Chapter 40: Puwang Sa Puso

872 20 2
                                    

Nagkaayaan na naman silang mag-inom kaya lasing ang mga kasama ko. Hindi ako umiinom. Ayoko uminom.

Medyo may mga sapak na itong si Scotty kaya inalalayan ko nang tumayo. "I love you, Fate." Malambing na sabi ni Scotty.

Lahat kami ay bumalik na sa mga kwarto. May mga tama na kasi eh, baka may mangyari pang hindi maganda.

"Ingat ka diyan, Fate!" Sigaw ng lasing na si Nelson at pumasok sa kwarto niya.

Umiling na lang ako. "Susi?"

Kinuha naman ni Scotty ang susi niya sa kanyang bulsa at binigay sakin. Binuksan ko ang pintuan pati ang ilaw. Dinerecho ko siya sa kama pero loko ito at hinatak ako kaya napahiga ako sa kanya. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

"Ang ganda mo talaga, Fate! Kaya mahal na mahal kita!" Tumuon ako sa kanya para makatayo.

"Loko ka talaga." At umiling.

Bagi ako lumabas sa kwarto niya ay inasikaso ko muna siya. Hindi ko na pinalitan ang damit niya. Baka paggising niya kinabukasan ay sabihin niyang pinagsamantalahan ko siya. Sapatos lang ang hinubad ko sa kanya.

Sinarado ko ang pinto. Papasok na sana ako sa kwarto ko ng maalala ko kung nasaan si Chance. Nasaan nga ba yun?

Suminghap ako at lumabas na ng hotel. Hahanapin ko ulit si Chance.

Ilang minuto rin akong naghanap hanggang sa makarating ako sa lugar ng isla kung saan puro cottages. Nakarinig ako ng ingay sa isa sa mga cottage kaya pinuntahan ko.

Nakita ko si Chance. Lasing siya at yung ingay na narinig ko ay yung baso ng alak na hawak niya.

"Chance!" Madali ko naman siyang pinuntahan.

Nilagay ko ang isang braso niya sa likod ko. Para siyang nakaakbay sakin. Inalalayan ko siyang maglakad hanggang sa makarating kami sa kwarto niya. Dinerecho ko siya sa kama niya.

"Mmm." Ungol niya at hinatak ako.

Lecheng mga lalaki ito! Mga lasing ba sila o nagpapanggap lang para makapananching?

Pilit akong umaalis sa pagkakayakap niya sakin. Mabuti na lang at lumuwag iyon kaya nakatayo ako sa kama niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Ang epekto talaga ni Chance sakin, baka mamatay ako dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso.

Ngayon ay hinuhubad ko ang sapatos niya nang bigla na naman niya ako hatakin. Napahiga na naman ako at niyakap niya ng mahigpit.

"Bakit hindi na lang kaya tayo?" Bulong niya pero rinig ko yun.

Pinagmasdan ko si Chance. Dumaan ang mga mata ko buong mukha niya. Tumigil lang ito sa mga labi niya.

"Tayo na lang kaya?"

Tinulak ko siya kaya nakakalas ako sa yakap niya at nakatayo sa kama.

"Eh loko! Ikaw lang naman itong may mahal na iba eh!" Nanlaki ang mga mata ko at napahawak ako sa nakaawang kong bibig.

ANONG SINABI MO, FATE?!

Tiningnan ko si Chance. Tulog kaya ito?

Ginalaw-galaw ko siya para malaman ko kung natutulog ba ang damuho.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Damn that was close! Muntikan na yun!

Napahawak ako sa noo ko. "Muntik ka na, Fate." Bulong ko sa sarili ko.

Umupo ako sa kama ni Chance. Pinagmasdan ko ulit siya habang hinihimas ang buhok niya. Ang gwapo ni Chance.

"Anong nangyari satin, Chance? Anong nangyari sayo?"

Napangiti ako dahil sa mga nangyayari ngayon. Muli ko na namang kinakausap ng tulog si Chance. Tama nga siguro ako. Na sa tuwing nakapikit at natutulog si Chance ko lang masasabi ang mga hinanakit at nararamdaman ko para sa kanya.

"Tayo na lang sana, Aneng. Sana magkaroon ako ng puwang sa puso mo. Kahit minsan, Aneng. Kahit minsan."

Pinipigilan kong huwag umiyak pero mahirap.

"Mmm." Ungol niya.

Unti-unti kong nilapit sa pisngi niya ang mga labi ko. Nung dumampi yun dun ay nakaramdam agad ako ng kuryenteng dumaloy sakin.

"I love you, bes." Sabi ko at lumabas ng kwarto niya.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon