Chapter 35: Gawa Ng Girlfriend

938 24 1
                                    

Halos hindi ako nakatulog kagabi. Kung makakatulog man ako, agad rin akong magigising. Paputol-putol ang tulog ko, kung baga.

Kusa na ngang tumutulo ang mga luha ko eh. Hindi ko mapigilan. Ayoko namang pumunta at umiyak na naman kay Bonnie dahil sesermunan lang ako. Kapag naman kay Scotty, hindi ba't parang hindi tama yun?

Umupo ako sa kama ko. Tinuon ang dalawang siko sa dalawang hita. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ng dalawang kamay ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Unti-unti nang nagbabago si Chance pati ang pakikitungo niya sakin. Hindi naman kami ganito dati eh.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Scotty.

Nahuhuli kasi kami sa paglalakad habang sila Nelson, Felix, Damian, Bea, Cyril, Tyler, Bonnie at Chance ay nauuna.

Well, si Chance parang pumagitna samin at dun kina Bonnie.

"O-okay lang ako." Walang gana kong sabi.

"Minsan, galingan mong magsinungaling, Fate." Sabi niya.

Hindi na lang ako sumagot. Hanggang sa makarating kami sa isang restaurant na malapit sa hotel na tinutuluyan namin, hindi ako nagsalita. Nagtataka nga ako kung bakit lahat ng mga taong dumadaan o mapapadaan samin ay nakatingin samin. Ay! Oo nga pala, lagi kong nakakalimutan na isang model ang kasama ko.

Nagkwetuhan lang kaming grupo. Minsan na-o-op ako sa mga topic nila pero yung iba naman ay naiintindihan ko. Napagplanuhan na din namin ang mga activities namin sa limang araw na stay namin dito sa Isla Sabelino.

"Fate, napapansin kong matamlay ka ngayong araw, bakit?" Tanong ni Bonnie nung pumasok kami sa banyo.

Sasabihin ko ba kay Bonnie o hindi?

"Bonnie," Tawag ko. "Mmm?"

"Nakausap ko si Chance kagabi." At kinagat ang labi ko.

Lumapit siya sakin. "Anong sabi?"

"Bakit daw hindi ko sinusuot yung bigay niyang kwintas samantalang yung bigay ni Scotty ay sinusuot ko." Pagkukuwento ko.

"Fate, hindi kaya may gusto na sayo si Chance?" Napatigil ako sa paghuhugas ko ng kamay.

Si. Chance. May. Gusto. Sakin?

"Imposible!" Untag ko at winisik sa lababo ang mga kamay ko.

"Everything is possible, Fate... Malay mo ito na yung hinihintay mo..." Sabi ni Bonnie. "Lika na, baka tayo na lang yung hinihintay nila." At hinatak na ako ni Bonnie.

Pagkatapos nun ay naging tuliro na naman ako. Naglalaro ang mga boys ng volleyball habang kaming mga babae ay pinapanood sila.

Isang lalaki lang naman ang pinapanood ko sa mga naglalaro eh. Si Chance.

Paano nga kung tama yung mga sinasabi ni Bonnie? Paano nga kaya kung mahal na ako ni Chance?

"Scotty!" Narinig kong sigaw ni Bonnie. Napatingin naman ako kay Scotty na nasa buhanginan at nakahiga.

Agad akong lumapit sa kanya at hiniga siya sa lap ko. "Anong nangyari?" Tanong ko.

"Natamaan ko ng bola..." Napaangat ang ulo ko sa nagsalita. Si Chance.

"Felix, humingi ka ng yelo sa hotel tapos ibalot mo sa isang damit..." Sabi ko. Agad namang tumakbo si Felix sa hotel. Mabuti na lang talaga at malapit yung pinaglalaruan nila ng volleyball sa hotel.

"Chance naman kasi, bakit mo pinatama sa mukha ni Scotty?" Tanong ni Cyril.

"Kasalanan ko bang ginamit niya ang mukha niyang pantira sa bola?" Sabi ni Chance.

Mabuti na lang walang pasang natamo si Scotty dahil kung mayroon, maaapektuhan ang model career niya.

Nandito ako sa kwarto niya. Sabi kasi nila, ako na lang daw ang magbantay habang sila ay ipagpapatuloy ang naudlot na laro.

Pumunta ako sa kwarto ko muna para magpalit ng damit. Pagbalik ko sa kwarto niya ay nadatnan ko siyang gising na. Nung iniwan ko kasi siya ay natutulog pa.

"Salamat, Fate, huh?" Untag niya nung umupo ako sa tabi niya.

"Wala yun." Sabi ko. "May gusto ka bang kainin? Teka... Tatawagan ko lang yung room service." Sabay kuha sa telepono na nasa bedside table niya kaso pinigilang niya ito. Binaba niya ang telepono nang hindi binibitawan ang kamay ko.

"Okay lang ako, Fate." Sabi niya. Bahagya ko namang inalis ang kamay niya na nakapatong sa kamay ko. Naiilang ako.

Umayos siya ng upo. Nakasandal na siya ngayon sa headboard ng kama. Hinuli niya ang tingin ko at hinawakan ang leeg ko.

Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sakin. Umaatras ako ng hindi niya alam. Ayoko. Ayokong magpahalik kay Scotty dahil hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya. Sa totoo nga lang ay wala pa akong nararamdaman sa kanya.

"Scotty, pumasok na kami, huh, bukas kasi ng kaunti yung pi...nto..." Dumilat si Scotty at tumingin dun sa nagsalita. Maging ako ay napatingin din.

Sila Nelson, Felix at Damian... Pilit ko namang inaaninag ang nasa likod na nakakita rin sa mga pangyayari. Nung medyo nakikita ko na ay yun ang kinagulat ko.

"Scotty, sorry nga pala..." Sabi ni Chance. "Mukha namang okay ka na gawa ng girlfriend mo..." Dagdag pa niya.

"Sige, maiwan muna namin kayo, huh?" Sabi ni Damian.

"Istorbo yata kami sa moment niyo..." Sabi ni Nelson.

Unang umalis si Damian at sinundan ni Nelson at Felix. Nakatingin ako kay Chance na parang may pinapahiwatig sa mga titig niya. Pero umalis na din siya.

"Hmp." Rinig kong sabi nitong katabi ko.

Tiningnan ko siya pero nakapikit na.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon