Chapter 19: First Time

885 24 2
                                    

Nandito kami ngayon ni Chance sa basketball court. Nakikipaglaro siya sa mga lalaking kasing edad lang namin.

Hinahanap ko yung pang-ipit ko dahil banas na banas na ako nang bigla na lang magsitilian ang mga babaeng syota yata ng mga kalaro ni Aneng ng basketball kaya napatingin ako dun.

"Gago ka, pare, ah?" Sabi nung isang lalaking kalaro ni Chance at tinulak pa siya.

"Bakit anong problema mo?" Sabi ni Chance at tinulak din niya.

Inaawat naman nung iba pa nilang kalaro ang dalawa. Maging ako ay pumunta na sa court at nakiawat na din sa dalawa.

"Pagsabihan mo yang gago mong kaibigan ha? Mayabang!"

"Inaasar mo yung sarili mo?" Mapanuyang tanong ni Chance. Nakahawak ako sa braso niya at pilit na pinipigilan siyang makipag-away.

"Eh gago pala talaga ito eh!" Sabi nung lalaki at umambang sasapakin na si Chance. Buti na lang at napigilan iyon nung ibang lalaki.

"Tara na nga." Sabi ko at hinatak na si Chance sa bleachers ng court para kuhanin ang bag at dumerecho na ng alis.

Naglalakad kami ngayon pauwi at nangunguna siya ngayon kaya hinatak ko siya pabalik.

"Siraulo ka talaga, Aneng, no?" Pagsermon ko. "Ano? Makikipagbugbugan ka doon? Paano na lang kung wala ako doon? Anong mangyayari sayo? Uuwi ka sa inyo na may dugo sa labi at may black eye?"

Hindi siya nakatingin sakin. Pawis na pawis siya. Grabe! Wet look? Tangina. Ang gwapo!

Fate, galit ka sa mokong na yan, di ba?

"Yun lang ba ang sasabihin mo? Tss." Sabi niya at tumalikod ulit at nagsimulang na namang maglakad. Hinabol ko ang kumag at binatukan.

"Bakit ka namamatok?"

"Eh ang gago mo naman kasing kausap eh."

"Ano bang nakakagago sa sinabi ko?"

"Bakit ka ba nagkakaganyan, Chance? Dahil ba kay Laura? Come on, Chance! Hindi na babalik si Laura kahit na anong gawin mo." Sabi ko.

Bumulong siya pero hindi ko naintindihan kaya pinagpatuloy ko lang ang sermon ko sa kanya.

"Ano bang akala mo? Na baka kapag nabalitaan ni Laura na nakikipagbugbugan ka ay babalikan ka niya? Na baka kapag nalaman niyang sira na yang mukha mo ay babal-?"

"I SAID SHUT UP!"

At sa sigaw niyang yun ay nangatog ang mga tuhod ko at nangilabot ang buong sistema ko. Yuna pala yung binulong niya.

"Huwag mong sasabihin yan 'coz you don't know anything about what I'am feeling right now!" Sabi niya at sumakay na sa Black Dodger na graduation gift ni Tito Hans sa kanya.

Naiwan ako ditong nangangatog ang mga tuhod. That was my first time to be shouted by Chance.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon