Chapter 16: confrontation

6.4K 120 21
                                    

J U N E       1 0       2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Calvin's Point of View

"CALVIN?!"

"MONIQUE?!"

Tinuro pa namin ang isa't isa. Gulat na gulat ang mukha niya samantalang nakakunot lang ang noo ko.

"A-anong ginagawa mo dito?" Nauutal pa niyang tanong saakin. Para bang kabado talaga siya dahil halata ito sa tono ng pananalita niya.

"Piloto ako dito. Ako ang may-ari ng Jetblack Airlines." Sagot ko sa kanya. Tila ba natauhan siya saka biglang napailing.

"Mauuna na ako. Sige, byeee!" Nagmamadali siyang umalis habang nakatalikod at kumakaway.

May gusto pa akong itanong sa kanya.

Amber's Point of View

Tinignan ko ang wristwatch ko para tignan kung ilang minuto ng late si Monique sa usapan namin.

Ngayon ang arrival niya and supposedly, nandito na siya kanina pa. 30 minutes na ang nakakalipas mula nang makalapag ang eroplanong sinasakyan niya at nakalabas na yata lahat ng pasahero nung eroplano ay wala pa siya.

"Mommy, nasaan na po si Tita Oni? Lolo'ddy might be looking for me. He promised me, he will introduce me to Jetblack." Tumungo naman ako kay Uno na nakasimangot na ngayon habang nagkakamot ng ulo.

"Hon, saglit na lang. Palabas na ang Tita Oni mo." Sagot ko sa kanya saka muling lumingon kung saan lumalabas ang mga pasahero.

"AMBER!" Hinanap ko ang boses na tumawag sa pangalan ko. At doon ko nakita si Monique na tumatakbo papalapit saakin.

"Ang tagal mong babae ka! Nainip na ang anak ko kakahintay namin sayo!" Panenermon ko sa kanya.

"Mamaya mo na ako sermunan, kailangan na nating umalis." Para bang hindi siya mapakali dahil lingon siya ng lingon sa pinanggalingan niya kanina.

"Ano bang nangyayare? May humahabol ba sayo?" Tanong ko sa kanya at nakitingin na rin sa likuran niya.

"A-ahh wala. Tara na?" Hinila niya ang kamay ko kaya hinawakan ko na rin ang kamay ni Uno.

"Mommy, we are not going home yet. I still have to meet Jetblack." Ngumuso nanaman si Uno.

Nagkatinginan kami saglit ni Monique. Kita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya. Tinitignan niya ako ngayon kung paano ako tignan ni Dad kanina.

"Kennedy! Uno!" Napalingon naman kaming tatlo nang marinig ang boses ni Daddy.

"Lolo'ddy!" Nagliwanag ang mukha ni Uno saka sinalubong ng yakap ang lolo niya.

"Are you ready to meet Jetblack?" Tanong sa kanya ng matanda. Sunod-sunod namang tumango si Uno.

"I've been waiting for this day to come, Lolo'ddy!" Masigla nanaman ang boses ng anak ko. Hindi nanaman mapigilan ang pagtaas ng boses dahil sa excitement.

"Great! Jetblack is also excited to meet you." Ginulo pa ni Daddy ang buhok ni Uno saka hinawakan sa kamay.

"Kennedy, ayaw mo bang sumama saamin?" Baling naman saakin ni Dad. "Monique, nandito ka na pala. Kamusta ang byahe?" Lumapit naman si Oni kay Dad saka nagmano. "Ayos naman po, Tito Ken." Nakangiting sagot ni Oni.

"Good. Ano, sasama ba kayo?" Tanong niyang muli saamin. Parang nakaramdam ako ng pag-aalangan. Gusto ko na yatang umuwi.

"We're good. Si Uno na lang ang isama mo, Dad. We will wait for you here." Sagot ko naman. Bumalik ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Daddy na labis ko talagang pinagtataka.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon