Chapter 39: Langgam Sa Buhanginan

892 18 6
                                    

Pagkatapos nun ay nagpatuloy na ang laro. Kakatapos lang ni Damian, Cyril at Bea. Ngayon si Scotty ang nasa hot seat.

"Scotty..." Tawag ni Bea. "Truth or dare?"

Bago bumaling kay Bea, tumingin muna sakin si Scotty. Kumunot ang noo ko sa ginawa niyang yun. "Dare." Sabi niya at bumaling na kay Bea.

Binigyan naman ni Bea si Scotty ng ngisi. "Halikan mo si Fate sa... cheeks." Sabi ni Bea at pumalakpak pa.

Napatingin ako kay Scotty na katabi ko. Nakangiti siya sakin. Napalunok ako. Naririnig ko ba ang mga hiyawan ng mga nakapalibot samin. Maging ang boses ni Bonnie ay naririnig ko.

Unti-unting lumapit ang mukha ni Scotty sakin pero bagi bumaling ang mga labi niya sa pisngi ko ay dumerecho muna ito sa tainga ko.

"Nagselos ako kanina, Fate... Sobra akong nagselos." Muntik ko ng hindi marinig ang sinasabi niya dahil sa mga hiyawan na nakapaligid samin. Tumindig ang balahibo ko sa tainga. Naramdaman ko ang hininga niya sa pisngi ko. Shit! Ang lapit niya!

Ilang segundo ang lumipas naramdaman ko na ang labi niya sa pisngi ko. Nung nilayo niya ang mukha niya sakin ay nakita ko ang ngisi niya. Gwapo si Scotty, natural dahil modelo siya pero hindi ko alam kung bakit kapag si Chance, yung pagsasabi ko ng gwapo ay may kasamang kilig.

Nabingi na ako sa mga hiyawan. Ni hindi ko namalayan na pinipili pala ni Scotty si Chance. Napatingin ako sa direksyon niya. Nakatingin siya sakin. Matatalim at parang tumatagos hanggang kaluluwa.

"Truth or dare?" Nung narinig niya si Scotty ay binaling na niya ang tingin kay Scotty.

"Truth." Sabi ni Chance na walang ekspresyon ang mukha.

Ngumisi si Scotty. "Mayroon ka bang natitipuhang babae ngayon?"

Napatingin ako kay Chance. Inaabangan ko ang sagot niya sa tanong ni Scotty. Halos lahat naman yata kami ay nag-aabang.

Pinaglalaruan ni Chance ang hawak niyang stick sa buhanginan. May sinusulat siya pero kung anu-ano lang iyon. Dun siya nakatingin pero ngayon ay binalingan niya ako.

"Mayroon." Simple niyang sagot. Naghiyawan na naman ang mga tao sa paligid. Niyugyog naman siya nila Nelson.

"Sino?" Tanong ni Damian na ngiting-ngiti.

"'Tol, hindi naman ikaw ang magtatanong sakin, ah? Atsaka... one question lang, hindi ba?" Sabi ni Chance at bumaling sakin ng nakangiti. Umiwas ako ng tingin. Dumapo ang mga mata ko kay Scotty na ngayon ay kita ko ang pagkuyom ng panga.

"Scotty?" Tawag ko. Tumingin siya sakin at bigla akong niyakap. Agad ko namang ikinagulat ito. "Scotty?" Tawag ko ulit sa kanya.

"Fate, hayaan mong yakapin kita ngayon. Baka kasi hindi ko na rin ito magawa paglipas ng mga araw..." Ikinagulat ko ang mga binitawan niyang salita.

"Bakit naman, Scotty?" Tanong ko.

"Dahil ngayon, alam ko nang may aagaw sayo sakin... At panigurado akong siya ang magwawagi, hindi ako." Sabi niya at kumalas sa yakap.

Nanatiling nakakunot ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan. Sino? Bakit?

Binitawan niya ang magkabila kong braso at ngumiti. "Kahit kailan talaga, tanga ka..." At tumawa siya.

Kanina nag-eemote tapos ngayon tumatawa? Baliw!

"Sino ba ang manhid? Ikaw o si Chance?" Nagulat ako sa tanong niya.

Ako? Manhid?

"Huh? Umayos ka nga! Naguguluhan ako sayo!" Sabi ko at pinalo siya sa braso.

"Wala!" Untag niya at kinurot ang ilong ko.

"Oh Chance? Saan punta mo?" Napatingin kami ni Scotty sa nagsalita. Nakatingin si Chance samin.

"Nilalanggam ako. Ayoko pa naman sa mga langgam..." Sabi niya at tumalikod na.

"Anong problema nun? Wala naman akong langgam na nararamdaman dito eh." Sabi ni Felix at tumingin-tingin sa buhanginan kung may langgam.

"Langgam sa buhanginan? Aba matindi!" Tawa ni Nelson.

Narinig ko ang tawanan nila dahil sa sinabi ni Nelson.

"Lame excuses can't hide your feelings." Bulong ng katabi ko habang pinapanood si Chance na lumalayo dito.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang abot tenga niyang ngisi. May kumalabit sakin. Si Bonnie pala.

"Narinig mo yung sinabi ni Chance?" Tanong niya.

"May tainga ako, Bonnie."

Umirap muna siya. "Ano kaya yun? Nagseselos?"

"Nagseselos? Kanino? Nagpapakatawa ka naman yata." Tawa ko.

"Sa inyo ni Scotty. Ang sweet niyo kaya kanina pa." Sabi niya at nginuso itong katabi kong malaya na nakikipag-usap na kina Bea, Cyril, Tyler, Nelson, Damian at Felix.

"Imposible yang mga sinasabi mo. Si Chance nagseselos samin? Hindi mangyayari yun! Baka nga kahit puti na ang uwak, hindi mangyayari ang mga sinasabi mo!" Diin ko.

"Ang hirap sayo, Fate, puro ka imposible. How did you know? Nasubukan mo na bang itanong sa kanya ang nararamdaman niya para sayo?" Umirap na naman siya.

"Hindi pa." Simple kong sagot.

"Exactly my point. Hindi mo pa naitatanong sa kanya ang nararamdaman niya." Sabi ni Bonnie.

Hindi na ako nakasagot kay Bonnie. Ano nga kung itanong ko kay Chance? Aaminin niya kaya? O baka naman itanggi niya dahil wala naman talaga?

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon