Chapter 52: argue

4.5K 77 1
                                    

S E P T E M B E R       3 0        2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

"I want that bad boy, Daaaad!" Kanina pa kinukulit ni Uno si Calvin na bilhin yung napakalaking eroplano na nakita niya dun sa isang tindahan dito sa mall.

"Ayaw nga ni Mommy." Sagot naman ni Calvin sa kanya. Pareho silang lumingon saakin na may nagmamakaawang mata na kaagad ko rin namang inilingan.

"I told you, wag kayong puro gastos. Matuto kayong magtipid. Magtutos din tayo tungkol sa bagay na yan." Panenermon ko sa kanila. Paano naman kasi napakarami na nilang laruan sa bahay. Pakiramdam ko nga ay kapag nacompute lahat ng ginastos sa pambili lang ng mga collections nila sa bahay, feeling ko makakabili ka na ng isa pang bahay at lupa.

Ayaw ko rin naman kasing nasasanay si Uno sa gastos ng gastos at bili ng bili ng kahit na ano. Masyado siyang naspoiled kina Mommy at Daddy. Tapos lalo naman nang makilala na niya si Calvin. Lahat ng gusto niya ibinibigay.

"Babe, bakit hindi mo pa kasi pagbigyan si Uno na bilhin ko yung eroplanong gusto niya?" Nilingon ko si Calvin. Nandito kami ngayon sa kainan at hinihintay ang pagkain namin.

Si Uno, nakasubsob ang mukha sa may lamesa at mukhang nagtatampo pa saakin.

"Calvin, alam ko na kaya mong bilhin lahat para sa kanya. You can even buy him the whole store. Pero ayaw ko. Kailangan matutunan din niya na hindi lahat ng bagay kailangan nakukuha niya. Ayaw ko siyang ispoiled but then here you are, doing exactly what I was avoiding." Inirapan ko siya. Mukha namang hindi din niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Amber, kaya nga ako nagtatrabaho para maibigay lahat ng gusto niyo. Tapos iyon lang ipagkakait mo pa sa anak natin?" Nakakunot na ang noo niya at alam kong naiinis na rin siya.

"Hindi ko naman sinabing huwag mo ibigay lahat. Ang sabi ko, huwag mo sanayin na kaagad nakukuha ang lahat. I want him to learn na pinaghihirapan ang mga bagay na gustong makuha." Sagot ko sa pinakakalmado pero madiin na paraan.

"Kung hindi mo maintindihan yun, then fine, ibili mo sa kanya ang gusto niya. Bahala ka na tutal mukhang alam mo naman kung ano ang ginagawa mo." Sa sobrang inis ko ay tumayo ako tsaka sila iniwan doon.

"Amber, come back here!" Dinig ko pang pagtawag saakin ni Calvin pero hindi ako lumingon.

Dahil sa laruang eroplano, nagtatalo kami. Hindi ko kasi gusto ang nakakasanayan ni Uno na kapag hindi niya nakuha ang gusto niya ay siya pa ang nagagalit at nagtatampo. When I was a kid like him, hindi ako spoiled brat ng ganun. To think na only child pa ako ha. Dahil alam ko balang araw hindi lahat makukuha ni Uno. Hindi lahat nabibili ng pera. And I want him to know that as early as now.

Kaninang umaga pa itong inis ko. Bago pa kami umalis ng hotel.

Ewan ko ba pero nakita ko lang naman si Calvin na kausap si Genny sa phone paggising ko. At mukhang kinukumbinsi ng huli si Calvin na bumalik na ng Manila. Parang kumulo bigla ang dugo ko.

Ang akala ko pa naman ay hindi nga niya pinapansin si Genny. Ngayon pala patago niyang kinakausap sa phone.

Naiinis ako! Tangina!

Bumalik ako saglit sa hotel namin at doon na lang nagstay. Sigurado naman akong babalik din dito yung dalawa dahil wala na ako doon.

Bukas na rin kasi ang balik namin sa Manila kaya kahit naiinis ako kaninang umaga ay pumayag akong mamasyal pa rin ngayon. Tapos ganito pa ang kinahantungan ng pasyal namin.

Inilabas ko na ang maleta na dala namin tsaka nagumpisang mag-ayos ng gamit.

OoooOoooOooo

Nandito na kami ulit sa Manila. Balik nanaman kami sa normal na buhay kung saan kailangan kong isipin na kalahati nanaman ng oras ni Calvin ang saamin.

Balik nanaman si Uno sa pag-undergo niya ng blood transfusions and check ups. At balik nanaman ako sa realidad na hindi parating masaya ang buhay.

Mula nang makabalik kami dito sa Manila ay hindi pa kami nag-uusap ni Calvin. Mukhang wala din naman siyang balak suyuin ako. Naiintindihan ko naman na hindi sa lahat ng oras ay kailangan siya ang lumalapit saakin at sumusuyo. Pero kailangan intindihin muna niya na mali siya at ako ang tama.

Hindi naman siya nakinig saakin at binili pa rin ang laruang gusto ni Uno. Hinayaan ko na pero wag niyang aasahan na kaagad ko siyang kakausapin.

"The dinner is ready." Walang ganang sabi ko. Nanonood ng tv si Uno habang nakatutok si Calvin sa laptop niya.

"Hindi ako kakain." Sagot naman ni Calvin. Tumayo naman si Uno tsaka nagpunta ng kusina. Kaagad ko rin naman siyang sinundan.

Sinabayan ko siyang kumain kahit na wala talaga akong gana. Kailangan ko lang talaga kumain ngayon para kay baby.

Pagkatapos kumain ay pinaakyat ko na si Uno sa kwarto niya para magprepare na sa pagtulog habang nililigpit ko ang pinagkainan.

Busy pa rin si Calvin sa harapan ng laptop niya nang umakyat ako sa kwarto ni Uno.

At inabutan ko siyang umiiyak.

Parang nanlambot ang buong katawan ko nang makita ko siyang nakayuko habang pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay niya. Dinig na dinig ko ang maliliit niyang hikbi.

"I'm sorry, Mommy.." Inangat niya ang mukha niya at punong-puno na ito ng luha. Kaagad akong lumapit sa kanya at nilapitan siya.

"Shh.. It's okay, baby. Mommy is not mad." Pagpapatahan ko sa kanya pero patuloy pa rin ang pag-iyak niya.

"Dapat hindi ko na kayo kinulit ni Daddy na bilhin yung airplane. Edi sana hindi kayo nag-aaway ngayon." Umiiyak pa rin niyang sabi. Inihiwalay ko naman siya saakin tsaka hinalikan sa noo.

"Your Daddy and I will be fine, Uno. Normal lang ang kaunting misunderstanding sa mag-asawa. Stop crying na.." Tinanguan naman niya ako tsaka niyakap.

"I'm really sorry, Mommy. I got your point why you don't want Dad to buy that plane for me. You are right. I can't have everything that I want that easily. I promise next time, hindi ko na po uulitin yun." Pinunasan ko ang luha na patuloy na umaagos sa pisngi niya tsaka siya nginitian.

"I only want the best for you, anak. Pero kailangan natututo ka rin about life ha?" Tinanguan nanaman niya ako tsaka niyakap.

"Tahan na." Hinaplos ko ang likuran niya tsaka dinaluhan sa higaan. Tumigil na siya sa pag-iyak niya pero dinig ko pa rin ang maliliit niyang paghikbi.

Nagsimula akong mag-hum ng kanta para makatulog na siya habang sinusuklayan ko ang buhok niya.

"Hmmm-hm-hm.." Pansin kong nakatulog na siya kaya hinalikan ko na siya sa noo tsaka dahan-dahang bumangon para makatulog na rin.

Pagdating ko sa kwarto namin ni Calvin, wala pa siya doon. Baka busy pa sa ginagawa niya sa laptop niya. Naghahabol din kasi sa mga trabahong iniwan niya dahil sa bakasyon namin.

"Ugh!" Bumuntong hininga ako tsaka tinitigan ang kisame. Hindi ako makatulog hanggat wala siya sa tabi ko.

Ala-una na ng umaga pero wala pa rin siya. Pinilit ko na lang ang sarili ko na matulog kahit wala siya. Hindi naman ako ganito noon. Nakakatulog ako kahit wala siya. Nakakainis lang isipin dahil sa tuwing mag-aaway kami ay doon pa ako susumpungin ng pagkaclingy ko sa kanya.

------------------------- 💎 -------------------------
treasure everything you have.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon