Assessment 1

113K 3.3K 350
                                    


Tumakbo nako pabalik sa classroom buti nalang at nalate si Mr. Chardson kaya hindi pa ko macoconsider na late. Pagkatapos ng klase niya ay pumunta na kami ng cafeteria para maglunch, kasabay ko sila Ashley, Kayle, Nikki, Ella, Presto na minsan ay napagkakamalang bakla dahil puro babae ang parating kasama niya. Namumukod tangi talaga syang lalaki samin at dahil namumukod tangi syang lalaki ay sya na ang kumuha ng pagkain namin. xD Kasama si Ella at Nikki.

Pagkaupo na pagkaupo ko palang ay siniko nako ni Ashley. "Nasagap ng radar ko kanina na pumunta daw si Ley sa Classroom." sabi niya.

"Oh tapos?" tanong ko.

"Gaga. Ikaw lang diba ang nandon? At sabi pa nila, may babae daw silang nakitang kausap ni Ley kaso hindi nila nakita ang mukha kasi natakpan ni Ley yung babae. Ikaw yun no?" sabi niya pa. Hindi ko naman sya sinagot. "Sabihin mo nga sakin, kilala mo ba si Ley ha?" tanong niya.

"Hindi. Bakit?" sagot ko. Dahil si RAVE ang kilala ko. :D

"Eh anong ginagawa niya don? Asper ha. Baka niloloko mo lang ako. Baka kilala mo sya, hindi mo lang sinasabi. Sabihin mo na dali, secret lang natin. Diba Kayle?"

"Ah? Ah oo, Oo. Secret lang natin, Teka Ang alin?" naguguluhang sabi ni Kayle.

"Pfffft." pagpipigil ko ng tawa.

"Hindi ka nakikinig. Hahaha." natatawang sabi ni Ashley.

"Tss." sabi nalang ni Kayle.

"Eto na pagkain niyo mga prinsesa!" sabi ni Presto at inilagay na sa harap namin ang mga pagkain.

"Uy, salamat Krema." nakangiti naming sabi. Dumating naman kasunod niya sila Ella and Nikki na may bitbit na drinks.

Masaya kaming nag-uusap habang kumakain. Tinatawanan ang mga biro ng bawat isa, kahit na sabihin na nating CORNY. Eh yun talaga eh, kung ano pa yung corny yun pa yung nakakatawa.

Nang makababa na ang kinain namin ay napagdesisyunan na naming lumabas ng cafeteria para harapin na nanaman ang panibago kong problema--Ang Assessment.

"Asper. Sa Field na tayo." Pag-aaya ni Nikki. "Excited nakong makita ang mga ability niyo! Hahaha." sabi niya pa at umuna na sa paglalakad. Sumunod naman sa kanya si Ella.

Oh no.

Assessment na. Ito na talaga. As in!

"Pano yan Asper? Wala ng urungan to." bulong sakin ni Ashley.

"Mukha nga." sabi ko.

"Gagawa na ba kami ng excuse?" bulong din ni Kayle.

"Anong excuse ba ang gagana?" tanong ko.

"Mahimatay ka na. Now na." sabi ni Ashley.

"Sa tingin niyo gagana yun?" sabi ko.

"Atleast madedelay." bulong naman ni Kayle.

"S-sge sige. Saluhin niyo ko ah?" alanganing sabi ko.

"Pero sa tingin niyo may maniniwala nyan?" napalingon kaming tatlo sa boses na sumingit sa bulungan namin.

"Oh K-krema." sabi ni Ashley na pawang nagulat pero agad namang nakabawi. "Bakit ka nakikinig sa usapang pambabae?!" sabi niya pa. Ngunot noo namang tumingin si Kayle kay Krema.

"Hindi ko man narinig ang buong usapan niyo pero alam ko kung saan tungkol yun." sabi niya at tumingin sakin. Napalunok naman ako. Oo nga pala, nakalimutan kong nasabi ko na pala kay Krema ang tungkol sa bagay na yun.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon