Chapter 47: hopia

4.4K 70 3
                                    

S E P T E M B E R       0 9       2 0 1 7
may foot note ulit 👇
------------------------- 💎 -------------------------

Calvin's Point of View

Nandito na ako sa parking lot ng building ni Amber. Susunduin ko siya ngayon dahil may dinner date kami. Si Uno naman ay kasama na nina Mommy kaya masosolo ko muna si Amber ngayong gabi.

Tumunog ang cellphone ko kaya nilingon ko ito at tinignan kung sino ang nagtext.

From: misis captain
Saglit na lang itong ginagawa ko then lalabas na din ako. Okay ka pa ba dyan?

Ngumiti ako pagkatapos mabasa ang text niya.

To: misis captain
I am willing to wait for you, babe. Wag kang mag-alala saakin, kahit maghintay ako ng matagal dito, gwapo pa rin ako.

Napangisi naman ako. Kung nandito lang siya sa tabi ko ngayon, malamang ay nabatukan na ako sa kanya.

From: misis captain
Ulol!

To: misis captain
Aray ko babe!

From: misis captain
Ulol!

Aba't! Nag-eenjoy siya sa kaka-ulol niya saakin ha!

To: misis captain
Hoy, hindi ako ulol!

From: misis captain
At bakit ha? BAKIT? Kokontra ka?

Napalunok ako. Naiimagine ko kasi yung mga mata niyang nanlalaki na pati na rin ang mga butas ng ilong niya.

To: misis captain
Kulang kasi, babe. Gwapong ulol po. Gwapo.

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Kahit kailan talaga ay hindi ako mananalo kay Amber. Wala eh, siya ang boss ko.

From: misis captain
Tsk.

Hindi ko na lang siya nireplyan dahil baka mas lalong hindi na niya matapos kung anuman ang ginagawa niya kapag nakipagkulitan pa ako sa kanya.

Kanina ko pa gustong pumasok doon sa loob kaso naisip ko na baka busy pa siya kaya nagdesisyon akong manatili na lang dito sa labas.

Tumunog nanaman ang cellphone ko. This time, may tumatawag naman.

"Hello?"

"C-calvin.." Napakunot ang noo ko. Muli kong tinignan ang pangalan ng caller.

"Genny? Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya. Sa tono pa lang ng boses ko ay mahahalata na na ayaw ko siyang makausap ngayon.

"I'm in the hospital right now. Please, puntahan mo ako. I need you.." Sa boses pa lang niya ay halata na ang panghihina niya.

"Anong nangyare?" Tanong ko. May kaunting kaba akong naramdaman.

"P-please pumunta ka na lang dito." Napabuntong hininga ako tsaka ibinaba ang tawag.

Pero may date kami ni Amber ngayon.

From: Genny
Calvin, kailangan ka namin ng anak natin. Please.

"Tangina!" Binuhay ko ang makina ng sasakyan ko tsaka nagmaneho papunta sa ospital na sinabi ni Genny saakin.

Amber's Point of View

"Bukas na lang, Engineer! Enjoy kayo ni Jetblack sa date niyo!" Kumaway si Leo saakin bago kami nagkahiwalay ng daan. Magko-commute lang daw siya pauwi sa kanila.

Nilabas ko naman kaagad ang cellphone ko tsaka tinawagan si Calvin. Ayaw ko na sana maglakad pa papunta ng parking lot. Medyo nakakatakot kasi dahil madilim doon.

he's my daddy?! // knWhere stories live. Discover now