Chapter 40: pregnant

5.7K 93 10
                                    

A U G U S T       1 8        2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Calvin's Point of View

"BRO?!" Napalingon ako kay Yule, McCoy, at Trey. Inaya ko sila dito sa bar ngayon dahil gusto ko makalimot sa mga problema ko kahit saglit lang. Kaninang umaga, hindi ko inabutan si Amber.

Nung hindi ko siya makita kanina nang magising ako, bigla akong ginapang ng takot. Akala ko iniwan nanaman niya ako. Akala ko umalis siya ulit.

"Nung nangyare saakin yan, muntik na akong iwan ni Ira." Uminom si McCoy sa bote ng beer niya.

"Nangyare na sayo to, bro?" Tanong ko sa kanya saka tinungkod ang mga siko ko sa tuhod ko.

"Oo. Kakapanganak lang ni Austin nun. Tinago namin sainyo ang naging problema namin dahil ayaw naming lumala. Kaso, nawalan ako ng oras sa kanila. Aminado naman ako dun, bro. Gago ako eh. Kaya ayun, muntikan na akong hiwalayan ni Ira. Buti na lang kaagad kong nalaman na hindi naman pala ako yung ama nung bata na pinagbubuntis nung babaeng accidentally ko lang nadala sa kama." Napapailing na lang ako habang sinuntok naman siya nina Yule sa braso ng pabiro.

"Kaya ikaw bro, manalangin ka na. Sigurado ka bang ikaw ang ama?" Tanong saakin ni Trey.

"Oo. Sakto kasi yung buwan ng bata sa sinapupunan niya nung buwan na may nangyare saamin." Sagot ko saka inisang-lagok ang alak na natitira sa bote.

"Ilang buwan na ba?" Tanong ni Yule saakin. Muli akong nagbukas ng isa pang bote ng beer.

"Seven months." Sagot ko.

"Gago ka! Ilang buwan na nang bumalik dito sa Pilipinas sina Amber. Nagawa mo pa yun?" Tanong saakin ni McCoy.

"Gago ka ba? Ikaw nga ni hindi ka naman nahiwalay sa kapatid ko nagawa mo pa rin yun." Sagot ko sa kanya.

"Kung makapagsalita akala mo ang linis mo eh no!" Tinawanan pa siya ni Trey saka inihilamos sa mukha niya ang kamay nito.

"Kaya nga pinagsisisihan ko na diba? Hindi ko na magagawa ulit yun. Takot ko na lang sa asawa ko." Napapailing niyanh sabi saka ngumisi.

Saglit akong tumahimik habang umiinom ng beer ko. Tumayo naman yung tatlo para pumunta dun sa may bar dahil may gusto daw silang ibang inumin.

Ilang saglit pa akong natulala nang biglang tumunog ang cellphone ko.

From: baby sis
Nasaan ka? Mag-usap tayo.

Napakunot ang noo ko. Parang alam ko na kung ano to.

To: baby sis
Puntahan na lang kita sa bahay niyo. Kasama ko naman asawa mo.

From: baby sis
Bilisan niyo ayaw ko ng naghihintay ng matagal.

To: baby sis
Oo na.

Tumayo na ako at nag-iwan ng pera sa mesa namin. Nilapitan ko naman yung tatlo na mukhang nagsasaya pa.

"Pinapauwi na tayo ni Ira." Bulong ko kay McCoy. Kaagad naman niyang inubos ang iniinom niya tsaka tumayo.

"Tara na?" Tinanguan ko lang siya saka bumaling sa dalawa.

"Una na kayo? Magsasaya muna kami dito." Tinanguan ko silang dalawa saka tinapik sa balikat.

Lumabas na rin kami ni McCoy sa lugar na yun at dumiretso sa bahay nila.

OoooOoooOooo

"She went to my clinic, CRYING!" Nakaupo lang ako habang nakayuko at pinapakinggan ang sermon saakin ni Ira. Naiirita na nga ako sa lakas ng boses niya pero nagtitimpi na lang ako dahil gusto kong malaman kung anong napag-usapan nila ni Amber.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon