Chapter 29: Suka Sa Iisang Tindahan

964 27 1
                                    

Mabilis na lumipas ang panahon. Parang kailan lang ay namomroblema ako kay Chance.

Mabuti na lang at nakapasa ako sa first sem ko. Wala akong bagsak.

Anim na buwan na ang nakalipas simula nung sagutan namin ni Chance. At sa anim na buwan na yun, nararamdaman ko ang pagkawala ng friendship namin ni Aneng.

Parang isang storya ang buhay namin ni Chance, masaya nung umpisa, sa kalagitnaan ay magulo, sa dulo nga lang ay hindi ko pa alam.

Isang linggo na naman ang lumipas. Nagkasakit nga ako dahil sa stress na nararamdaman ko at hindi yun alam ni Chance. Paano niya malalaman eh busy siya sa mga babae at lakwatsa niya?

Bumibili ako ngayon ng suka dahil inutusan ako ni mama. Nakakainis nga eh. Kahapon nasa grocery na hindi pa bumili atsaka kakagaling ko lang sa sakit, baka mabinat ako.

"Magkano po yung suka?" Tanong ko dun sa tindero. Mga kasing tanda ko lang ang nagtitinda. 

"Para sa isang magandang tulad mo, libre na lang basta ba payag kang makipagdate sakin." Nakangiti niyang sabi. Gwapo naman eh kaso ayokong makipagdate.

"Hindi na, magbabayad na lang ako." Sabi ko. Aaminin ko, namula ako. Pero hindi dahil sa crush ko siya kundi dahil sa tinawag niya akong 'Maganda'.

Napangiwi naman siya kaya napatawa ako ng mahina. Kumuha siya ng suka at inabot sakin. "15 pesos. Discounted na yan." Sabay kindat.

Napailing na lang ako. Binigay ko ang 20 pesos na buo kaya sinuklian niya ako ng lima.

Tinalikuran ko ang tindahan at nagsisi sa pagtalikod. Katapat nga pala nitong tindahan ang bahay ni Chance. Sakto namang bumukas ang gate nila kaya agad akong nagtago dun sa halamanan na katabi lang nung tindahan.

Nakarinig agad ako ng nga padabog na yabag.

"Nakakainis naman. Ako pa ang pinabili ng suka."

Bigla namang may umaligid sa isip ko.

Parehas kaming naiinis sa mga oras na ito at inutusang bumili ng suka sa iisang tindahan. Wow! Meant to be.

Tumung-tung ako dun sa isang bato. Hindi pa rin niya ako makikita dahil sa mga halamang pinagtataguan ko.

Ganun pa rin si Chance. Gwapo pa rin.

Sa isang katangahang pangyayari, nadulas ako sa inaapakan kong bato. Napaupo ako sa sahig. Mabuti na lang at puwet ang unang bumagsak sakin at hindi ang ulo ko.

Pero hindi naman talaga yun ang unang pumasok sa isip ko eh. Ang unang pumasok sa isip ko ay makikita ako ni Chance dahil sa katangahan ko.

"Ateng!" Tawag sakin ni Chance. Namiss ko yun.

Mabilis ang mga pangyayari, naramdaman ko na lang na binuhat niya ako. Bridal style.

"Dun ka muna sa bahay, gagamutin ko lang yung sugat mo." Sabi niya.

Wala naman akong naramdamang sugat kanina. Pero ngayon, mahapdi ang siko ko.

Pagkapasok sa bahay nila ay agad akong inupo ni Chance sa sofa nila. Pumunta siya sa kusina. Pagbalik niya ay may dala na siyang first aid kit.

Nilapag niya yun sa mesa at nilabas ang betadine, bulak at band-aid. Nakakatuwa nga dahil yung band-aid nila ay may design.

"Bakit kasi nagtatago?" Tanong niya. Hindi ako sumagot. Alangan namang sabihin kong tinataguan ko siya?

Naglagay siya ng betadine sa bulak at pinahid yun sa siko ko. Pagkatapos nun ay tinapalan niya yun ng band-aid.

"Okay na yan, palitan mo na lang pagkatapos mong maligo." Sabi niya. Tumango ako at tumayo.

"Ah, Fate," Napatigil ako sa paglapit sa pintuan dahil sa tinawag ako ni Chance.

Biglang nanginig ang mga tuhod ko at nagsimula na naman ang paglipad ng mga paru-paro sa tiyan ko.

Nilingon ko siya. "Mag-ingat ka, tanga ka pa naman." Sabi niya at umakyat sa taas.

Bipolar? Kanina kung mag-alala parang mamamatay na ako tapos ngayon sasabihan ako ng ganyan? Aba matindi!

Pero kahit papaano napangiti ako. Kasi kahit ganun kabaros ang pakikitungo niya sakin, at least nagawa niya akong asarin at lokohin tulad nung ginagawa niya nung lagi kaming magkasama.

At dahil nga sa wala na kaming pasok, napagpasyahan namin ngayon ni Bonnie na magshopping. Wala na daw kasi siyang bagong damit.

"Fate, bagay sayo ito oh!" Sabi niya sabay pakita sakin ang isang dress.

Pagkatapos nun ay kung anu-ano na naman ang pinagbibibili ni Bonnie. Magamit niya kaya lahat yan?

Nagpaalam si Bonnie na pupunta lang ng CR.

Naiwan tuloy ako dito sa Forever 21, mag-isa. Naghanap-hanap muna ako ng damit habang hinihintay si Bonnie.

Wala naman akong makita sa mga damit kaya pumunta ako sa mga accessories nila. Naagaw agad ng isang kwintas ang atensyon ko. Madali ko itong kinuha pero malas ko dahil may humawak din dito.

Tiningnan ko kung sino at laking gulat ko nung makita kung sino.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon