Chapter 22: normal days

6.3K 106 8
                                    

J U N E       2 0       2 0 1 7
change of ud sched, basta may
time po ako mag-ud go na tayo
ang cute kasi ni tristan hoho
------------------------- 💎 -------------------------

Calvin's Point of View

"Taena mo! Tatay ka na?" Binato ako ng unan sa mukha ni Yule. Ang kaibigan kong kunwaring mabait pero sa kaloob-looban ay tarantado din naman. Yule de Leon.

"Walang duda na anak mo nga iyon, tol. Xerox copy mo." Natatawang sabi naman ni Trey. Kaibigan din at secretary at the same time. Ayaw ko ng babaeng sekretarya. Hindi na ginagawa ang lahat ng inuutos ko. Tanging panlalandi na lang ang ginagawa kapag nandito sa office ko. Kaya ayan, tutal daw kailangan ng pagkakakitaan nitong si Trey Alonte, tinanggap na niya ang trabahong ito.

"Hindi ko talaga akalain, tol. Tignan mo nga naman na ang pinakababaero sa barkada, may anak na ngayon." Tinawanan nanaman nila akong dalawa.

"Sila ang pinakamagandang nangyare sa buhay ko mga tol. Wala akong pinagsisisihan sa nagawa kong kapusukan noon." Nagtawanan kaming tatlo. Kasama ko sila nang gabing birthday ni Andrea. Nakwento ko rin sa kanila ang naging pagkikita naminni Amber noon.

"Sayang lang talaga at hindi ko man lang nakilala si Uno." Nanghihinayang na sabi ni Yule. Si Trey kasi nakita na niya si Uno nang bumisita sila ni Amber dito sa opisina ko.

"Babalik pa naman sila dito, tol." Sagot ko naman.

Wala akong trabaho ngayon. May flight lang ako mamayang madaling araw papunta ng Madrid then makakabalik ako dito sa Pilipinas siguro after three days na. Syempre kailangan ko ring mamasyal muna doon bago bumalik dito sa Pinas.

Kaya nga ako binisita ng mga ugok kong kaibigan ay dahil may mga bilin nanaman saaking pasalubong.

"Wala ka pa bang balak magpakasal, tol? May anak na kayo. Wala ka pa bang plano?" Tanong saakin ni Trey saka uminom ng pineapple juice niya. Bawal kami mag-beer ngayon dahil nga may flight ako mamayang madaling araw.

"Syempre meron, tol. Yun nga lang, mukhang si Amber ang walang plano buuin ang pamilya namin." Sagot ko saka tumagay ng pineapple juice ko.

"Eh kasi tol gago ka. Totoo naman yung sinabi niya eh, ikaw ang umayaw. Kung tutuusin nga, dapat tinanggal na niya ang karapatan mo doon sa bata dahil tinanggihan mo umpisa pa lang. Buti hinayaan ka pa rin makilala ang anak mo." Sabi naman ni Yule saka tumagay ng pineapple juice niya.

"Gago ka din eh! Malay ko ba na iyong pinagbubuntis niya ay anak ko pala?" Sagot ko naman sa kanya.

"Bakit, kung nalaman mo ba na anak mo yun, aakuin mo ang responsibilidad bilang ama niya?" Tanong naman saakin ni Trey.

"Oo naman! Anak ko yun eh. Laman at dugo ko yun mga tol." Sagot ko saka inisang lagok ang pineapple juice ko sa baso.

"Talaga? Eh ang mga oras na yun, kasalukuyan kang nasa hot seat at kasikatan sa buhay artista mo." Sabi naman ni Yule saka muling nagsalin ng juice sa baso namin.

Napaisip naman ako dahil sa sinabi ni Yule.

"Baka nga hindi ko rin kaagad matatanggap na magkakaroon na ako ng anak. Pero kasi tol napakaimmature ko pa noon. Puro sarap at chillax lang ako sa buhay ko noon. Ngayon, I grew a lot. I'm a better person now. Lalo na nang malaman kong may anak na nga ako. Mas lalo kong gustong maging mabuting ama sa kanya." Sagot ko saka uminom nanaman ng pineapple juice ko.

"Pakiramdam ko, mabuti na rin na inilayo muna siya ni Amber sayo. Magulo kasi ang buhay mo noon eh. Dahil konting kibot mo lang, nakaheadline ka na sa mga dyaryo at laman ka na ng mga balita. Kung kaagad mong nalaman ang tungkol kay Uno, malamang ginulo na ang buhay niya ng mga tao at media." Napatango naman ako dahil sa sinabi ni Trey. Sang-ayon naman ako doon dahil ayaw ko rin naman madamay pa sina Amber at Uno sa kaguluhan ng buhay ko noon. Kung nagkataon, malamang binabatikos na rin sila. Nang mabalita nga na may kasama akong babae, which is si Amber iyon, aba para na silang lion na maaaring sumugod the moment na malaman nila kung sino ang babaeng kinakasama ko.

Nagpapasalamat din naman talaga ako kay Amber dahil kahit kalahating tarantado't gago ako noon ay hindi niya ipinagdamot saakin ang anak namin. Ipinagamit pa niya ang apelyido ko kay Uno.

"Pero mga tol, may na-realize ako ngayon habang nag-uusap tayo ngayon dito." Napatingin kami ni Yule kay Trey na kakatapos lang inubos ang juice sa baso niya.

"Ano yun?" Sabay pa naming tanong sa kanya habang nakakunot ang noo.

"Pilit kong hinihintay na sumipa ang espirito ng alak sa sistema ko dahil sa kakatagay natin, bigla kong naalala, pineapple juice lang pala itong iniinom natin. Letche!" Saglit nangibabaw ang katahimikan saamin bago kami humagalpak ng tawa.

Gago talaga itong si Trey.

Walang duda, magkakaibigan nga kaming tatlo.

Amber's Point of View

Kadarating lang namin ni Uno dito sa Manhattan. At hanggang ngayon ay masama pa rin ang pakiramdam niya.

Hindi ko na nga alam kung ano pa ang dapat gawin kaya sinabihan ko na lang siya na magpahinga na lang muna.

Pakiramdam ko kasi ay naninibago lang ang katawan niya dahil sa paiba-iba kami ng temperatura tapos jetlag pa.

Dapat talaga ay bawas-bawasan na namin ang paglabas-masok sa bansa. Magstay na muna kami dito sa Manhattan. Tutal naman ay dito lang ang project ko.

Hinayaan ko muna magpahinga si Uno. Ako naman ay nagpasyang ayusin muna ang mga gamit na dala namin para pagkain na lang namin ang gagawin ko mamaya.

Nakadami rin ako ng tasa ng kape sa eroplano kaya buhay na buhay pa ang dugo ko ngayon.

Nang matapos ako ay doon ko pa lang naramdaman ang pagod kaya dinaluhan ko na lang si Uno sa pagtulog niya.

Sa buong byahe namin kanina ay hindi naman talaga ako nakatulog dahil panay ang tingin ko kay Uno. Nag-aalala kasi ako dahil sa biglaan niyang pagkahilo.

Tapos uminom pa ako ng tatlong tasa ng kape, kaya lalo na akong hindi nakatulog.

OoooOoooOooo

"Yaya Susie, ikaw na ang bahala kay Uno ha? Kailangan ko na pumasok sa trabaho ko." Bilin ko sa yaya ni Uno. Galing siya ng Pilipinas at si Ira mismo ang nagpadala sa kanya dito. Kapatid daw si Susie ng yaya ni Austin kaya malaki ang tiwala namin sa kanya. Mabait naman saa siya kaya panatag na ako.

Isang linggo na rin mula nang makauwi kami ni Uno dito sa Manhattan at limang araw na nagtatrabaho si Susie bilang yaya ni Uno.

"Sige po, te. Ingat po kayo." Sagot naman niya saka sinamahan si Uno na ihatid ako hanggang pintuan.

"Bye, hon. Work work work muna si Mommy ha? I'll be back later. I love you, my Uno." Humalik ako sa pisngi niya saka inayos ang buhok niya.

"Bye, Mommy! Ingat po kayo. I love you, too." Sagot naman niya saka ngumiti saakin.

Sumakay na ako ng kotse ko at nagmaneho papunta ng office ko.

Bumuti din naman ang pakiramdam ni Uno. Dahil kung hindi pa talaga naging maayos ang pakiramdam niya nuon ay dadalhin ko na siya ng ospital. Ayaw na ayaw pa naman niya ang lugar na yun kaya todo tanggi din siya.

Ang dahilan pa niya ay baka nalungkot lang siya ng konti dahil iiwan namin ang Daddy niya sa Pilipinas.

Kahit na ipilit saakin ni Calvin na sumama dito sa Manhattan ay hindi ko pa rin siya papayagan. May sarili siyang buhay doon sa Pilipinas. Nandoon ang trabaho niya. Ang kumpanyang pinapatakbo niya, kaya bakit niya ititigil ang buhay niya doon para lang masamahan kami dito sa Manhattan diba?

Don't get me wrong, alam kong gusto talaga niyang makasama si Uno. Pero kasi namuhay kami ni Uno na kaming dalawa lang. Nakaya namin na kaming dalawa lang.

Siguro darating din ako sa punto na matatanggap kong hindi habangbuhay na dalawa lang kami ni Uno.

Ang sabi ko naman sa kanya ay welcome siya dito sa bahay namin anytime gusto niya. Tutal naman ay piloto siya at madalas siyang mapadpad dito sa New York. Hindi na niya kailangan bumili ng mahal na ticket para makapunta lang dito. And besides, siya ang may-ari ng airline na iyon.

"Welcome back, Engr. Jimenez!" Salubong saakin ng mga kaopisina ko. Nginitian ko naman sila saka nagpasalamat.

At balik trabaho nanaman ako. Kapag ganito na ang sitwasyon, parang gusto ko na lang matapos lahat ng trabaho ko para makasama na lang ang anak ko.

------------------------- 💎 -------------------------
treasure everything you have.

he's my daddy?! // knDonde viven las historias. Descúbrelo ahora