabihin pa niyang makulit ako?

"Sige na, gora na kayo!" Pagtataboy saamin ni Ira. Ibinaba na rin naman ni Amber si Uno saka yumuko para halikan siya.

"I love you, hon. Always leave a message to me, okay?" Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko naman masisisi si Amber kung ganyan siya ka-paranoid. Kung pwede nga lang isama si Uno ay hindi siya magdadalawang isip na isama siya.

"I love you, too, Mom. And yes, I will." Sagot naman ni Uno saka yumakap nanaman kay Amber.

Pagkatapos nila ay ako naman ang lumapit kay Uno saka naupo para magkapantay kami.

"Behave, okay?" Nginitian lang niya ako saka yumakap sa leeg ko.

"I am behave, Dad. You know that." Natatawang sabi niya saka kumalas sa yakap saakin.

"Take care of Mommy captain, okay?" Lahat kami ay natawa dahil sa ibinilin niya saakin. Jusko ang anak ko. Haha!

"Always." Sagot ko sa kanya saka ginulo ang buhok niya. "I love you, son. We'll see you next week." Hinalikan ko siya sa noo saka na tumayo.

"Kayo na bahala ha?" Tinanguan ako ni Ira at McCoy. Lumapit si Ira saakin saka humalik sa pisngi ko.

"Gusto ko kambal na pamangkin ha? Hoho!" Bulong niya at mukhang tuwang-tuwa pa siya sa naisip niya.

Tinapik naman ako sa balikat ni McCoy. "Ingat, bro." Tinanguan ko lang siya at ipinulupot na sa bewang ni Amber ang kamay ko.

Nang sa wakas ay natapos na sa mga bilin at paalam, sumakay na rin kami sa kotse na maghahatid saamin sa airport.

OoooOoooOooo

"Oh, Kapitan Jetblack, sino yang kasama mo?" Ibinulong lang niya ang tanong niya saakin.

he's my daddy?! // knWhere stories live. Discover now