Chapter 33: Hayaan Mo Ako

938 26 6
                                    

Nang makapagpalit na ako ay lumabas na ako ng kwarto ko. Sakto naman ang paglabas ko ay siyang paglabas rin ni Chance.

Nagkatinginan kami pero shit lang kasi hindi ko kaya. Umiwas na lang ako ng tingin.

"Nasaan sila?" Tanong niya. Nakakasilaw ang hikaw niya sa tainga. Teka, kailan ba nagkahikaw itong si Chance? Hay! Marami na talagang nagbago sa kanya at karamihan dun ay hindi ko alam.

"Nasa may swimming pool sa may deck." Hindi ko alam kung paano ko nagawa na derecho ang pagsasalita ko sa harap ni Chance. New record ito, huh?

Tumango lang siya at bahagyang ginulo ang buhok. Kahit guluhin niya ng ilang beses ang buhok, hindi mawawala sa kanya ang salitang gwapo.

"Bakit hindi ka sumabay sa pagkain?" Tanong ko habang sinasarado ang pintuan.

Ngayon ko lang napansin na topless ang kumag. Shit! Abs. Diet ako ngayon pero mukhang mabubusog ako. Aish! Stop it, Fate. Namamanyak ka na naman.

Napalunok tuloy ako. "Nakatulog ako eh." Sabi niya. Bakit kaya? Puyat ba siya kagabi?

Tumango na lang ako. "Sige, una na ako sayo." Sabi ko.

Pumasok siya sa loob. Ganun na lang ba yung pag-uusap namin? Naglakad na lang ako.

"Sasabay na ako sayo." Tugon niya at sumabay nga sakin. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nagsusuot siya ng t-shirt. Bakit ganun? Kahit simpleng shirt at short lang ang suot nito, gwapo pa rin? Unfair!

Hanggang sa makarating kami sa deck. Hindi kami nag-uusap. Silence.

Bakit ganun? Dati, ang saya-saya namin. Dati, walang dull moments samin kahit pa lagi niyabg kasama si Laura. Pero bakit ngayon? Parang ang laki na ng agawat ng pagkakaibigan namin?

Nagulat naman ako nung hatakin ako ni Bonnie. "Bakit kayo magkasama?"

"Nagkasabay lang kami. Malaki ang difference nun sa magkasama." Sabi ko. Umirap na naman si Bonnie. Seriously, nakakailang irap na ito sakin.

"Anyways, tawag ka ni Scotty. Sa dining room ng barko."

"Bakit daw?"

Nagkibit-balikat lang siya. Nagsimula na akong maglakad. Nadaanan ko pa nga yung table kung saan kumakain si Chance eh.

Muntik pa akong mawala, mabuti na lang at may nakasalubong akong crew ng barko kaya natanong ko kung saan ang dining room nila.

Nadaanan ko na pala. Sabi ko na nga ba ito yun eh! TRUST YOUR INSTINCTS KASI!

Pumasok ako sa loob. Ang laking dining room naman nito. Pero teka, walang tao. Nasaan si Scotty? Oh no! Baka may maitim na balak iyon. Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan kaso nakarinig ako ng nagsalita.

"Pumasok ka na, lalabas ka pa."

Lumingon ako. Nakita ko si Scotty sa may stage malapit sa may piano. Nag-gesture siya sakin na lunapit ako dun kaya lumapit na ako kahit maraming umaaligid sa utak ko at namamasa ang mga kili-kili ko.

"A-anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.

"Ano nga ba? Mmm." Sabi niya at unti-unting lumapit sakin. Hianwakan niya ang magkabila kong braso.

Totoo ba ang mga iniisip ko? Dahil sa takot ko, pumikit ako ng mariin. Naramdaman kong ginalaw niya ako. Ilang sandali ang lumipas nakaramdam ako ng kung anong malamig sa leeg ko. Dumilat ako at nakita ko ang mga tables. Di ba dapat mukha ni Scotty?

Kinapa ko naman yung kung anong malamig sa leeg ko. Isang kwintas na may pendant. Naalala ko tuloy yung binigay ni Chance, yung parehas kaming mayroon, na nakatabi sa ataol ng lola ko. Joke! Tinabi ko sa isang box. Lahat ng galing kay Chance tinatabi ko. Ayoko kasing masira o mawala gayung alam kong burara ako.

Inikot uli ako ni Scotty kaya ngayon ay magkaharap na kami. "B-bakit mo ako binibigyan nito?" Tanong ko.

"Kahit kailan, ang tanga mo..."

"Hoy! Mahiya ka nga! Consistent first honor ako nung gradeschool days ko at Valedictorian ako nung grumaduate ng highschool..." Sabi ko.

"Matalino ka sa academics, pero bakit sa pag-ibig, tanga ka?" Tanong niya.

Hindi ko rin alam.

"I like you, Fate. No... Let me correct that, I love you, Fate..." Napaawang ang bibig ko. "Alam kong mabilis, pero, ganun naman talaga di ba? Pwede kang tamaan ng love kahit sa una niyo pang pagkikita." Sabi niya.

"Scotty-"

"Pero mahal mo si Chance. Alam ko, Fate, pero hayaan mong mahalin kita, nagbabakasakali akong kapag tinuloy ko itong nararamdaman ko at kapag niligawan kita, baka mahalin mo rin ako at makalimutan mo si Chance." Sabi niya.

Gusto ko siyang bigyan ng chance pero ayoko siyang umasa. Pwede ba yun? Alam ko magulo. Aish! Magulo naman na nag buhay ko simula nung maramdaman ko ang love sa isang taong may mahal na iba at bestfriend ko pa.

Nagulat ako nung bigla niya akong niyakap. "Hayaan mo ako, Fate..." Sabi niya.

"Ayokong umasa ka, Scotty." Sabi ko. Nagulat ako nung bumukas ang pintuan. Kumalas sa yakap si Scotty. Lumingon ako para makita kung sino iyon.

"Chance?" Bulong ko. Narinig niya kaya lahat? Jusko! Sana naman hindi.

"Anong ginagawa mo dito?" Iritadong tanong ni Scotty.

"Kukuha lang ako ng tubig sa kitchen." Sabi ni Chance at pumasok dun sa kabilang pintuan.

"Mayroon namang daan na derecho papunta sa kitchen, ah?" Sabi ni Scotty.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon