Chapter 7: Tinamaan? Ako?

7K 119 27
                                    

J U N E       0 1       2 0 1 7
----------------------- 💎 ------------------------

Amber's Point Of View

Maaga akong nagising dahil maaga akong papasok sa office. Bumaba na ako para makapagbreakfast.

"Good morning!" Bati ko sa dalawang kaibigan ko na kakatapos lang magluto ng pagkain.

"Feeling good, Amber?" Nico asked me. I nodded while smiling.

"Ewan ko lang kung ma-feel good ka pa dito." Nilapag niya sa lamesa yung dyaryong binabasa niya kanina. Kumunit ang noo ko kay Monique. Kailan pa siya nahilig magbasa ng dyaryo?

"Anong meron dyan?" Tanong ko. Bigla akong binisita ng kaba.

"Check it out." Unti-unti kong inangat ang dyaryong nakalapag sa harapan ko.

I saw Calvin hugging a girl. Maliwanag na maliwanag ang mukha ni Calvin while nakatalikod yung babae.

At alam kong ako ang babaeng yun. Kinabahan ako dahil sa mga maaaring mangyare.

Bigla namang nagring ang cellphone ko kaya kaagad kong sinagot. Hindi ko man lang alam kung sino ang tumatawag.

"Hello?" Nakarinig ako ng buntong hininga. Ramdam ko nanaman ang mabilis na tibok ng puso ko.

"Amber?" Natahimik ako sandali. Sa dating ng boses niya, mukhang nag-aalala siya.

Dahil ba sa news na may kasama siyang ibang babae? Nag-aalala ba siya na baka masira ang career niya dahil doon.

"Kung ang tinawag mo ay tungkol sa balita ngayong umaga, I'm sorry...hindi ko alam kung paano nangyare yun. Don't worry, hindi na mauulit." Tuloy-tuloy kong sabi sa kanya.

"Amber, that's not what I meant. I'm worried about you..." Napatitig ako sa mga kaibigan ko na mukhang kating-kati na rin malaman ang pinag-uusapan namin.

"Why? You're supposed to worry about your career. Issue nanaman yan para sayo." Nagtatakang tanong ko sa kanya. Bigla nanamang natahimik sa kabilang linya. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

"Basta mag-iingat ka parati. Wag mong aaminin ang totoo. I'll take care of this. I'll take care of y-you.." Mukhang nahiya pa dahil sa sinabi niya.

Akalain mong may hiya pa pala to sa buto? Samantalang nung inaya ako makipag-one night stand sa kanya ay halos maubos na lahat ng banat niya galing sa google. Tch!

"Bahala ka.." Yan na lang ang kaya kong sabihin sa kanya dahil nakakatameme naman talaga ang huli niyang sinabi.

"I need to go. May kailangan pa akong asikasuhin." I nodded my head kahit alam kong hindi niya nakikita.

Ibinaba na niya ang tawag. Dahan-dahan ko namang inilapag sa lamesa ang cellphone ko at napahilot ng sentido ko. Ang agang stress nito. Actually bawal saakin to. Ugh!

Pero dahil sa trabaho at dahil sa ama ng anak ko, hindi pwedemg walang stress sa buhay ko.

"What did he say?" Monique asked me. Inilapag naman niya ang ginawa niyang sandwich para saakin.

"He said he'll take care of it. H-he'll take care of m-me." Napayuko ako sa huling sinabi ko. Hindi ako bobo para hindi ko maintindihan ang sinabi niya na aalagaan din niya ako.

"That's great. At least kahit sa ganitong paraan lang ang mapanindigan niya kayo ng dearest inaanak namin." Sabi ni Nico at inilapag ang gatas na tinimpla niya para saakin.

Hindi na ako nakapagsalita.

"Kumain ka na muna. Wag mo na gaanong alalahanin yun. Owki?" Nginitian ko sila ng konti chaka na kumain ng hinain nila para saakin.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon