Chapter 44: Nagmahal Lang Naman Ako

922 22 2
                                    

Lumipas ang mga araw pagkatapos akong halikan ni Chance. Hindi na niya ako kinibo matapos mangyari yun. Naguguluhan tuloy ako. Ang daming tanong na bumabalot sa isip ko. Bakit niya ako hinalikan? Napagkamalan niya bang ako si Laura? Ano kaya ang iniisip niya nung hinalikan niya ako? Mabilis rin kaya ang tibok ng puso niya nung mga oras na yun kagaya ng akin? Mahal niya na kaya ako?

Pasukan na bukas. Ang bilis nga ng panahon.

Pero gayunman, patuloy pa rin sa panliligaw si Scotty. Kung minsan ay dinadalaw niya ako sa bahay at bibigyan ng regalo. Boto nga ang mga magulang ko sa kanya eh! Kung minsan naman ay inaaya niya akong kumain sa labas.

Ngayon ay hindi siya pupunta at wala kaming usapan na lalabas kami dahil sa mayroon siyang photoshoot.

Nandito ako ngayon sa playground. Nakaupo sa swing habaang dinuduyan ito.

"Fate." Napalingon ako dun sa tumawag sakin. Nakita ko naman si Chance. Nagulat naman ako dahil ngayon ay kinikibo na niya ako.

Tumayo ako para sana kausapin siya tungkol dun sa paghalik niya sakin, isang buwan na ang nakalipas kaso bigla niya akong niyakap.

"C-chance?"

"Fate, nakita ko na naman sila at ang sakit. Sobrang sakit." Sabi niya at kumalas sa yakap.

"Sinong sila?" Tanong ko.

"Si Phillip at Laura."

Ewan ko ba pero para akong paulit-ulit na tinutusok ang puso ko ng karayom. Ang sakit! Akala ko kasi kaya siya nandito dahil pag-uusapan namin yung ginawa niyang paghalik sakin.

Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang mga luha ko. Kumalas si Chance sa pagkakayakap sakin. Umiwas ako ng tingin sa kanya at pinilig ang ulo.

"Yun lang ba ang pinunta mo sakin? Para sabihin ang sakit na naramdaman mo nung makita mo si Phillip at Laura?"

"Mayroon pa bang iba?" Napapikit ako nung marinig ko yan sa kanya. Shit, Fate! Huwag kang iiyak sa harap ni Chance!

Tinanggal ko ang mga kamay niyang nakahawak sa braso ko at naglakad. Baka kapag kinausap ko pa si Chance ay baka umiyak lang ako at masabi ang sakit na nararamdaman ko kasama. Baka masabi ko rin sa kanya na mahal ko siya.

Hinatak naman niya ako. "Ano bang problema mo, Fate?" Tanong niya.

"IKAW, CHANCE! IKAW ANG PROBLEMA KO!" Sigaw ko at tinuro siya.

"Ano ngang problema mo sakin?"

"Gago ka talaga eh noh! Napakamanhid mo!"

MAGHULUSTILI KA, FATE! PIGILAN MO ANG SARILI MONG HUWAG MASABI KAY CHANCE ANG NARARAMDAMAN MO PARA SA KANYA!

"Anong kinagago ko? Manhid? Linawin mo nga, Fate! Naguguluhan ako!" Sabi niya.

Naramdaman kong may mga luha na tumutulo mula sa mga mata ko kaya pinunasan ko yun.

"Bakit mo ako hinalikan, Chance? Nung gabing hinatid mo ako galing amusement park."

Napaltan ang mukha niya ng blanko. Hindi siya nagsalita. Panay ang paglunok niya.

"Bakit, Chance?" Tanong ko.

Please, sabihin mo lang na mahal mo ako.

"Hindi ko alam, Fate." Sabi niya.

Halos gumunaw ang mundo ko at madurog ng literal ang puso ko sa narinig ko mula sa kanya.

Hindi ko alam... Hindi ko alam... Hindi... Hindi... Ko... Ko... Alam... Alam...

Parang isang sirang plaka na paulit-ulit sa utak ko ang mga binitawan niyang salita.

Lumapit siya sakin pero umatras ako.

"Alam mo," Sabi ko at binaling sa kanya ang tingin ko. Wala na akong pakielam kung makita niya akong umiiyak at kung masabi ko sa kanya ang nararamdaman ko. Tulad nga ng sabi niya sakin dati, nasaktan na naman ako eh bakit hindi ko pa lubus-lubusin?

"Laging sinasabi sakin ni Bonnie na tigilan ko na kahibangan ko. Ang katangahan ko. Sabi niya wala daw maidudulot sakin yun kung hindi sakit lang. Pero sa tuwing naaalala ko yung mga sinabi sakin ni Margo bago siya mawalan ng buhay, pinagpapatuloy ko ang nararamdaman ko na ayon kay Bonnie ay katangahan sa isang bagay na hindi magiging akin at ayon naman kay Margo ay pakikipaglaban sa isang bagay na pwede maging akin." Pinunasan ko ang mga luha kong patuloy lang sa pagluha.

"Ang sinasabi ni Bonnie ang nasa isip ko. Ang sinasabi naman ni Margo ang nasa puso ko. Sinunod ko ang sinasabi ni Margo. Ang sinabi ng puso ko. Kaya kahit sabihan ako ng ibang tao na ang tanga ko para mahalin ang bestfriend ko, okay lang sakin. Kasi alam ko na tama yung ginagawa ko. Na walang mali sa ginagawa ko." Patuloy lang sa pagragasa ang mga luha ko.

"Fate." Malambing pero malungkot na tawag sakin ni Chance at lumapit. Pero lumayo ako.

Pinunansan ko ang mga luha ko. "P-pero Chance, nagmahal lang naman ako, eh." Sabi ko. "A-ang malas ko lang kasi may mahal kang iba at h-hindi ako yun." Halos matabunan ang buong mata ko ng luha.

"F-fate." Tawag niya sakin. Pero bago pa siya makalapit sakin ay tumakbo na ako.

Tumakbo lang ako ng tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong pakielam kung sinusundan ako ni Chance. Basta ang gusto ko ay makapag-isa.

Napatigil lang ako sa pagtakbo dahil may nakabangga ako. Hindi pa naman siguro ako nakakalayo sa subdivision. May nakikita pa naman akong mga bahay atsaka guard house kaya baka nga nasa subdivision pa ako.

"Sorry." Sabi ko.

Nagulat ako nung tinawag niya ang pangalan ko. "Fate?" Tiningala ko ang ulo ko at nung makita ko ang mukha niya ay niyakap ko na lang siya at umiyak sa dibdib niya.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon