Chapter 43: name

5.5K 88 15
                                    

A U G U S T      2 8       2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

Kaagad akong naalarma dahil sa naisip ko. Nagsawa na siya saakin? Nagsawa na ba siya dahil hindi ko siya kinakausap? Nagsawa na ba siya dahil hindi ko man lang siya magawang lambingin?

Napatayo ako dahil sa mga naiisip ko at kaagad nagtungo sa kusina. Naabutan ko siyang nakatitig sa kumukulong tubig kung saan nakasalang ang noodles. Nakatitig lang ako sa likod niya at napapansin kong madalas ang pagbuntong hininga niya.

"Babe." Sambit ko tsaka ngumuso. Kaagad naman siyang lumingon saakin ng nakangiti. Pero halata namang pinipilit lang niya.

"Gutom na ba kayo ni baby? Saglit na la--"

"Nagsasawa ka na ba saakin?" Pagputol ko sa sinasabi niya. Nakita ko namang biglang lumambot ang ekspresyon niya tsaka lumapit saakin.

"Bakit mo naman natanong yan?" Tanong niya saakin tsaka hinaplos ang magkabila kong pisngi gamit ang mga hinlalaki niya.

"Kasi masyado na akong nag-iinarte." Sagot ko tsaka marahang napayuko. Inangat naman niya ang ulo ko tsaka tinitigan ako sa mata.

"Hinding-hindi mangyayare yun. Ikaw nga hindi nagsawa sa kagaguhan at kagwapuhan ko mula umpisa. Kaya pangako ko sayong hinding-hindi kita pagsasawaan. Kahit na sobrang kulit mo na at parang mas bata ka pa kay Uno kung mag-inarte. Hinding-hindi kita pagsasawaan." Nakangiting sagot niya saakin tsaka ako hinalikan sa tungki ng ilong ko.

"Kahit na masyado akong moody at emotional?" Tanong ko sa kanya tsaka ngumuso.

"Kahit masyado kang moody at emotional." Sagot niya tsaka ako hinalikan sa labi ko. Nagtagal iyon ng ilang segundo bago siya lumayo dahil narinig na namin na umaapaw na yung tubig dun sa pinapakuluan niyang noodles.

"Teka lang, Babe, tatanggalin ko lang yun at ireready ko na ang pagkain mo." Nginitian ko siya at hinayaan na gawin ang dapat niyang gawin.

Hindi ko na maipaliwanag itong nangyayare saakin. Kailan lang nung ayaw na ayaw ko siyang makita. Tapos ngayon naman nagpapalambing na ako sa kanya. Gusto ko na lang isipin na dahil ito sa pagbubuntis ko.

At gaya nga ng sinabi ko, kahit gaano niya ako nasaktan, mahal na mahal ko pa rin siya. Hindi ko magawang magalit sa kanya ng sobra. Lalo na pinapatunayan niya na mahal na mahal din niya kami. Tinutupad niya ang pangako niya na hindi niya kami pababayaan kaya kahit busy siya sa opisina ay nakakamusta pa rin niya ako sa bahay.

"Ready na ang tuna spaghetti mo, Mommy Captain." Nginitian ko siya tsaka lumapit sa may counter bar. Naupo ako sa isang stool at ganun din naman ang ginawa niya.

"I missed you." Napaangat ang tingin ko sa kanya. Nakangiti siya saakin habang pinagmamasdan niya ako.

"I missed you, too." Nginitian ko rin siya. Pagkatapos nun ay sabay kaming natawa at nag-umpisa na sa pagkain namin.

Tama nga ang sinabi nila. There would be a lot of challenges, problems, or kung anu-ano pa ang posible niyong pagdaanan bilang mag-asawa. Marami ang hahadlang at marami ang magiging pagkakataon na gusto mo na lang sumuko.

But just by thinking of how we both fell in love, nakakaya naming magkaayos at bumalik sa dating paglalambingan.

If everything seems so hard and tearing apart, always remember why you married your partner. How much you love him or her. At lahat ng pinagdadaanan niyo ay malalampasan niyo rin.

OoooOoooOooo

"Mommy!" Pumasok si Uno. Nakahiga kami ni Calvin dito sa may couch habang nanonood ng tv. Nasa likuran ko siya habang yakap niya ako ng mahigpit.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon